50💚.

779 15 2
                                    

sierra

"Sierra!" sabay-sabay na sigaw nila nang makita ako. Hindi pa ako tuluyang nakakapasok sa loob ng dorm nila ay agad na nila akong niyakap.

"Saan ka galing?"

"Bakit hindi mo sinasagot tawag namin sa 'yo?"

"Bakit magkasama kayo ni Jisung?"

"Saan ka niya nahanap?

"Kumain ka na ba?"

"Kumusta pakiramdam mo?"

"Okay lang ba kayong dalawa ng baby mo?"

"Gusto mo kumain muna? O baka gusto mong magpahinga?"

"Ano? Okay ka lang?"

Napangiti ako sa sunod-sunod na tanong nila sa akin. Masiyado silang nag-alala. Masiyado silang mabait. I don't deserve them, really.

Pinapasok na nila ako sa loob at pinaupo sa couch. Inabutan ako ni Jungwoo ng tubig kaya nginitian ko siya.

Lahat nandito, si Nana, wala.

"Saan ka ba galing, Sierra?" tanong ni Jaehyun.

"D'yan lang, hindi malayo, hindi malapit. D'yan lang." nakangiting sagot ko.

"Tch. Gusto mo bang kumain muna?" si Taeyong. Tutal naman ay wala akong matinong kain kahit gustuhin ko man eh wala akong magawa. Tinanguan ko si Taeyong at natawa naman siya.

"Kumusta pakiramdam mo? Okay ka na ba? Nagpalamig ka na?" si Yuta. Tinanguan ko lang siya.

"Gusto mo bang sapakin ko si Jaemin? Tutal ang gago naman niya pero may kailangan ka munang mala—" natahimik si Jeno nang biglang bumukas ang pinto.

Si Nana.

Ayoko muna siyang makita, pero bakit nandito siya?

Umiwas ako ng tingin nang dumapo ang tingin niya sa akin. Uminom ako ng tubig para pakalmahin ang sarili ko.

Nagulat ako nang biglang nasa harapan ko si Jaemin.

"Sierra, okay ka lang ba? Bakit ka umalis? Putangina. 'Yong baby natin? Okay lang ba siya? Wala bang nangyari sakaniya?" aligagang tanong niya. Tama nga ako. 'Yong baby lang ang gusto niya, 'yong baby lang ang kailangan niya. Tinanguan ko lang siya, masiyado akong inis sakaniya kaya't wala akong ganang kausapin siya. "Sierra, kausapin mo naman ako." halatang naiinis na siya. Hindi parin ako nag-salita. "PUTANGINA SIERRA WU!" bigla siyang sumigaw kaya agad na lumapit sa amin ang iba.

"Pwede ba, Jaemin? H'wag kang umaktong parang nag-aalala ka talaga. H'wag kang umaktong may pake ka sa akin." malamig na saad ko.

"Putangina, 'pag may nangyareng masama sa 'yo, ano? Anong mangyayari sa anak ko?" napangiti ako ng mapait. Oo na, tanggap ko na.

"Mag-divorce na tayo." saad ko. I heard Chenle gasps. Rinig ko na rin ang reklamo nila. Pero ang atensyon ko ay nakay Jaemin lang. "H'wag kang mag-alala. Pagkatapos kong manganak, pwede mo siya bisitahin sa akin. Hindi kita tatanggalan ng karapatan sakaniya." dagdag ko.

√ 𝒑𝒓𝒆𝒕𝒆𝒏𝒅 | 𝑛𝑎 𝑗𝑎𝑒𝑚𝑖𝑛Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon