Chapter 6

715 32 6
                                    

Iminulat ni Sharlene ang mga mata sabay tingin sa alarm clock nya. 1:45 am

She bit her lip. Shoot! Paano ko ba lulusutan yung dinner na yun? Anong pwedeng idahilan ka Jairus? Isip Sharlene! Isip! She tossed and turned, trying to come up of a good reason. But nothing. Nada. Zip.

Isa pang ikot mo Sharlene, ihuhulog na kita sa kama. Madiin at may halong inis na sambit ni Eunice.

Bumangon si Sharlene at sumandal sa headboard. Sorry bes.

Tumingin si Eunice sa kaibigan at nakita ang seryosong mukha nito. Iniisip mo pa rin ba yung date nyo bukas ni Sir Jairus?

Its not a date. Dinner lang yun. Pagtatama ni Sharlene.

Wake up Sharlene! It's obvious na date yun.

It's not. Ginawa lang akong proxy nun ni Jairus dahil nag-away sila nung girlfriend nya.

Proxy? Sa date? Naman! Sharlene matalino ka pero...nakuuuuu!!! Ewan! Frustrated na sabi ni Eunice.

Tulungan mo nalang kasi ako mag-isip ng rason para hindi makasama sa dinner na yun.

Bakit ba kasi ayaw mo? I mean, si Sir Jairus yun! Kung ako aayain nun, wala pang isang segundo um-oo na ako.

Sharlene held up her index finger. One, may girlfriend na yun. Paano nalang kung bigla akong sugurin nun? She held up another finger. Two, alam mo naman na may trabaho ako bukas diba? Kailangan ko pumasok sa bar.

Tinitigang mabuti ni Eunice ang kaibigan bagio sumagot. I have the perfect solution for you.

Talaga?! Masayang sambit ni Sharlene.

Tumango-tango si Eunice. Yes. Simple lang. Makipag-date ka kay Jairus. Hep! Itinapat nya ang kamay sa mukha ng kaibigan para pigilan itong magsalita. Give me your phone. Nagdadalawang isip si Sharlene na ibigay ang phone nya kay Eunice kaya naman hinablot nalang ito ng huli. May itinype ito at ilang sandali lang ay tumunog ang phone at binasa ni Eunice ang text. Nakangiti itong binalik ang phone sa kaibigan. There. Okay na.

Huh?

Pumayag na si Ms. K na hindi ka papasok bukas so libre ka nang sumama sa dinner nyo ni Sir Jairus. Okay? So, if you'll excuse me, gusto ko nang matulog. Humiga ito at tinalikuran ang kaibigan.

Sharlene would have uttered some protest lalo na nang walang pasabi nitong tinext ang boss nya sa bar pero hindi na sya binigyan pa ni Eunice ng pagkakataon. Sighing, nahiga na rin si Sharlene nang marinig ang mahinang paghilik ng kaibigan.

Anong ginagawa mo dito? Nagtatakang tanong ni Sharlene sa lalaking nakatayo sa may pintuan nila.

We're going out, remember? Sabi nito sabay upo sa may sala.

Sharlene looked at her watch then at Jairus. Diba mamaya pa yun? Ang aga mo naman ata.

Naisip ko kasi na pwede tayong mamasyal bago mag-dinner kaya inagahan ko na.

Pero----

Sige na bes. Kami na bahala dito ni nanay. Maligo ka na. Itinulak ni Eunice ang dalaga patungong hagdan. Wala nang nagawa si Sharlene kundi sumunod. Half an hour later natapos na din sya. She forgot to ask Jairus kung saan sila kakain. She looked at what she's wearing. Jeans and shirt, just like everything she owned. Wala namang ibang laman ang closet nya kundi iyon. She silently wished na hindi sa isang sosyal at mamahaling restaurant sila kakain or else she would have looked so out of place.

And Then I Met YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon