Wag na natin ilahad ang eksaktong address ng nasabing building, hayaan na natin itong mailagay sa tahimik.
Unang araw pa lamang ni King sa nasabing building, isa lamang siya OJT (On-the-Job Trainee) so walang sweldo, at hindi din magtatagal sa nasabing trabaho niya bilang Information Tech or Technician sa isang department. Nabibilang si King sa 5th Floor ng PT building, kada floor magkakaibang department, nasa last floor siya ng building. Ipinatawag siya ng kanyang boss na ang pangalan ay Ms. Arlene Buenaventura, isang architect at nsa 40 years na nagtatrabaho sa department na iyong at sa building na iyon, kinausap siya ito at naginterview konti sa kanya patungkol sa mga kailangan niyang magawa, at ma-achieve sa buong 100 hours na uubusin niya doon sa kanilang department, mabait naman ang kanyang boss. Inayos ang kanyang schedule na pang-gabi na nagsisimula ng 11am ng umaga at 8pm.
Nagtaka siya, bakit ganun schedule niya pero pumayag na asiya kasi no choice na siya at kailangan niya na magsimula kaagad dahil maabutan na siya ng deadline na dapat makapag-pasa na ng mga company name sa kanilang school.
Nagsimula na kaagad ang hanggang gabi niyang pasok ngayong araw, medyo wala ginagawa naman sa kanyang desk, kasi nagaantay lang siya ng mga tawag sa mga ibang empleyado dun kung anong problema sa computer at dun lang siya nagkakaroon ng mga gagawin. Hanggang hapon na ang nakalipas ay wala pa din siya ginagawa, mula facebook at youtube lang ang kanyang pinagkakaabalahan, patago niya itong ginagawa dahil bawal ito at baka bigla siyang mapagalitan, (5PM) na at nagsimula ng magsi-uwian ang mga empleyado dun at ilan-ilan lang silang natira dun sa opisina kasama ang kanyang boss na si Ms.Arlene .
Solo lang siyang natira sa desk ng mga Information Tech, yung iba empleyado na natira medyo malalayo na sa kanya kaya halos siya lang ang nakikita niyang andun sa bandang pwesto nila, medyo busy din mga empleyado kaya hindi masyado tumatayo at hindi niya nakikita.
Malapit ang pwesto ni King sa pantry(kitchen) ng kanilang opisina, kaya madalas marinig niya ang lakas ng hangin na para bang gumagawa ng tunog na tumatawag o sumisipol. Gabi na (7PM) at patay na ang ibang ilaw sa mga pwesto na wala ng tao, so ang kanyang pwesto na lang ang may ilaw. nagsi-uwian na din yung natitirang empleyado kasama si Ms. Arlene.
Siya na lang ang nasa loob ng opisina, yung security guard din na nagbabantay sa labas ng department nila, lumabas na din ang naglilinis nung opisina na nagbilin pa na bago siya umuwi linisin niya daw ang kaniyang pwesto dahil maraming nagagalit kapag madumi tong lugar. Ang kanyang nasa isip lang ay mga empleyado,personnel at ang boss niya magagalit yun pala ay may paalala din pala to na mga nilalang din na sa kabilang buhay ang nagagalit.
Magisa na lang siya sa opisina at nagsimula na ang mga kakaibang pagpaparamdam sa lugar, may bigla na siyang narinig na sumisipol ng malakas at bigla ng lumakas ang pagtibok ng puso niya, sino ba naman ang hindi matatakot e madilim at magisa ka lang sa loob ng opisina eh. inisip niya na lang na hangin lang yun na nanggaling sa may kitchen.
Simula pa lang pala ito ng matinding pagpaparamdam sa kanya. sa may bandang gitna ng opisina ay naririnig niya yung keyboard ng isang computer na tila may nagttype, dahil magisa lang siya naririnig niya bawat katiting lang gumagalaw sa buong lugar. kinilabutan na siya at nagsi-tayo na ang kanyang balahibo, pagtingin niya ng oras (7:58PM)
Nagayos na siya ng gamit hanggang sa naglakad na siya papalabas bago niya buksan ang pintuan sa opisina ay may tila may bumulong sa kanya ng "Ayoko sa lahat yung hindi naglilinis!" Sobrang taranta na siya at sa sobrang takot hindi na siya nakapag-out doon sa opisina, medyo patakbo na siya at nakita niya yung guard, nasabi niya na lang na pa-out na lang ako sa log book niyo Sir, nawala sa utak ko mag-out sa loob eh, kumaripas na siya ng takbo hanggang maabot ang elevator, hindi niya kayang maghagdan sa kanyang mga naranasan sa loob ng opisina.
Nakapasok na siya sa elevator, pagka-pindot niya sa close button ng elevator medyo nakahinga na siya ng malalim ng biglang, bumukas ulit na tila may pumindot ng pindutan para muli itong bumukas akala niya may makikisabay sa kanya na hindi pa nakakauwi, nag antay mga 10 segundo walang sumakay. pinindot niya uli eto at biglang bumukas ulit at may pumasok na malamig na hangin sa loob ng elevator na nagpatindig balahibo ule sa kanya, sa pangatlong pindot niya ay sumara na ito ng tuluyan.
Hindi natatapos ang pagpaparamdam sa kanya dahil bawat floor na madaanan ng elevator ay bumubukas eto, dahil ganun na ang oras ay wala ng natitira sa bawat ibang department sa iba't ibang floor, unang nadaanan niyang floor at ito'y ang 4th floor, sobrang dilim at may naaa-ninag yung kanyang isang mata na patay sindi na ilaw, sa may 3rd floor naman, madilim wala ng talagang ilaw, ngunit nakakarinig siya ng nagsisitakbuhan na halos papalapit sa kanyang ang bawat kalabog ng mga paa neto.
Sa sobrang takot niya ay napadasal na lamang siya habang inaabot ang pindutan sa elevator para tuluyan sumara, napapikit na lamang siya habang nagdarasal na wala ng mangyari. nakapikit lang siya, Pawis na pawis na siya hanggang bumukas eto at nasa ground floor na siya. May mga 3 guard pang bantay doon sa building, at tuluyan siya tumakbo at lumayo hanggang sa nakauwi na siya sa kanilang bahay sa taguig.
Nahirapan siya makatulog dahil sa mga naranasan niya sa buong isang araw doon sa opisina, samot sari ang pumasok sa kanyang isipan, may mali ba siyang ginawa na nagpagising sa mga nilalang para siya'y takutin at tuluyan paalisin doon, maraming pumasok sa kanyang isipan dahil Eto pa lamang ang unang karanasan niya ng mga kababalaghan sa kaniyang buhay. Tuluyan na nakatulog si King sa pagod kahit ito'y takot na takot sa kanyang naranasan ngayong araw.
*
PS:
Please do feedbacks for me, for future update nitong 3rd own story ko! Please support na din po yung iba kong own Story. Thanks :)
BINABASA MO ANG
Misteryo sa PT Building(On-going)
УжасыMakiramdam , Matakot , Magmasid at Maniwala na ang kanilang kaluluha ay andiyan lang sa inyong tabi, na darating ang araw ipaparamdam sayo ang kanilang naranasan sa kanilang paraan.