Chapter 28

409 27 28
                                    

If Sharlene would list her top ten most awkward moment, this would probably be on the number one spot.

Lagot ka sa'kin Eurich! I'll get you for this! Hindi alam ni Sharlene kung anong pumasok sa kukote ng kapatid at iniwan sya roon kasama ang ex-boyfriend nya gayong alam naman nitong nasa kalapit na kwarto lang din ang fiance nito.

Unghhh...

Jairus? Jairus? Gising ka ba?

That was a very stupid question, Sharlene! She scolded herself. Lumapit sya sa binata nang lumaylay sa kama ang isang paa nito pagkatapos nitong tumagilid. Nahirapan sya nang hustong ayusin ang pagkahiga nito.

Uy, Jairus umayos ka nga! Jairus! Jai-rus! God, are you lifting weights? You're heavy! Buong lakas nyang itinulak ang dating kasintahan. Hinihingal sya matapos nyang gawin iyon. Am I really that out of shape? Tanong ni Sharlene sa sarili. Alam nyang hindi na sya madalas makasama kay Eunice tuwing magjo-jogging ito, but between taking care of Dylan and managing the coffee shop, tingin ni Sharlene ay hindi naman sya natitigil sa pagkilos.

Sumilip sya sa labas ng kwarto, nagbabakasakaling papunta na si Ella o kaya nama'y balikan sya duon ni Eurich. Ngunit malinis ang buong hallway. Wala ni isang taong dumadaan. She can't call any of them dahil naiwan nya sa room ang phone nya. Isinarado nya ang pintuan at tumingin sa natutulog na binata  Bumuntong hininga si Sharlene saka nagtungo sa banyo. Lumabas syang may dalang isang tabong tubig.  Pinakialaman na nya ang bag ni Jairus at naghanap duon ng pamunas at t-shirt na pamalit.

Balak nyang umpisahan ang pagbibihis dito sa pagtanggal ng tsinelas, ngunit nagdadalawang isip sya. Jairus is furious at her. Malayo palang sya ay salubong na ang kilay nito. Paano kung bigla itong magising at ipagtabuyan sya o kaya naman ay kaladkarin sya palabas ng kwarto?

She took a tentative step forward, pinapakiramdaman kung magigising ba si Jairus o hindi.

Unghhh...

Napatigil si Sharlene. This is ridiculous! Iiling-iling syang muling tumungo sa pintuan. Still no sign of Ella or Eurich anywhere. Tinignan nya muli ang itsura ni Jairus, gulo ang buhok, nakanganga ang bibig. She could just leave him there tutal tulog naman ito. But her conscience wouldn't allow her. Lasing ito. Napakawalang-puso naman nya kung basta-basta nalang nya pababayaan iyon.

Bayaan mo nga sya magalit! Basta ako nagmamalasakit lang!

Inalis nya na ang tsinelas.  Binasa nya ang bimpo at marahang pinunasan ang mga braso at mukha nito.

Mas gumwapo ka ngayon. Sabi ni Sharlene habang nakatitig sa mukha ni Jairus.

Unghhh...

Jairus? Pinakiramdaman ni Sharlene kung magigising ba ito bago ipinagpatuloy ang ginagawa.

Ahm, walang malisya 'to ha? Concerned citizen lang ako. Tsaka ano, ah, pipikit naman ako e. Tama! Pipikit ako! Mariin nyang isinara ang mga mata nang inumpisahan na nyang itaas ang t-shirt nito. Napahinto sya nang may makapa sa may bandang tiyan. May abs ka? Dilat ang isang mata, pasimpleng sinilip ni Sharlene kung meron nga ito. Hindi naman pala masyado. She tried to sound uninterested, pero ang totoo ay napanganga sya ng kaunti nang makita iyon. Four packs lang iyon, and it wasn't even too defined, but he has abs nevertheless.

El...El....Ungol ni Jairus.

Ah, ano Jairus. H-hindi ako si Ella e.

Ella? Mahinang sambit ng binata. Napagitla si Sharlene nang maramdaman nyang nakahawak sa may pulso nya si Jairus.

J-jairus? Hindi kasi ako si Ella.

And Then I Met YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon