BULA

769 7 1
                                    

     Nakita ko sya noon sa birthday party ng boyfriend ng kaibigan ko. Napakakisig nya at presentableng tignan sa suot nya'ng polo na may mahabang manggas na nakatupi hanggang siko. Kayumanggi ang kulay nya at matangkad. Sya ang unang nakahuli ng atensyon ko sa event na 'yon. Pasado sya sa mga tipo ko. Matangkad at matangos ang ilong. Nagtama ang paningin namin nang luminga sya sa gawi ko matapos na matawa sa marahil ay sinabi ng kausap nya. Ako ang unang bumawi na hindi ko madalas gawin sa ibang lalaki'ng nakakatitigan ko. Nakakalunod ang mga mata nya. Para ba'ng napakaraming gustong sabihin ng mga kulay tsokolateng mata na iyon kaya naman hindi ko kinaya. Maya-maya ay lumapit sya sa akin. Nakipagkilala. Nagkwentuhan kami at nauwi sa pag-alok nya ng paghatid sa akin sa bahay. Pumayag ako. Bakit hindi? babae ako at gabi na. Wala pa ako'ng dalang sasakyan dahil kasalukuyang nasa talyer iyon.Inalok ko sya ng kape nang maihatid nya ako. Pinaunlakan nya iyon. Masarap nga namang uminom ng kape pagkatapos uminom ng alak para mahimasmasan.

     "So, wala ba'ng magagalit?" tano'ng ko sa kanya habang nasa sala kami at nagkakape.

     "Magagalit?" balik tanong nya. Nagkibit lang ako ng balikat. Alam nya na ang ibig ko'ng sabihin. Natawa sya pagkatapos ng ilang saglit bago muling tumugon.

"Wala. Syempre. Ihahatid ba naman kita kung meron" Ngumiti ako. Oo nga naman. Nag-usap pa kami hanggang sa nagdesisyon syang umuwi. Madaling araw na iyon.

     Naulit pa ang mga pagkikita namin ni Jericho. Yun ang pangalan nya. Kumakain kami sa mga restaurants, naglalaro sa arcades. Mabuti na nga lang at nakakasabay sya sa hobbies ko. Gusto ko ang paglalaro sa arcades, lalo na kung medyo mabigat ang kaso na hinahawakan ko. Pampatanggal stress at pang clear ng utak. Mahirap talaga 'pag isa ka'ng abogado, public defender to be specific.

     Sa lahat ng lalaking nakilala ko, sya ang pinaka tumatak sa isipan ko. Lagi syang sumisingit sa utak ko. Para ako'ng baliw kapag naaalala ang mga kwentuhan namin habang nasa trabaho. Hinanap-hanap ko ang presensya nya.

     Ang minsanan nami'ng pagkikita ay naging madalas. Hanggang sa isang gabi nang ihatid nya ako galing sa isa'ng anniversary party ng kaibigan nya, may nangyari sa amin. Parehas kaming nakainom. Pero tandang-tanda ko ang mga detalye ng pinagsaluhan namin. At wala ako'ng pinagsisisihan. Ibinigay ko ang sarili ko sa kanya. Para sa akin, walang masama roon. Dalaga ako at walang karelasyon. Naging mas malambing sya pagkatapos ng nangyari sa'min. Ang nangyaring iyon ay nasundan pa ng ilan. Naging opisyal ang relasyon namin. Hindi ko hinayaan ang ibang lalaki na pumasok sa buhay ko maliban kay Jericho. Maybe he really bring down the walls.

     Pakiramdam ko, perpekto ang relasyon namin. Maalalahanin sya at malambing. Mga bagay na gusto'ng-gusto ko sa kanya. Sobrang mahal ko si Jericho. Umabot na ako sa punto na nangangarap na ako ng bukas kasama sya. Sigurado na ako'ng sya na. Hinihintay ko nalang na yayain nya ako magpakasal at hindi ako magdadalawang-isip na pumayag.

     Pero ang akala ko'ng perpektong relasyon ay hindi pala. Wala nga namang perpekto sa mundong ito. Ang mga pinangarap ko para sa amin ay naglaho dahil sa aking natuklasan.

     Isang gabi, Kagagaling lang namin sa isang café para uminom ng kape at pinagbubuksan na ako ni Jericho ng pintuan ng kotse, nang biglang may humila sa aking buhok mula sa likuran. At isang palad na malakas ang pagkakadampi sa aking pisngi ang sumalubong sa akin. Hindi agad ako nakabawi dahil sa gulat. Nasapo ang pisngi ko na napuruhan ng sampal. Napansin ko ang batang babae na umiiyak sa likod ng kotse, malapit sa babaeng sumampal sa akin. Dumami ang naki-usyoso. Umiiyak ang babae'ng nasa harap ko at galit na galit. Hawak sya ni Jericho kaya hindi sya makalapit sa akin kahit ano'ng pagpupumiglas pa nya.

     "Tama na Alex!" gigil na sigaw ni Jericho sa kanya pero hindi sya natinag. Maraming ibinatong masasakit na salita sa akin ang babae. Pero iilan lang ang rumehistro sa utak ko'ng lito.

PAHINATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon