49.

473 11 3
                                    

sierra

"Tangina, Jaemin. Buntis na 'ko't lahat-lahat, nagagawa mo paring maglandi?" galit na sigaw ko.

"Sierra pwede ba? Kakagaling ko lang sa office, pagod ako. Bukas mo na 'ko awayin." malamig na saad ni Jaemin.

Napangiwi ako.

"Gano'n? Sige. Makonsensya ka sana, ha? Alalahanin mo 'yong anak natin, kahit h'wag na ako. Kahit 'yong anak lang natin. Kasi 'diba kung hindi lang ako buntis matagal mo na akong iniwan? Kung hindi ako buntis malaya kang makakalandi kahit hindi pa tayo hiwalay. Kung wala 'tong baby sa t'yan ko, wala ka nang dapat gampanan sa akin. Ganoon, 'diba? Ganoon 'yong gusto mong mangyari. Wala pa tayong isang taong ganito, ito agad nangyayari. Alam mo Jaemin, mag-hiwalay nalang kaya tayo? Tutal ayon 'yong matagal mo nang gusto. Hindi ka maiipit. Walang sasakal sa 'yo, walang kokontrol sa—"

"PUTANGINA SIERRA PWEDE BANG MANAHIMIK KA NA? NAPAKADAMI MONG SINASABI MGA WALA NAMANG KWENTA!" nagulat ako sa pag-sigaw niya.

Wala ka ba talagang konsensya, Jaemin?

Sige.

Ganito pala gusto mo.

Pag-bibigyan kita.

:)

Hindi kita pipigilan, basta ako, aalis ako.

Nanatili siyang naka-talikod sa akin at naka-focus sa cellphone niya.

Mabilis akong lumabas ng bahay kahit wala akong dalang kahit ano.

Hindi ako uuwi sa amin, lalong hindi ako uuwi sa condo ko. Alam niyang doon lang ako pupunta.

Doon muna ako sa resthouse namin sa Gangnam. Hindi iisipin nila ate at nila mama na doon ako mags-stay kasi hindi na talaga namin nagagamit 'yon.

Naaalagaan naman 'yon kaya kahit papaano ay hindi maalikabok o madumi. Sapat na para pag-stayan ko ng ilang araw.

Sumakay ako ng taxi at sinabi sa driver kung saan ako bababa.

Nag-hihilab ang t'yan ko, kaya't ayaw kong nakakaramdam ng kahit na anong emosyon. Kasalanan ko din naman kasi, ako nanaman nag-simula ng away.

Pero hindi naman ako magsisimula kung wala siyang ginagawang masama, 'diba? Hindi nga niya deniny na naglalandian sila nung babae.

Sino ba naman ako?

Asawa niya lang naman ako.

"Ma'am, nandito na po tayo." nginitian ko 'yong driver at inabot sakaniya 'yong bayad ko.

"Salamat kuya." saad ko at bumaba ng taxi.

Pagkapasok ko ng main gate, agad akong nakalanghap ng simoy ng hangin. Pagkapasok kasi ay parang garden ang bubungad sayo pero nasa bandang dulo ang mismong garden. (nasa multimedia).

Pumasok ako sa loob at ganoon parin, walang pinagbago, maganda parin. Kung ako ang tatanungin, mas gusto kong dito nalang tumira.

Kumpleto lahat ng gamit, sayang nga lang at walang pagkain. Umorder nalang ako online ng pwede kong kainin at makakabuti sa baby ko.

√ 𝒑𝒓𝒆𝒕𝒆𝒏𝒅 | 𝑛𝑎 𝑗𝑎𝑒𝑚𝑖𝑛Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon