2

219 12 0
                                    

Nandito ako sa aming paaralan at hindi ko maiwasan maiisip ang pangyayari kahapon sa bahay ang pagbawal sa aking ama sa pagpunta sa kanilang baryo.

Ano bang meron sa baryong  yon kung bakit ayaw na ayaw ni amang Ramon ang pagpunta ko doon tsaka naalala ko dati nong maliit pa ako na nagsabi ako na pupunta kami sa lugar ni ama dahil pinapili din niya ako Kong saan kami magbabakasyon.
Inaalalahanan niya ako na kung anong mangyayari ay bawal ang pagpunta doon kahit na noong kaibigan ko ang magsabi na pupunta kami at narinig din pala kami noon ni ama pinagsabihan din kami nun.

Wala ako sa sarili hanggang natapos ang klase namin at nanatili parin akong nandito
"Alam nyo guys!may naisip na akong plano this coming sembreak!" Rinig kong masiglang sabi ni Nicole sa  kanyang mga kaibigan Lima sila.

"Talaga Nicole! Saan naman!" Excited ding tanong ni Alden ang kanyang nobyo na tinitilian ng mga babae dito dahil lang naman sa ay isang campus king hindi na ako magtataka dahil ubod naman talaga siya ng gwapo e at crush ko naman siya hihi  pero wag kayo maingay dahil sekret ko lang yan!.

"Sa baryo ng Katipunan! I heard na maganda daw doon "nakangiting wika ni Nicole.

"So ano guys! Doon na tayo"wika ni jessika ang class secretary namin si Nicole and President at vice naman si Alden. Samantalang sina James at Aiza ang treasurer at auditor.  Ang kaibigan kong si Jessi ang muse namin kahit nerd yon ay siya yong binoto ng mga klasmet ko katuwaan siguro at ako yong busy dito hihi...

Nagulat nalang ako ng kinalabit ako ni Alden sabay ngiti abat ang cute niya...
"Sama ka sa amin Ara "wika niyang naka ngiti parin.bigla nalang akong napatingin kay Nicole na naka simangot na parang kakain ng tao.

"Ah, hindi ako pwede kasi may plano na ako kasama parents ko eh"tanggi ko sa kanila kaya wala silang nagagawa pa at ssaka ayaw kong kasama si Nicole dahil sobrang maldita niya kahit kapitbahay namin siya lagi niya akong inaaway dahil lagi akong pinu puri ng kanyang mga magulang dahil mabait daw ako e mabait naman si Nicole ewan ko lang bakit siya ganyan..

Naglalakad na akong pauwi ayaw kong sinusundo ako tuwing uwian kaya nag lalakad lang ako may mga rason din ako kong bakit pinakahuli akong uuwi.
Malapit na ako sa bahay namin ng nakita ko si Nicole na naglalakad papunta sa akin.. Seryoso siya ngayon Ayon sa nakikita ko sa mukha niya na medyo kunot ang noo.

Ang Dayo sa Baryo Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon