18.

564 17 0
                                    

narration

Sierra's

Sobrang tagal na nung mga panahong nakasama ko ulit 'yung mga gunggong na 'to. Hindi naman sa lahat sila, pero simula pagkabata, kilala na namin ang isa't-isa.

Nung grade 2 kami nila Donghyuck, Renjun, Jeno at Jaemin, grade 1 naman sila Jisung at Chenle. Habang sila Mark at Lucas, 3. Grade 6 naman nung mga panahong 'yun si Jaehyun-oppa tsaka Jungwoo-oppa. Ten, Doyoung, Kun, 1st year hs. Yuta, Johnny, Taeyong, 2nd at si Taeil-oppa ang 3rd.

Nasa iisang school lang kami nila Jungwoo-oppa, pero nung nag-hs sila, lumipat sila sa school namin ngayon. SMU. Kaya lahat kami, magkakasama na.

6 months na din ako dito sa Korea, at sa six months na 'yon, hindi ko tinigilan si Renjun sa pangungulit. HAHAHAHA.

Pikon siya madalas, pero minsan gentleman. Ang gulo nga minsan. Ayokong mag-assume pero hindi ko naman mapigilan. Kahit pa alam kong sa huli ako lang din 'yung masasaktan. Paks, rhyme.

❝Lalim naman ng iniisip mo.❞ tumabi sa akin si Jaemin.

❝Hindi naman, may naalala lang.❞

❝Ano naman 'yun? May naaalala ka na ba?❞ excited na tanong niya. Nagpapanggap nga pala akong may amnesia, bakit ko nga ba 'to ginagawa? Umiling ako, bumusangot naman siya.

❝H-hindi ko na kayo maintindihan minsan, lagi niyo akong tinatanong ng "May naaalala ka na ba?" kapag sumasakit 'yung ulo ko o kaya kapag sinasabi kong may naalala lang ako. HAHAHA. Jaemin,❞ paano ko pa nagagawang mag-panggap? Hindi ko na kayang magawang mag-sinungaling kay Jaemin. Tiningnan niya ako. ❝M-magkakilala na ba tayo dati?❞ naiilang na tanong ko.

Oo naman, Sera. Kilalang-kilala. Paanong hindi? Mag-bestfriend tayo, eh.

Ngumiti siya bago mag-salita. ❝Kilala, kilalang-kilala.❞

Hindi naman siguro masama kung sabihin ko sakaniya 'yung totoo, 'diba? Kasi alam ko namang sa huli, malalaman din nilang lahat.

❝Najae,❞ mahinang tawag ko sakanya, sapat na para marinig niya. Gulat naman siyang napatingin sa akin. ❝Sorry.❞

❝T-teka ano-❞

❝Wala akong amnesia.❞ pag-amin ko.

Nanatili lang siyang nakatingin sa akin na para bang gulat na gulat. Nakita ko siyang lumunok.

❝A-ang ibig mong sabihin, k-kilala mo pa a-ako?❞ tumango ako.

Agad niya akong niyakap ng mahigpit pero sakto lang para makahinga ako. Niyakap ko siya pabalik.

❝S-sorry, Najae. H-hindi ko--❞

❝Shh. Sobrang saya ko, Sewu.❞ ang saya lang sa pakiramdam na hindi siya galit sa akin at tinatawag niya ako sa nickname ko.

Nanatili kaming ganoon ng ilang minuto bago siya kumalas sa yakap. Nakangiti siyang tumingin sa akin.


√ 𝒑𝒓𝒆𝒕𝒆𝒏𝒅 | 𝑛𝑎 𝑗𝑎𝑒𝑚𝑖𝑛Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon