Chapter 3

823 33 9
                                    

Ganda ng ngit natin Epang ah! Bati ng isang lasing na tambay kay Sharlene. Tagay ka muna para lalong gumanda yang ngiti mo.

Naku, Mang Elo, nang-alok pa kayo e mukha naman pong kulang pa yan sa inyo. Salamat nalang po. Paka-lasing po kayo! Kumakaway na sabi ni Sharlene.

Masayang umuwi si Sharlene. Pinuntahan nya si Ms. K upang maki-usap na pabalikin sya sa bar. Ang akala nya nung una ay mahihirapan sya, na kakailanganin nya pang magmakaawa at maglumuhod sa harap nito para lang mapapayag ito sa hiling nya. Ngunit dahil na din siguro sa kakulangan sa tao kaya agad syang pinagsisimula nito ngayong gabi mismo.

Bes, sina Wena nag-aaya manood ng sine. Tara. Sama tayo. 'Wag kang mag-alala. Libre daw lahat nila  Ery at Lorraine. Dagdag pa ni Eunice nang makita ang pag-aalinlangan ng kaibigan.

Ah, oo. Nagtext sakin si Lorraine. Kaya lang ano...may...may trabaho kasi ako. Halos pabulong nyang sinabi ang mga huling salita.

Trabaho? Bakit? Binago ba ni Sir Ian ang shift mo? Akala ko ba tuwing weekdays kalang? Nagtatakang tanong ni Eunice.

Hindi sa coffee shop. Sa ano....sa bar. Nakayukong tugon ni Sharlene.

Sa bar?! Eksaheradang sigaw ni Eunice.

Napatakip si Sharlene ng tenga. Shhhhhh. Ano ka ba bes! Grabe ka naman! Hinaan mo boses mo, nagpapahinga si nanay.

Hinilot-hilot ni Eunice ang ulo nya. Alam mo bes, makulit ka rin talaga no? Naki-usap na ako sayo noon na umalis ka na sa bar dahil baka masangkot ka sa gulo. Pero ano? Pinakinggan mo ba ako? Syempre hindi! Pero inintindi kita kasi alam kong kailangan mo talagang kumita ng pera tsaka disente naman ang pagwe-waitress mo dun. Pero nakalimutan mo na ba ang kondisyon ni Sir Jairus? Diba kaya ka nga nya binigyan ng extra shift para may dagdag na kita ka. Pero kapalit nun ang pagre-resign mo sa bar.

Alam ko naman yun bes e! Pero sayang din kasi yung kikitain ko dun. Pumayag si Ms. K na tuwing sabado at linggo lang ako papasok, kaya yung Monday hanggang Friday ko na shift sa HuggaMug Cafe hindi maapektuhan. Hinawakan nya ang kamay ng matalik na kaibigan. Bes, yung kikitain ko sa pagwe-waitress sa bar pwede kong ipunin para mapa-opera ko na sa wakas si nanay. Paliwanag ni Sharlene.

Umiling-iling si Eunice. Ewan ko sayo bes. Paano pag nalaman yan ni Sir Jairus?

Malalaman lang nya kung may magsasabi. Binigyan ni Sharlene ng makahulugang titig si Eunice.

Hoy! Ano naman akala mo sakin? Kahit ayokong bumalik ka uli dun, tingin mo ba ipapahamak kita sa boss natin? Nakapamaywang na sabi nito.

Nginitian sya ni Sharlene saka niyakap. Kaya nga love na love kita e! Tsaka hayaan mo na yun si Sir Jairus. Hawak lang nya oras ko kapag nasa coffee shop pa ako pero pag nasa labas na, syempre akin na uli. Tsaka sino ba sya para diktahan ako? Daig pa nya ang tatay kong walang paki-alam samin.

Kumalas sa yakap si Eunice. Nako! Ayan na naman tayo sa usaping ama! Akala ko ba ayaw mo nang maalala yun? Hala! Sige na, bago ka pa maging bitter uli, go na! Baka ma-late ka pa at mag mistulang multong bakla si Ms. K.

*****

Sharlene. Tawag sa kanya ni Sir Ian isang araw. Himas-batok lumapit ito sa kanya habang abala sya sa pag-gawa ng kape. May ipapaki-usap sana ako sayo. Naka-leave si Donna diba? Tapos si Rica tumawag ngayon lang na hindi daw sya makakapasok kasi may sakit ang anak nya, pwede bang ikaw muna pumalit sa kanila? Alam ko magdi-dirediretso ka ng shift pero ngayon lang naman.  Wala na kasi ako ibang mapaki-usapan. OT mo naman 'to. Sige na.

And Then I Met YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon