KABANATA VII

159 80 0
                                    

Jane's POV

Hi Readerss...

Ako nga pala si Abigail Jane Quiry isa akong sub-earth elementalist at nandito kami ngayon sa office ng headmaster dahil may lead na raw silang nakuha kung nasaan ang prinsesa for sure panibagong misyon na naman ito sa amin~~~

"Magandang umaga sa inyo mga Elemental Charmers pasensya na at pinaghintay ko pa kayo... teka nasaan na ba sila?"

"Po H-headmaster?!" gulat naming tanong sa kanya sino ba naman ang mag-aakala na may makakasama pa kaming ibang charmers para sa paghahanap sa nawawalang prinsesa

"Ahh ang ibig kung sabihin ang tatlo pang makakasama ninyo sa paghahanap sa prinsesa"

nagulat naman kami ng biglang bumukas ang pintuan at iniluwa nito ang tatlong charmers na sa palagay ko ay sila ang tinutukoy ni headmaster na makakasama namin.. tss pero bakit sila pa.. isang music charmer? isang ice charmer? at isang bubble charmer? duhh ano bang maitutulong nila sa amin tss for sure nagpapasipsip lang ang tatlong iyan para lang makasama kami like duhh as if hindi namin malalaman huh! sorry na lang kayo

"Magandang umaga po Headmaster pasensya na at nahuli kami ng dating"

aba at talagang nagbabaitbaitan pa talaga huh! mga artista nga naman! ang kakapal talaga ng mga mukha

"Tamang tama lang ang dating ninyo.. o sige maupo na kayo at may pag-uusapan tayong napakaimportante"

huh! ewan ko ba kay headmaster at isinama pa iyang tatlo tss

Chesire's POV

"Ikaw na mauna"

"Hindi. Ikaw na sabi ehh"

"Ehh bakit ba ako huh!"

"Ehh bakit naman ako huh!"

"Alam mo gaya gaya ka rin ehh noh"

"Alam mo gaya gaya ka rin ehh noh"

"Arrgghhh!!"

"Arrgghhh!!"

"Pwede ba magsitigil na nga kayo para kayong mga bata"

binuksan ko na lang ang pinto para matapos na'to

'tss bakit sila pa.. isang music charmer? isang ice charmer? at isang bubble charmer? duhh ano bang maitutulong nila sa amin tss for sure nagpapasipsip lang ang tatlong iyan para lang makasama kami like duhh as if hindi namin malalaman huh! sorry na lang kayo'

psshh.. kung.alam.mo.lang.Jane.Quiry.kung.alam.mo.lang.

"Magandang umaga po Headmaster pasensya na at nahuli kami ng dating"

'aba at talagang nagbabaitbaitan pa talaga huh! mga artista nga naman! ang kakapal talaga ng mga mukha'

pasalamat tong gagang ito at nakapagpigil pa ako kung hindi talaga kanina pa ito pinaglalamayan dito

"Tamang tama lang ang dating ninyo.. o sige maupo na kayo at may pag-uusapan tayong napakaimportante"

'huh! ewan ko ba kay headmaster at isinama pa iyang tatlo tss'

dahil sa inis ko ay sinunog ko ng kaunti ang maikli niyang buhok *smirk*

"Arrgghh!! Ano ba naman Brittanie!! Wag mo nga akong pagtripan!! Pwede ba itigil mo na ito"

"HOY JANA!! Ano bang pinagsasasabi mo diyan ha?!! Hindi kita pinagtritripan at lalong lalo ng wala akong ginagawa sa'yo gaga!!"

"Anong wala!! Kita mo na nga O!! Nasusunog ang buhok ko dahil sayo! Dahil sa kagagawan mo!!"

"Hoy!! Baliw!! Wala akong ginagawa sa'yo ni hindi nga nasusunog yang buhok mo ehh!! Palibhasa pabida ka masyado!"

"Magsitigil na nga kayo!! Atsaka Ms. Quiry hindi tama ang mambintang ng hindi naman totoo, hindi nasusunog ang buhok mo kaya itigil mo na yang kalokohan mo diyan!"

*smirk* agad ko namang itinigil ang pagsunog sa buhok niya at ibinalik ito sa dati niyang ayos. Huh! pasalamat ka at yan lang ang ginawa ko

"Pinatawag ko kayo rito para sabihin na may lead na kaming nakuha kung nasaan ang Skyheart Princess at ito ay nasa mortal world. Bukas na bukas ay aalis agad kayo para hanapin ang nawawalang prinsesa"

hanggang ngayon ba naman hindi pa rin nila kilala psshh naturingan pa namang mga royalties

"Kaya po ba~~

"Tama ang sinabi mo Ms.Raffien kaya ko ipapasama sa inyo sina Ms.Velleiz ay dahil kabisado na nila ang mundo ng mga mortal at isa pa nanggaling sa mundo ng mga mortal si Ms.Gertrude kaya natitiyak kong mapapadali ang misyon ninyo kung kasama sila.. yun lamang at makakaalis na kayo.. at isa pa pala ayoko ko ng maulit pa iyon sa susunod, naiintindihan ninyo?"

psshh

"O-opo"

"Sige maari na kayong umalis"

Naunang lumabas ang mga elementalist at sumunod nalang kami

Brittanie's POV

nakakainis talaga yung Jana na yon napakapabida talaga akala mo kung sinong santa santita arrggghhh! nakakabwiset talaga siya! huh-ah huh-ah huh-ah huh-ah huh-ah...

Calm down, Britney.. Calm down

hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin dahil imbes na magalit ako ay pakiramdam ko'y kumalma pa ang kalooban ko matapos kong marinig ang boses na iyon.. isa pa Brittanie ang pangalan ko at hindi Britney nakakaloka lang ha

"Anyway, magkita nalang tayo sa garden bukas ng umaga yun lang maari na kayong umalis."

at dahil sa sinabi ni Kent ay bigla akong napabalik sa realidad nagpaplano nga pala kami para bukas pero ito naman si ako hindi nakikinig for sure mapapagalitan nanaman ako nito bukas

nakita ko naman tumayo sina Vanessa at lumabas na sa dorm namin.. o--kay.. edi ako ng hindi nakikinig.. umakyat na lang ako sa taas at pumunta sa kwarto ko para magpahinga

The Real Me *COMPLETED*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon