CINDERELLA 25

173 7 0
                                    

I already made my mind. If this suffering will make my friends and sisters’ life better. I’ll do it.

Nag-iisip ako sa terrace sa kalagitnaan ng gabi nang maramdaman ko ang kamay na hinihimas ang aking balikat, Mom.

“Baby, I know you’re still hurt about the model thingy, but please, cheer up baby, you can’t be like that forever” umupo si Mom sa left side ko at hinawakan ang mga palad ko.

“Mom, it’s not about the modelling anymore, i-it’s about.... Uhmmm.. I’ts Khyzers’” hindi ko planong i-open up sa kanila ‘to gusto kong sarilihin, pero what can I do? I’m still a highschool dramatic girl who, at the early age, experience a kind of trouble like this.

“Dalaga na talaga ang princess ko, anak, don’t be too serious in falling inlove, just enjoy being inlove” sabi ni Daddy galing sa likod ko at umupo sa right side ko. Niyakap ko ang tuhod ko at inexplain sa kanila lahat.

“Mom, Dad, it’s not about being inlove, it’s about two girls loving one boy”

“Huh?” sabi ni Daddy.

“Ganito po ‘yan, Yes, I’m inlove with Khyzer, pero... Theres a mere fact na, hindi lang ako ang nagmamahal sa kanya. I tried to confess those damn feelings but... But..” nauna na ‘yung iyak bago ang kwento, ang corny ko talaga.

I tried to explain everything to them, and I did it. Nasabi ko na rin sa kanila ang plano ko. Noong una tutol sila but I insisted. Sinabi nila na dun daw muna ako sa America together with my Grandparents. Next na ang alis ko kaya walang problema. Sabi na rin ni Daddy na bukas na bukas ay aayusin niya ang passport at visa ko.

“Ate? Bakit? Kung gusto mo magba-back out nalang ako para fair, pero wag ka namang umalis please? Sino nalang ang ate ko? Sino nalang ang kachikahan ko?” umiiyak na si Charenne habang nagmamakaawa sa akin. Ngayon ko lang siya nakitang ganyan. She really looked broken.

“Charenne, wag ka ngang umiyak! Ano ka ba! Hindi naman dahil dun bakit ako aalis, it’s also for your sake lil’ sis. Naka move-on na ako sa medlling career na ‘yan, gusto ko mag try ng ibang passion kung saan kaya ko. And I want you to continue what I didn’t got okay?” sabi ko at niyakap siya.

Dito palang sa bahay nag-iiyakan na kami paano pa kaya sa airport? Geez. Lagi nalang nila akong pinapaiyak.

“Cha? Pa’no ‘yan? Wala na akong bestfriend? Ano? Ganun nalang ‘yun? Iwanan na lang?” si Dean ang apektado alam ko ‘yun. Sorry guys, All I want is you to have a memorable highschool life, with or without my presence.

Niyakap ko ng mahigpit si Dean, at naiyak na rin.

“Take care of yourself Dean, I will miss you, bestfriend” sabi ko na mas lalong nagpaiyak sa kanya.

“Ano ba yan Cha! Wala na kaming ibu-bully!” sa lahat ng umiiyak si Cleoffe ang pinaka exagg. Natawa nalang ako sa kanya kasi naka all black pa siya na parang namatayan.

“Wag ka nga Cleoffe! Aalis lang ako hindi ako mamamatay!” sabi ko at niyakap siya ng mahigpit.

“Bantayan mo si Khyzer for me huh? Wag mo hayaang may umagaw sa kanya magco-confess pa ako pag balik ko” sabi ko na ikinatawa niya.

“Yes ma’am!” nag salute pa ang baliw at sabay sabay kaming lumabas ng bahay. Si Charenne ayaw ng umalis sa gilid ko at nakakapit na parang bata.

Buong byahe kwentuhan lang kami ng kwentuhan, lahat kami teary eyed parin pero mas pinili naming maging masaya for the last time na andito kao sa Pinas, ano kaya ang magiging buhay ko sa America? 6 months lang naman ako ‘dun, pero parang ang hirap.

Dumating kami sa airport, advance ng 1 oras kaya andun lang kami kumakain.

“Cha, pwede ka pang magback-out, hindi sayang ang ticket” sabi ni Mommy. Niyakap ko siya at naiyak nanaman,

“Mom, my decision was final. All I want is peace for now” sabi ko at nag-usap lang kami ng kailangan kong gawin sa America pagdating ko ‘dun.

Nang tinawag na ‘yung flight number ko ay tumayo na ako at sila naman ay nagsimula nang umiyak.

“Guys! Akala ko huli na ‘yung kanina! Grabe naman kayo! May skype naman ah? May viber? May kakao talk? Andami nang way para makapag usap tayo ano ba hahaha” sabi ko na pinipigilan lang ang umiyak.

“Ate naman eh! Wag ka na kasing umalis” sabi ni Charenne at tumakbo papalapit sa’kin at yumakap.

“Wala na akong ate pag umalis ka!” sabi niya.gusto kong magback-out, gustong gusto, but I really can’t it’s for their good.

Tinawag ulit ‘yung flight number ko kaya dumirecho na ako. Walang lingon lingon para hindi na magbago ang desisyon ko.

“Ingatka ate! Mahal na mahal ka namin!” sabi ni Charenne.

Bestfriend I love You!” sigaw ni Dean na may masayang tono.

“Cha! Chocolate lang pagbalik mo salamat!” sabi ni Cleoffe na tumawa ang iba.

I am expecting of someone who won’t come. Pano nga ba siya pupunta kung hindi niya naman alam ang pag-alis ko.

Binigay ko ‘yung ticket ko sa flight attendant na nasa pinto ng eroplano at sa ilang minutong pagtayo dun ay may boses akong narinig na hindi ko kayang hindi lingunin.

Khyzer.

“Cha wait!” sigaw niya pero pinipilit akong papasukin ng attendant dahil marami pa daw ang nakapila at kukulangin sa oras.

“Ms. Can I go there for a while, just for thirty seconds?” tanung ko sa flight attendant tumingin siya sa relo niya at tumingin sa’kin.

“I’m sorry Ma’am but we will leave in less than thirty seconds, you can go and talk to him but we can’t wait for you, I’m sorry” nilingon ko si Khyzer at nginitian nalang.

Tama ba ‘yung nakikita ko? Lungkot sa mga mata niya? Khyzer? Malungkot ka ba na aalis ako? Bakit? Bakit ganyan ka?

Pumasok ako sa eroplano na hindi manlang siya nakaka usap. Naka turn off na rin ang phone ko kaya hindi niya na ako makaka usap. I’ll see you soon Khyzer. For now, Goodbye.

Another Cinderella Story [An Angels Cry]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon