six

25 2 7
                                    


Ara pov

Naalimpungatan ako ng may narinig akong nabasag kaya bigla akong napadilat  kadiliman ang aking nakikita,napatingin ako sa bukas na bintana napakunot noo ako ng may nakita akong anino na tumalon..

Napabangon na ako ng tuluyan ano kaya yun!Nag mamadali akong nag ayos para lumabas baka kanina pa nila ako hinihintay.

"Buti nagising ka na rin"wika ni Nicole sa akin nang nadatnan ko siya sa may sofa.

Nakatayo lang ako habang nakatingin sa kanya.
"Ano bang tinitingin tingin mo dyan?" Inis nitong sabi,,kaya lumapit ako sa kanya.

"Ano bang kasalanan ko sayo Nicole Bakit ka galit sa akin hindi naman kita pinakialaman!"tanong ko sa kanya.

"Kaya nga e kasi ikaw ang angat! Ikaw ang magaling ikaw ang maganda na kinaiinisan ko" sambit nito.
Hindi ko alam ganoon pala ang kanyang saloobin   naalala ko dati kahit hindi kami kaibigan ay mabait naman ito sa akin noon nag iba lang noong lagi akong pinupuri ng mga tao.
Bigla ko nalang siya niyakap hindi ko din alam Kong Bakit nagawa ko siyang yakapin,,siguro nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata.

"Sorry,nabigla lang ako"paumanhin ko sa kanya at lumabas na ng bahay..

"O nandito na pala si Ara!"sambit ni Alden.
"Dito ka umupo Ara" umupo ako sa gilid ni Alden,dumating din si Nicole at umupo sa tabi ko kaya napa gitnaan ako I feel awkward nang  may dumating na isang Babae Hindi ko masyadong makita ang mukha.

"Alex! Halika may pakilala ako sayo"tawag ni Alden Kay alex. Lumingon ito sa amin at napag masdan ko ang kanyang mukha isa lang masasabi ko maganda at misteryosa ang kanyang dating, may maikling buhok. Napatingin ito sa akin at naasiwa ako sa tingin nito kasi isang napaka lalim na titig ang
Tingin nito sa akin.

"Alex,si Ara pala kaibigan namin"si alden."Ara si Alex pala ang may ari ng resort na to"
"Hi"bati niya at nakipag kamay sa akin.
"Hello"bati ko din sa kanya..ang.higpit higpit ng pagkakamay niya sa kamay ko e kaya binitawan ko na ito.

"Ahem,kumain na kaya tayo!"naka Simangot na wika ni Nicole at umalis na,anyare don.
Nagsunuran din yong mga kaibigan niya pati na ang mga klasmet namin
Naiwan kaming dalawa ni Alex dito.

"Sa wakas dumating kana"bulong nito.

"Ano po yon"tanong ko sa kanya,naka ngiti lang ito. At umalis na.

Nandito ako sa loob ng kwarto ng may kumatok,,pagbukas ko si Nicole pala.

"Pweding dito muna ako matutulog?"wika  nito na napagpakunot noo ko.
"Hindi kasi ako makatulog kasi ang iingay nila, Kong matulog e"medyo nagpaawa ang pangungusap nito.

Binuksan ko ng malaki ang pinto para makapasok siya malaki naman ang higaan.

"Dito ka nalang sa may sofa nalang ako"wika ko.

"Wag na dito ka nalang malaki naman ang kama e kasya naman tayo o" wika nito..medyo kinabahan ako,hindi kasi ako komportabli sa kanya.

Nakahiga na kami ng nag salita si Nicole.
"Pasyensya kana Ara sa ugali ko sayo"paumanhin nito at nasense ko naman na sinsere siya.

"Ayos lang sa akin iyon nic. Matulog kana"wika ko at pumikit na..

Naalimpungatan ako ng may mabigat sa bandang tiyan ko
Pagtingin  ko ay isang paa pag angat ko ng tingin. Si Nicole pala.
Dahan dahan kong tinanggal ang kanyang paa at bumangon..
Napatingin na naman ako sa may bintana Bakit ganoon,naka Sara naman yan kanina e bat bukas na ngayon.

Tinungo ko ito at sinarado ng makaramdam ako ng uhaw kaya lumabas ako para magpunta ng kusina nang nadatnan ko si Alex doon nakaupo.

"Hey!Bakit gising ka pa?"tanong nito.

"Ahm!kukuha lang sana ako ng tubig e"wika ko.kinakabahan ako sa lagkit ng kanyang tingin sa akin.

"Alam mo bang maganda ka Ara? Mapa inn man o mapa out?"titig na titig nitong sabi.
Kumunot noo ko"hindi" sagot ko.

Lumapit ito sa akin na ikina atras ko ng bahagya.
"Alam mo bang masayang masaya ako dahil sa wakas nandito na ang mahal ko"mahina nitong wika.
"Anong ibig mong sabihin"tanong kong naguluhan.

Itutuloy.....

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 07 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Dayo sa Baryo Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon