11.

671 18 0
                                    

narration

Sierra's

❝Okay ka lang ba?❞ tanong ni Jaemin.

❝Trenta minutos na ang nakalipas pero ngayon mo lang ako tinanong niyan? Kung hindi ka ba naman isa't-kalahating hayop.❞ pagtataray ko. ❝Sapat na din ba 'yung thirty-minutes na pag-tawa mo?❞ dagdag ko.

❝Eh kasi naman HAHAHAHAHA.❞

❝Bahala ka sa buhay mo.❞

❝Joke lang, ‘to naman ‘di mabiro eh.❞

❝Grabe kase biro mo eh, nakakatawa haha.❞

Dumiretso lang ako sa paglalakad ng mabilis at hinayaan siyang habulin ako.

Kung hindi ba naman kasi bobo, sabi ko sa Sedi kami. Dinala ako dito sa mall, ano namang gagawin ko dito?

❝Intay kasi, doon tayo sa foodcourt.❞ saad niya nang maabutan ako tsaka niya hinawakan 'yung kamay ko. ❝Wala ka bang gustong bilhin? Ang daming magagandang damit oh!❞ tanong niya.

❝Mukha bang trip ko 'yung mga 'yan?❞ Sagot ko dahil tinuturo niya 'yung mga dress.

❝Bakit? Bagay naman sa'yo 'yun oh! Tara, sukat mo dali!❞ hinila niya ako papasok sa isang shop.

❝Jaemin, ayoko niyan. Sa Bench nalang tayo, ganda nung mga pantalon doon.❞

❝Kaya nga dito kita hinila, puro ka pantalon. Mas lalake ka pa sa 'kin.❞

❝Kelan ka pa naging lalake? Baklang-bakla ka nga kay Jeno, eh.❞

❝Shh, ano ba hehehehe.❞

❝Tangina, yuck.❞

Iniabot niya sa akin 'yung kulay red na dress.

❝Seriously? Ang ikli, Jaemin.❞ saad ko tsaka binalik 'yung dress kung saan nakalagay. ❝May mga pantalon naman don, pipili nalang ako. Look, ang ganda nung sweatshirt oh!❞

❝Sierra, sige naaaa. Ngayon lang naman eh.❞ saad niya tsaka nag-pout. Ew, 'di bagay. Binigyan ko siya ng nandidiring tingin. Pero ang cute niya gago.

Kinuha ko 'yung dress tsaka nagpunta sa fitting room. Okay naman siya, kaso hindi ko talaga trip. Lumabas ako at nakita si Jaemin na nakatayo at naghihintay. Agad naman siyang ngumiti nang nakita ako.


❝O 'diba? Bagay. Ayan na isuot mo. Ngayon lang, please?❞ wala na akong nagawa kundi tumango. Pinalagay niya sa paper bag 'yung damit ko tsaka na binayaran 'to.

Hinila niya naman ako papunta sa kung saan, basta wala kami sa loob ng mall.

❝Picture-an kita.❞

❝Ayoko.❞

❝1, 2, 3!❞

√ 𝒑𝒓𝒆𝒕𝒆𝒏𝒅 | 𝑛𝑎 𝑗𝑎𝑒𝑚𝑖𝑛Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon