CINDERELLA 21

210 9 0
                                    

Apat na araw ko nang iniiwasan si Khyzer sa loob ng campus, naiilang kasi ako. Pano ko siya kakausapin kung sa tuwing nakikita ko siya ang naaalala ko ay ‘yung halik? Para sakanya isa lang ‘yong friendly kiss, but for me, it matters a lot.

                 

“Uy Char naman! Kausapin mo naman ako! Pag di mo ako kinausap hahalikan uli kita” sabi niya nang hinawakan niya ako sa braso upang pigilan.

“A-ano t-tawag kasi ako ni Ma’am Casa sa office niya kaya nagmamadali ako” sabi ko at ngumiti lang ulit.

Buong araw ko siyang iniwasa kasi nahihiya parin talaga ako, I jus want to move-on about what happened. Aasarin niya lang ako ng aasarin kapag pinakita kong namumula ako sa tuwing ipapa-alala niya ‘yung halik na ‘yon.

Pumunta ako sa Dance room para magmuni-muni saglit, sinaksak ko ang earphone ko at nakinig lang ng music at pumikit.

'Cause all of me
Loves all of you
Love your curves and all your edges
All your perfect imperfections
Give your all to me
I'll give my all to you
You're my end and my beginning
Even when I lose I'm winning
Cause I give you all of me
And you give me all of you, oh

“Maganda pala ang boses mo LE” dinilat ko ang mata ko at sino pa ba? Siya lang naman ang tumatawag sakin ng LE.

“Ahh salmaat” sabi ko at inayos ang pagkakaupo.

“Galit parin siya” sabi niya na nakahawak sa cellphone niya.

“Sinong galit?” sabi ko.

“Ahh ‘yung bestfriend ko. Si Charelle? ‘yung classmate natin” sabi niya na medyo lumapit sa salamin.

“Ahh b-bakit?”. Ngumiti siya saglit at sinabing

“Hinalikan ko kasi siya nung Linggo” sabi niya at nag-giggle.

“Ba’t ang saya mo pa?” medyo nainis kong sabi, para kasing pinagtitripan niya ako eh.

“Ang cute niya kasi mag blush. Ewan ko natutuwa ako pagnamumula ‘yung pisngi niya para bang sinasabi nun na may gusto siya sa’kin?” medyo nakakainis.

“Ang assuming mo naman” sabi ko na binubuklat ang bagong bili kong wattpad pop fiction book.

“Oh? Bakit? Nakakausap mo ba si Charelle? Ano? May gusto daw ba siya sa’kin?” sabi niya sabay upo ulit.

“Ang OA mo, ewan ko, at tska bakit mo pa kailangan malaman? Paglalaruan mo ang feelings niya?”

“Hindi ah! Hindi ako gago. Wala lang, ewan ko rin eh. Sa tuwing kasama ko siya ang gaan sa pakiramdam feeling ko wala akong problema, ang gaan niya kasi kasama at tska madaldal siya, feeling ko nga crush ko na ‘yun eh” sabi niya na nakatingin sa kawalan.

“Ahh” ‘yun nalang ang nasabi ko dahil speechless ako. Tumingin siya sa salamin para sa ibang direksyon ang bagsak ng titig niya.

Another Cinderella Story [An Angels Cry]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon