KABANATA XIII

142 79 0
                                    

Third Person's POV

Masayang nagkakainan ang lahat nang biglang sumabog ang kabilang bahagi ng palasyo kung saan nagaganap ang isang engrandeng selebrasyon kasabay rin nito ang pagpatak ng alas nuebe ng gabi, kanya kanyang takbuhan ang mga estudyante upang makatakas ang iba'y napapalaban na rin. Sa kabilang dako nama'y tila animong baliw kung tumawa ang isang babaeng balot na balot ang katawan habang tinitignan ang mga taong nagkakandarapa para lang makatakas sa palasyong animo'y hindi na maguguhit pa.

Ang palasyong napakaganda at napaka engrande ay ngayo'y unti unti ng nawawasak habang ang ibang bahagi ng palasyo'y napapalibutan na rin ng mga masasaganang dugo at mga estudyanteng wala nang pag-asang mabuhay pa, kanya kanya naring tumakas ang mga Hari at Reyna ng iba't ibang palasyo habang kanya kanyang lumaban ang kanilang mga kawal sa mga hindi nila inaasang paglusob ng kalaban

Unti-unti na ring lumalaban ang magkakaibigang nagkakahiwalay ng grupo, magkasamang tumakas sina Claire, Kyle, Zeke, Chesire and Brittanie at magkasama ring tumakas sina Kent, Jade, Mirco, Abigail, Vanessa and Klyzzer.

At sa hindi inaasahang pagkakataon ay muling nagtagpo ang dalawang grupo sa harap ng isang istatwa, ang istatwa ng dating hari at reyna ng Skyheart Kingdom.

"Queen Chesire Clementine Breuwier-Szcherlock and King Zayk Landrieu Szcherlock" ang mahinang basa ni Claire sa mga pangalang naka-ukit sa ilalim ng mga istatwa

"King Zayk and Queen Clementine, sila ang hari at reyna ng Skyheart Kingdom at ang tunay na mga magulang ni Jade" ang sagot naman ni Kent ng marinig ang sinabi ni Claire

"Si-si-sila ang ma-mga magulang ko?" ang pa-utal utal na tanong ni Jade sa sinabi ni Kent

"Tama ka Jade" ang maikling sagot naman ni Kent kay Jade habang pinupunasan nito ang mga luhang tumutulo sa mga mata ni Jade

*Booggsshhh*

Isang malaking pagsabog ang narinig ng magkakaibigan at halos matupok nito ang maliit na forest sa kanilang harapan.

"Ang Chesire Forest!!" sabay sabay na banggit ng magkakaibigan maliban kay Jade na walang alam kung anong mayroon sa kagubatang nasa harapan nila

"Ba-bakit a-anong me-me-meron sa fo-forest na iyan?"

"Ang forest na iyan ay tinatawag na Chesire Forest, at iyan ang kagubatang ang iyong ina ang mismong gumawa kaya napakahalaga sa atin ang forest na iyan."

"Ba-bakit? Hindi! Hindi ako papayag na mawala sa wala ang pinaghirapan ng nanay ko"

"Ahhhhh!!!!" at sa isang iglap pa ay lahat ng mga kalaban sa kanilang harapan ay unti-unting nasusunog sa malakas na kapangyarihan ni Jade, hindi inaakala ng magkakaibigan na ganoon pala kalakas ang kapangyarihan ng prinsesa kahit isang kumpas lang ng kanyang mga kamay maliban na lang sa dalawang charmers na alam ang buong katotohanan sa pagkatao ni Princess Jade Szcherlock

"Fire Shield!" ang biglang sambit ni Vanessa ng mapansin nito ang mga invisible spikes sa harap ng prinsesa, nagulat naman ang magkakaibigan pati na rin si Vanessa dahil hindi ito ang nakasanayan niyang kapangyarihan

"Pa-paanong?"

"Sinasabi ko na nga ba"

"A-anong ibig mong sabihin Chase?"

"Hindi pa ba halata? Hindi ba kayo nagtataka kung bakit mahina ang kapangyarihan ni Claire samantalang siya naman talaga ang Superior ni Brittanie? At sa kapangyarihang taglay ni Vanessa na bago lang sa ating henerasyon. Isa lang ang ibig sabihin nito."

"A-anong ibig mong sabihin?"

"Si Vanessa ang tunay na Superior ni Brittanie. At kung bakit Bubble Charm ang nakokontrol niya iyon ay dahil parte ng kapangyarihang apoy ang Bubble Charm. Hindi ba, Brittanie?"

"Ta-tama ka, Chase" at agad namang ipinakita ni Brittanie ang paggawa ng Bubble Charm sa mismong harapan nila

"Pe-pero, hindi maaring dalawa ang maging Superior ng kapangyarihang apoy"

"Isa lang ibig sabihin nito, it's either ginagaya lang ni Claire ang kapangyarihan ni Brittanie or wala talaga siyang kapangyarihan, at nagpapanggap lamang na kakampi natin pero yun pala ay TRAYDOR."

"Hindi naman siguro tama ang binibintang mo Chase"

"At kung hindi Kyle, ano? Sige nga, paano mo ipapaliwanag ang mga nangyayari ngayon hindi ba't si Claire ang pinakahuling dumating sa Party at isa pa kahit kailan hindi siya hinahandaan ng Party ng kanyang mga magulang at parang hindi rin Prinsesa ang turing nila sa kanya maliban nalang kay Vanessa na sobra pa sa tunay nilang anak kung maka-alaga sa kanya"

"Chase has a point"

"Guard the Princess! At huwag niyong hahayaang makatakas ang traydor na yan!" ang muling sigaw ni Kent sa kanila na agad rin namang ginawa ang sinabi ng Prinsipe ng Aquaria, walang nagawa si Claire kundi ang umiyak sa mga kaganapang nangyayari ngayon, kaarawan nga niya pero nauwi rin sa trahedyang hindi niya inaasahan.

The Real Me *COMPLETED*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon