Ang Kaibigan?

32 0 0
                                    

Medyo tinanghali ng gising si King dahil sa mga misteryo at kababalaghan niyang naranasan kagabi lamang at sa unang araw niya pa ito. medyo nagaalangan na siya pumasok ngunit kailangan niya ito para sa kanyang grade para wala siya masyadong marinig sa opisina ay dinala niya ang kanyang mp3 para magsosoundtrip na lang siya kapag kumagat na ang dilim para hindi niya na ito mapansin at malagpasan niya ang mga kakilakilabot na nangyayari na baka bigla itong maulit ngayong araw.

(10:30am) ito ang oras ng nakaalis siya sa kanilang bahay, medyo late na siya nakarating sa kanilang opisina. nkpg-time in siya ng 11:15 kaya kailngan niya mag-Overtime ng 15 mins para mabuo niya ang 8 hrs a day niya. medyo kinabahan niya, ngunit napasabi na lang siya na idadaan niya na lang ito sa pagdarasal.

Nagsimula na ule ang kanyang trabaho, may mga tumatawag na sa kanya para magpatulong sa mga nangyari sa mga computer nila, may mga hindi mka-connect sa internet, yung iba laging nagrerestart yung computer. kaya medyo naging busy siya ngayong araw at medyo nakalimutan ang mga nangyari kinagabihan. (Lunch break) medyo nagkakaroon na siya ng kaibigan tulad nila Ralph at Kesha na 2 sa pinakamatagal na sa opisina na iyon, nakita nila ang kanilang paghahalintulad sa pagiging interesado sa mga magazine ,  computer games at sports. Doon sila nagkasundo at nagkausap, medyo naging panatag na ang loob ni king dahil may mga nakilala siya. 

Balik trabaho na siya ule hanggang di niya na naramdaman ang oras, at bumalik na naman ang mga alaala niya sa nangyari kagabi ng biglang sumapit na ang (5PM) para bang nagflashback eto sa kanya, unti-unti ng nagsi-alisan ang mga empleyado ule ngunit ngayon sumabay na si Ms. Arlene, mas kakaunti ngayon ang natirang empleyado kaysa kahapon. in-on na niya ang Mp3 para hindi niya mapansin na ang mga nangyayari kababalaghan at medyo maging panatag siya. naging abala siya sa pag-facebook habang nagsosoundtrip.

(7PM) at nagsiuwian na ang iba pang natitirang empleyado sa kanilang opisina, medyo kinakabahan na siya dahil baka mangyari na naman yung na-experience niya kagabi. Pinagpatuloy niya ang pagsosoundtrip niya tapos nagbabasa naman siya ng Manga(Anime) para makapagfocus lang siya dun at hindi makaramdam ng kababalaghan.

Sa sobrang ka-busyhan sa Anime di niya napansin na may tumatawag na pala sa kanya sa telepono, nagpatuloy ang pagtawag at hindi niya eto napansin. hanggang sa para bang may naririnig siya na tumatawag sa kanyang pangalan. "Kiiiiing , Kiiiiing, Kiiiing." pa-ulit ulit niya etong naririnig ng mga 30 seconds, medyo kinakabahan na siya, hininaan niya yung mp3 niya at patuloy niya pa rin etong naririnig hanggang sa makarinig na din siya ng mga yapak na papalapit sa kanya pinatay niya na ang kanyang mp3 at nagsimula na ule siyang magdasal ng biglang

may humawak sa likod niya at napasigaw siya. "Waaaaah" at biglang tumambad sa kanyang harapan ay isang babae na maputi at makinis hindi katangkaran ngunit maganda.Nagulat at natawa ng kakaunti ang babae sa reaction na nakita niya kay King.  Napasalita agad itong babae, "Hoy King, Kalalaki mong tao kung makasigaw ka e, daig mo pa ako!" sabay ngiti

Sabay sagot agad si King na "Pasensya ka na, ikaw kasi e. tinatakot mo ako eh, Siya nga pala bakit mo ba ako tinatawag at bakit mo ako kilala, Sino ka ba?" 

Sabay sagot ang Babae na "Ako nga pala si Kimberly, pasensya na hindi kaagad ako nagpakilala ah, at hindi kita tinatakot, Technician ka kaya tinatawagan kita sa phone, kaso di mo naririnig kaya pinuntahan na kita, kilala ko lahat dito kahit bagong pasok lang dito kaya wag ka na magtaka".

Nagtaka na lang bigla si King, Nawala na din ang kanyang takot kasi akala niya isang kababalaghan na naman ang kanyang naririnig. Pinuntahan nilang 2 yung pwesto ni Kimberly na may ipapaayos daw siya sa kanyang computer, pagdating sa kanyang lugar ang bumungad sa kanya ay ang desk na walang linis at maalikabok, kaya kada 10 segundo ay bumabahing si King. Agad naman nagpasensya si Kimberly, at  ang nasabi ay "Hindi ko na nalinisan tong pwesto ko kasi matagal akong nawala eh

Nagtaka na lang si King at napaisip na napaka-iresponsable naman netong babaeng to, siya gumagamit ng desk kaya siya rin dapat ang naglilinis. at biglang banat sa kanyang isip na "Kung ano kina-ganda niya yun naman ang kina-panget ng lugar niya" Napansin din niya na para bang balisa etong babae, at parang ramdam niya yung kaba na nararamdaman pero hindi naman niya na ito pinansin.

Wala namang problema ang kanyang computer, kaya nagtaka na naman siya bakit siya tinawag neto, at sinabing may sira eh. agad namang nagpasalamat si Kimberly kahit walang pagaayos na nagawa itong si King.  Dahil sa natagalan niyang pagayos, naubos ndn dun ang oras niya nagayos na ng gamit at nakapag-out na din siya dahil halos sobra na ang kanyang pag-OT kasama na din dun yung oras na 15 minutes na kailangan niya din kuhanin.

Nakapagpaalam na siya sa guard at sinabi wag niyo muna isara yung pinto kasi andian pa si Kimberly, nagtaka yung guard na may halong galit ang sinalubong nito sa kanya. Walang siyang takot na nagelevator  pagaalala na baka may kababalaghan na naman ang mangyari. umabot na hanggang sa ground floor at walang nangyaring masama sa kanya, nakauwi siya ng matiwasay at walang kaba dahil sa nangyari ngayon. 

Naisip niya na lang, guni-guni ko lang siguro ang mga nangyari nung unang araw ko, ok naman pala dun sa kompanya na yun eh. tinatakot ko lang siguro talaga ang sarili ko. sabay tawa ( HAHAHA)

* * 

PS: 

Please do feedbacks for me, for future update nitong 3rd own story ko! Please support na din po yung iba kong own Story. Thanks and Enjoy!

 

Misteryo sa PT Building(On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon