Nababalot pa din si King ng takot pagkatapos siyang pagbuksan ng isang taga linis neto mga (6:30AM) yung oras ng siya nakaalis na sa loob ng CR, nagbalot agad siya ng gamit niya at tuluyang umuwi. Muli niyang nasasariwa ang mga pangyayari sa labas ng CR. Ang mga bulong ay palagi niyang naririnig, gustuhin man niyang matulog ngunit hindi niya ito magawa dahil sa pakiramdam niya ay papatayin siya ng hindi niya nakikilalang mga lalaki na pumatay sa mga babae na nasa labas ng CR. Andaming tanong na pumasok sa isip niya (“Puntahan kaya nila ako dito sa bahay, o abangan nila kaya ako lumabas at bigla akong barilin”)
Punong puno ng misteryo pa din sa kanya ang mga nangyari doon sa kanilang opisina. Sa kapaguran niya ay bigla ule siyang nakatulog. Ilang araw siyang hindi nagpakita sa kanilang opisina, marami na din ang naghahanap sa kanya, nagtataka na din ang kanyang magulang bakit ganun ang inaasta ng kanilang anak.
Pagkaraan ng isang linggo niyang pagkaabsent ng opisina ay tinawagan siya ni Ms. Arlene (“King, anong problema bakit hindi ka na pumapasok dito sa opisina?”)
Sabay napasagot agad si King na kahit may halong kaba ay ito ang kanyang mga nabanggit ( “Mam, baka patayin nila ako, di ko na kayang bumalik pa diyan sa opisina”)
Anong pinagsasabi mo King? Ang pagtatakang sagot ni Ms.Arlene sa kanyang nasabi.
King: (“Mam, may patayan na naganap nung huling araw na pumasok ako dian nangyari ito habang nakakulong ako sa loob ng CR at ang sabi nila ay idadamay daw nila ako kapag nagsumbong ako mam, please wag niyo ipagsasabi ito kahit kanino, nanganganib na ang buhay ko”) habang kinakabog ng pagka-kabang kwento niya
Sagot naman si Ms. Arlene na (“Walang patayan ang naganap dito, walang pangyayari ganyan nung huling andito ka”) Pero may naalala si Arlene patungkol sa ganitong sitwasyon.
King: (“Maniwala po kayo sa akin, rinig na rinig ko ang buong pangyayari nung madaling araw na iyon, hanggang ngayon ay naalala ko pa rin ang buong pangyayari”) takot at kaba ang pakiramdam pa rin nitong si King
Ms. Arlene: (“Kung ayaw mo maniwala sa akin ay pumasok ka rito sa lunes, ng mapatunayan ko sayo na walang pangyayaring patayan na iyong sinasabi”) Nagtataka at puno na din ng takot ang nararamdaman nitong si Arlene sa pangyayari.
(Sumapit na ang Lunes)
May takot pa din si King, siya pa lang at ang kanyang boss ang nasasabihan nitong pangyayari, ang kanyang magulang ay wala din pang alam sa pangyayaring ito dahil kapag sinabi niya ay baka madamay siya rito.
Nilakasan ni King ang kanyang luob at pumasok sa opisina nila, (11am) ang oras, una niyang hinanap ay si Ryan, dahil sa pangyayari na iyon na nakaraang linggo. Nagtaka siya at wala ito. Habang takot na takot si King , pinuntahan niya ang boss niya patungkol sa mga nangyari, una niyang itinanong ay patungkol Ryan, (Hindi na daw ito pumasok, makatapos ang pangyayari kay King na nalaman ng boss na katarantaduhan na ginawa sa kanya) Nagpahapyaw ng tanong na din siya kay Ms. Arlene na, kumpleto pa din po ba ang mga empleyado niyo dito? Kasi totoo po ang mga narinig ko eh. Sabay sagot naman ang kanyang boss na, (“Nasa saiyo iyan, tingnan mo ang mga pwesto ng empleyado kung may nakikita kang nawawala”)
Naglakad-lakad siya, at sinuring maigi ang bawat pwesto, Ang nakita niya lang na wala sa pwesto ay yung kay Kimberly dahil dati pa ito hindi nagpakita sa kanya ay hindi niya na din ito itinanong. At ang napansin niya dito ay madumi pa din itong pwesto ni Kimberly, wala pa din sa ayos. Ibinaling niya na ang kanyang isip at hinayaan na.

BINABASA MO ANG
Misteryo sa PT Building(On-going)
HorrorMakiramdam , Matakot , Magmasid at Maniwala na ang kanilang kaluluha ay andiyan lang sa inyong tabi, na darating ang araw ipaparamdam sayo ang kanilang naranasan sa kanilang paraan.