CINDERELLA 18

213 9 0
                                    

“H-hindi. A-akala mo lang ‘yun Khyzer” sabi ko at akmang aalis na sa lugar na ‘yon.

“Sa bawat panyong nakikita ko, lahat may burdang LE. Sa science lab. Sa Park kung saan nawalan ka ng aso, at huli, kung saan iniwan mo ako sa stage” sabi ni at binuklat ‘yung panyong hawak niya at pinakita ang burdang LE”

Wala na akong ibang masabi. Napatulala nalang ako dahil sa gulat. Ako? Si LE? Iisa? Al this time galit pala ako sa sarili ko? Na ‘yung taong maswerte sa pagmamahal ni Khyzer James Cliff ay ako din? Parang.. Parang anlayo sa katotohanan.

Lumabas ako ng Dance room para takasan ang katotohanan na hindi ko alam kung matutuwa ako dahil napansin ako ng taong mahal ko sa katayuan ni LE o malulungkot dahil si LE ang gusto niya at hindi si Charelle.

“LE” habol niya sakin. Huminto ako pero hindi humarap kung saan man siya nakatayo.

“S-simula ngayon, k-kalimutan mo na, na nakilala mo ang katauhan ni LE” sabi ko at humakbang papalayo.

“p-pero... Gusto kita” sabi niya na pabulong pero sapat lang para marinig ko. Nilingon ko siya pero kalahati lang para makita ko ang expression niya. Tumawa ako ng sarkastiko bago siya sagutin.

“Gusto? Ha-ha-ha. Gusto mo lang si LE, pero ang buong katauhan ko? Ni hindi mo nga ako kilala kung sino talaga ako eh tapos sasabihin mo gusto mo ako? Katauhan lang ni LE ang gusto mo, pag nakilala mo ba ako tatanggapin mo kung sino talaga ako? Pa’no kung panget ako? Masasabi mo parin bang gusto mo ako? Don’t rush your feelings Khyzer, you don’t even know who I am” 

“Bukas... Bukas hihintayin ulit kita dito, kahit hindi ko pa makita ang totoong ikaw, alam kong magulo lang ang isip mo dahil sa nangyari kanina. Hihintayin kita dito kahit anong mangyari. Bukas, alas-tres ng hapon hanggang mag uwian ang lahat ng tao hindi ako aalis” umalis na ako pagkatapos niyang sabihin ‘yun. Dumaan muna ako sa shower room ng school kung para maglinis ng katawan. Buti na lang may damit ako sa locker ko. 

‘yung gown ko? Iniwan ko sa sasakyan at umalis na. Hindi pa tapos ang party kaya hindi pa pwedeng lumabas ang mga estudyante. Pumunta ako sa pinaka malapit na convinience store para bumili ng pagkain at maiinom.

“p-pero... Gusto kita”

“p-pero... Gusto kita”

“p-pero... Gusto kita”

Hindi mawala sa isip ko ang mga katagang ‘yan kahit pilitin kong alisin, kahit ibaling ko sa iba ang isip ko. Bakit ganun? Wala akong maramdaman.

Ilang oras akong nag-stay sa store na ‘yon para mag-isip nang magvibrate ang phone ko. Tumatawag si Dean.  I chose not to answer it. Itatanong lang nila kung ok ako, nasan ako, at susunduin nila ako. Ok naman ako diba? Walang namang problema. Hindi naman ako affected sa ginawa niya.

Another Cinderella Story [An Angels Cry]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon