Kyle's POV
Sa lahat ng mga narinig ko ay isa lang ang gusto kung gawin at iyon ay ang suntukin ang mukha niya.. Ang kapal talaga ng mukha niyang saktan ang Euphy ko.. Hindi porket siya ang mahal nito ay sasaktan na lang niya si Euphy ng basta basta ggrrr.. At isa pa talaga iyang Jade na yan, kung makadikit sa amin akala mo naman linta daig pa talaga ang mga tiking nakadikit sa pader psshh.. At wala akong paki-alam kung siya ang prinsesa, kung kailangan ko mang protektahan si Euphy laban sa prinsesang iyon ay gagawin ko kahit na buhay ko pa ang kapalit nito.. Kung may lakas loob lang sana akong aminin sa kanya ang tunay kong nararamdaman ay matagal ko ng ginawa ka-kaya lang natatakot ako.. Natatakot ako na baka sa oras na malaman niya iyon ay lalayuan niya ako at hindi ko kakayanin iyon.. A-ayokong masira ang pagkakaibigan naming dalawa dahil lang sa lintek na pag-ibig na yan..
"K-kyle ma-mahal mo ba ako?"
"Huh! Ha? O-oo naman siyempre.. A-ano bang klaseng tanong iyan?" kinakabahan kong turan sa kanya
"A-a-ang ibig kong sabihin ay i-iyong pagmamahal na hi-higit pa sa isang kaibigan"
Hindi agad ako nakaimik pakiramdam ko'y nawawalan ako ng dila at hindi makapagsalita.. A-aamin na ba ako sa kanya
"Hahahaha *sniff* *sniff* si-siguro nga walang nagmamahal sa akin.. Ka-kahit nga pamilya ko ay walang paki-alam sa akin *sniff* *sniff* huhuhu"
"A-ahh..ahmm..a-ano.. a-ang a-ang to-totoo niyan Euphy ay ma-matagal na kitang minahal.. si-simula noong mga bata pa tayo ka-kaya lang kasi na-nakapokus kay K-kent ang atensyon mo ka-kaya hi-hindi na lang ako na-naglakas loob na aminin sa iyo ang tunay kong na-nararamdaman at pi-pinilit na lang tanggapin na ha-hanggang ma-magkaibigan na lang tayo kasi a-at least doon na-nakakasama at nakakausap pa rin kita"
Hindi ko alam kung saan ako nakakuha nang lakas ng loob para masabi iyon sa kanya but at least na-nasabi ko rin sa kanya ang tunay kong nararamdaman ka-kahit pa-utal utal ko iyong nasabi.. Sa-sana nga lang hi-hindi magbago ang pakikitungo niya sa akin pa-pagkatapos ng gabing ito.
Isang katahimikan ang nangyari sa amin matapos ko iyong a-aminin sa kanya.. Hi-hindi kaya siya magagalit sa-sa akin
"K-kyle *sniff* *sniff* huhuhuhu"
"Ssshhh.. Ssshhh.. tahan na Euphy, tahan na" pagpapatahan ko sa kanya habang hinahagod-hagod ang kanyang likod para mahimasmasan siya sa kakaiyak.. naalala ko tuloy ang nakaraan ito rin ang dahilan kung bakit kami nagkakilala at naging magkaibigan at hanggang ngayon pa rin pala ay napaka-iyakin niya
"K-kyle, sa-sana ikaw na lang ang minahal ko.. sa-sana na-natuturuan ang puso ko para hindi na ako mahihirapan pa.. a-ang sakit kasi eh.. a-ang sakit dito.. ang sakit sakit.. *sniff* pa-para akong tinutusok-tusok ng i-ilang libong karayom.. a-ang hirap palang magmahal.. *sniff* *sniff* ba-bakit pa kasi nauso ito.. sa-sana hindi na lang nila ito inembento ng hindi tayo nahihirapan at nasasakan ng ganito.. *sniff* *sniff*"
"Sa-sana ikaw na lang Kyle *sniff* sana ikaw na lang huhuhuhuhuhuhu"
Awang-awa na ako kay Euphy, bakit ba kasi pinagtutuunan ng pansin ni Kent ang babaeng iyon eh wala naman iyong ginawa kundi puro kapalpakan lang at kung maka-asta pa parang hindi isang prinsesa psshh.. naramdaman kong may mabigat na dumantay sa balikat ko kaya agad ko itong tinignan at nakita kong nakatulog na pala si Euphy.. nakatulog ito sa kakaiyak.. kakaiyak sa isang lalaking kahit kailan ay hindi man lang binigyan ng pansin ang pagmamahal niya.. psshh.. may araw ka rin sa akin David Kent Aquaria.. hintayin mo ang bagsik ng isang Kyle Jake Aerchinn. Agad ko naman binuhat si Euphy at dinala sa kanyang sariling kwarto, nang maihiga ko na ito ng maayos ay agad ko na ring nilisan ang kwarto niya pero bago iyon ay hinalikan ko muna siya sa kanyang noo at nagpaalam kahit na alam kong hindi siya magrerespond sa akin. Sleep well my Princess.
BINABASA MO ANG
The Real Me *COMPLETED*
FantasySimula ng dumating siya sa'min nawala sa'kin ang lahat... Ang kaibigan ko Ang pamilya ko Lahat-lahat pati ang tungkulin ko Kulang na nga lang pati ang sarili ko ay aangkinin niya Ngunit paanong... Ako? Isang ampon?! Kaya pala... Kaya pala... Dahil d...