Sa harap ng pintuan ng CR

30 0 0
                                    

Lumipas na ang maraming araw at linggo at  naging normal na ang pagpasok ni King, halos hindi niya na din nakikita si Kimberly, at naisip niya na lang na baka nagkaroong ng sakit o kaya, nagbakasyon. Wala na din nanggagambala sa kanya na kahit ano pang nilalang na ikakatakot niya. Naging steady ang pagtatrabaho niya at madaming papuri na ang kanyang natanggap sa linggong inilipas niya doon sa kompanya, may naririnig siya na “Baka, i-absorb ka dito, Gusto kang kunin dito sa opisina, Bibigyan ka daw dito ng pwesto kapag bumalik ka ditto para magtrabaho at kung ano-ano pa”

Dahil nga sa galing niya at dami niyang alam tungkol sa pagtroubleshoot kaya halos lahat ng ipagawa sa kanya ay nagagawa niya sa kakaunting oras lamang. Madami ang kanyang napa-bilib, ngunit sa dami niyang napa-bilib may ilan ilan din ang nagging kaaway, o nagging karibal siya sa doon, kahit OJT lang siya dun ay kinaiingitan siya ni Ryan, isang empleyado doon na kaparehas niyang technician. halos matagal na rin itong si Ryan, almost mag10 years na din siya sa kompanya, naging madali ang kanyang pagpasok sa kompanya kasi family friend sila kaya kahit di kagalingan ay nakapasok siya sa kompanya 

May mga bagay kasi na nagrereklamo kay Ryan na mabagal daw siya, gumawa tapos may mga pangyayari din na may mga bagay na hindi niya magawapero nagagawa naman nitong si King. Kaya naman napakalaki ng inggit at galit niya dito, naisip niya na baka mawalan siya ng trabaho kung sakaling after ng OJT nito ni King ay bigla itong i-absorb. Hindi na kakailanganin si Ryan sa company kasi may mas magaling sa kanya at mas bata pa, kaya may naisip itong siyang kabulastugan na plano tungkol kay King baka sakaling magbago ang isip nito at tumanggi sa mga alok sa kanya tungkol sa trabaho doon sa kompanya.

Nagsimula na naman ang busy na araw ni King (as always) siya ang gusto pagawain ng mga empleyado na nagkaka-problema sa kani-kanilang computer, hindi na masyado pinapansin si Ryan sa kanila, nagplano ngayon ito na ikulong si King sa loob ng CR mamayang gabi para ito'y matakot at hindi na muling bumalik sa kanilang opisina at siya uli ang maging kapaki-pakinabang sa kanilang kompanya. Normal ang kanilang araw ng biglang sumapit na uli ang (5PM) nagsi-alisan na ang lahat ng empleyado maliban sa kanilang 2 na sila(King at Ryan) perfect ang timing na mangyayari mamaya, eto ang mga pumasok sa isip ni Ryan.  

Napaisip si King, Bakit hindi pa ito umuuwi Ryan. bigla itong napatanong at sabi "Bakit di ka pa nauwi Ryan?"

"Na-Late kasi ako kanina eh, kaya mag-OT ako ngayon" Pero hindi talaga totoong nalate siya, hindi ito alam ni King kasi ang pasok niya sa opisina ay 11am samantalang 8am naman si Ryan, kaya niya mapapansin kung totoong late ito or hindi.

So nagpatuloy ang kanilang pagsasama dahil parehas lang sila ng desk, mga bandang(7PM) nag-CR si Ryan, para kunin ang duplicate na susi na nakalgay sa loob ng CR, double lock kasi ang purpose ng CR para kung sakaling may maglock sayo sa loob ay may duplicate ito para mabuksan mo ito. Kinuha ito ni Ryan, para hindi mabuksan ni King kapag ito'y kanyang ikinulong. Closed CR din siya, kaya kapag nakulong ka dun at magsi-sigaw ay walang makakarinig sayo. Exhaust fan ang nagpapalabas ng amoy kaya di na kailangan ng bintana.

Na-set na ni Ryan ang kanyang planong pagkulong kay King, bumalik siya sa kanilang pwesto ni King, at nagsimula ng magayos ng mga gamit niya para sa kanyang paguwi. habang papalakad sa pintuan, tinawag niya si King para utusan itong kunin yung susi ng kanyang motor na naiwan sa CR, habang hinahanap ito ni King ay biglang nagsara ang pinto ng CR sa loob, ay tiningnan niya ang duplicate na susi sa loob ng CR upang hanapin ito, ngunit hindi niya makita. 

Napa-sigaw at hingi ng tulong siya, ngunit walang nakakarinig sa kanya dahil nagsi-uwian na ang lahat ng empleyado sa loob ng opisina. Lumabas na si Ryan at sinabi niya sa guard na paki-sara na lang po yung pintuan ako na lang po ang huling natitira sa loob. Dahil sa matagal na sa kompanya si Ryan, ay pinaniwalaan ito ng guard at tuluyan ng sinira ang pintuan. 

Dito na nagsimula ule ang mga kababalaghan na nagyayari sa 5th Floor ng PT Building. Nagpa-sigaw2 siya hanggang sa umabot na ng (11pm), may orasan siya kaya alam niya ang pagtakbo ng oras. nanahimik siya bigla dahil sa pagod ng naramdaman niya kakasigaw. 

Sa eksaktong oras na (11:52PM) may naaninag siyang dumadaan sa may harap ng pintuan ng CR hindi niya alam kung sino, humihingi siya ng tulong. pero walang tugon ang dumadaan-daan sa harap ng CR. umabot ng (12:01AM) ang parang pagmamasid sa kanya, hanggang sa dumami ito, doon na siya kinabahan na kung baka sino na ang mga iyon. Nanahimik na lang, at nakita niya na parang nagkaka-gulo sa labas ng CR at naririnig niya na nagkakaroon ng dabog, at yung mga tao naririnig niya ng sumisigaw ng tulong, iba't ibang uri ng boses na mga nasa 5-6 na babae eto. nagpatuloy itong paghingi ng tulong, yung iba umiiyak na at nagmamakaawa na at ramdam na ramdam ni King ang paghingi nila ng tulong, gusto man niya itong buksan ngunit hindi niya ito magawa dahil walang susi sa luob ng CR para ito'y mabuksan niya. 

Makaraan ang 2 minuto na magmamakaawa sa kanya, may narinig siyang mga boses ng Lalaki, na tila ay mga narinig niya ngunit hindi niya ito maalala, yung mga babase na nasa labas ay tila nagmamakaawa sa mga lalaking iyon, lapastangan silang hinalay, habang nagmamakaawa ang mga babae at walang magawa nakikita niya yung ibang parte ng anino kung paano sila pinapahirapan, binubugbog habang hinahalay eto, ang tangi niya lang na naririnig ay "Tama na, ayoko na! Hindi ko na kaya. Please Tama na!" yun ang paulit ulit niyang naririnig sa patuloy na paghahalay na tumagal ng isang oras. Nalulungkot na si King dahil wala siyang magawa dun kundi makinig lang.

Hindi takot ang kanyang nararamdaman ngayon kundi, awa sa mga babaeng nasa labas. makaraan ang ilang segundo ay nakarinig siya ng 10 mahihinang putok ng baril, tila naka-silencer ang mga ito, sabay alis yung mga lalaki na tila nagsi-takbuhan dahil sa kanilang ginawang krimen, nanahimik ang lugar at si King ay takot na takot sa nangyari na baka siya'y madamay at mamatay din doon. habang tahimik may biglang bumulong sa harap ng pintuan ng CR at ang binaggit ay "Pagsisi-sihan mo ang hindi pagtulong sa amin, habang buhay ka naming gagambalain" Yun na ang huling narinig ng mga sandaling iyon ni King

Matinding takot na naman ang kanyang naranasan simula noon, hindi niya maipaliwanag ang kanyang nararamdaman, nababalot lamang siya ng katakutan sa mga oras na yun. tumingin muli siya sa kanyang orasan at hindi namalayan na (3AM) na, dasal lang ang kanyang nagawa simula noon. 

Dumaan ang 5 minuto ay may narinig siyang dumating ule sa harap ng pintuan, mukhang yung mga lalaki at nagsi-balik at nagdala pa ito ng taga linis. may inutusan sila na linisin ang mga bangkay at pinagmadali ito.

Binalot ng lalaking naglinis ito sa plastic ng basura, pinaghiwalay2 niya muna ang mga katawan para hindi ito paghinalaan, Tsaka neto ipinagkasya sa 4 na malalaking plastic ng basura. Sabay ito itinapon sa maliit na daanan ng basura sa pantry na dmdiretso sa malaking basurahan sa may basement. Sa oras na yun, lalong kinabahan si King , sabay ang pagbilis ng tibok ng puso niya sa pakiramdam ng pagbagal ng oras.

Habang nanahimik ang lugar at ang pagbilis ng tibok ng puso niya ay bigla na naman tumigil ang oras ng may bumulong ule sa pinto, at ang sabi ay "Subukan mo magsumbong at ikaw ang isusunod namin!".

Natakot lalo si King, at ang palagi niyang sandata ay ang pagdarasal sa itaas, yun ang kanyang takbuhan palagi. sobrang kaba ang naramdaman, samot sari na ang pumasok sa isip niya, na baka yun na ang huling oras niya na nabubuhay, halos mabaliw na siya, hindi tumitigil ang pagpapawis niya sa sobrang takot hindi niya na namalayan na nakatulog siya. 

                                                             .... Kinabukasan ( To be Continue )

***

Please do feedbacks for me, for future update nitong 3rd own story ko! Please support na din po yung iba kong own Story. Thanks and Enjoy!

Misteryo sa PT Building(On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon