Ilang minuto nang nakatulala si Sara sa monitor ng kanyang laptop. Hindi pa rin kasi siya makapaniwala na ang crush na crush nya'ng si Klent ay nagsend ng friend request sa kanyang facebook account. Nagising lang ang diwa ni Sara nang tumunog ang notification sound ng kanyang laptop. Agad nya'ng binuksan ang dumating na mensahe. Halos lumuwa ang kanyang mga mata mula sa pinaglalagyan niyon nang makita ang mensahe. 'Pa-accept po' may kasunod pa iyo'ng smile emoticon. Agad nya'ng binalikan ang friend request ng lalaki at in-accept iyon. Ang mensahe nito ay nasundan pa ng 'thank you'. Nakanganga nya'ng tiningnan lamang iyon. Maya-maya ay taranta nya'ng dinampot ang kanyang cellphone na nakapatong sa bedside table at kinutingting iyon para tawagan ang kanyang best friend.
"Hello?" Boses iyon mula sa kabila'ng linya. Hindi nya napigilan ang pagtili bago sumagot sa kausap.
"OMG! OMG!" Eksaherada nya'ng wika habang pinapaypayan ng isang kamay ang kanyang mukha.
"Kalma! Ano ba'ng nangyayari sa'yo?" Tanong ni Brian. Ang best friend nya.
"Hindi ka maniniwala Bry!" Sabi nya habang nakatitig pa rin sa monitor ng kanyang laptop.
"Ano nga kasi 'yon?" Medyo iritado na ang dating ng boses nito. Huminga muna siya ng malalim at malapad na ngumiti kahit hindi naman siya nakikita ng kanyang kausap.
"Nag-friend request sa akin si Klent." Patili nya'ng pahayag. Sandali'ng walang naging sagot ang nasa kabilang linya kaya maging siya ay napatahimik din. Kunot-noo nya itong tinanong. "Hello? Brian? Nandiyan ka pa ba?" Isang buntong hininga ang sumagot sa kanya.
"Oo." Matamlay nito'ng sagot.
"Narinig mo ba 'yung sinabi ko?" Nakangiti na muli siya.
"Oo." Matamlay at tipid pa ri'ng sagot ng kausap nya. Pero hindi naapektuhan niyon ang sayang nararamdaman nya.
"He finally noticed me." Masigla nya'ng pahayag sa kausap. Hindi ito sumagot kaya nagpatuloy siya.
"At alam mo ba, hindi lang 'yon. Nagmessage din siya sa'kin." Hindi pa rin sumagot ang kaibigan nya kaya naman nagtaka na siya. Naglaho ang ngiti sa kanyang mga labi at nagtataka ito'ng tinanong.
"Ano'ng problema Bry? Hindi ka ba masaya para sa akin?" Nagtatampo nya'ng tanong sa best friend nya. Ilang segundo pa ang lumipas bago ito muling sumagot.
"Masaya syempre." Masigla na ang boses nito sa pagkakatao'ng iyon. Malawak siya'ng ngumiti. Itatanong nya pa sana sa kaibigan kung ano ang dapat nya'ng i-reply kay Klent pero patay na ang tawag. Nagtataka man ay binalewala na lamang nya ang inaasal ng kaibigan dahil nasasapawan iyon ng saya nya. Maluwang ang ngiti nya nang humarap muli sa kanyang laptop. Pero ang malawak nya'ng ngiti ay agad ding naglaho dahil in-active na si Klent twenty seven seconds ago. Magdamag nya'ng hinintay kung mag-o-online ba'ng muli ang lalaki pero inabot na ng alastres ng madaling araw ay hindi na ito muli pang nag-online. Pabagsak siya'ng humiga sa kanyang kama at pinilit matulog pero bigo siya.
Eksaherada'ng napasinghap si Sara sa harap ng salamin. Hinaplos nya ang ilalim ng kanyang mga mata. Medyo nangingitim iyon dahil sa magdamag nya'ng kawalan ng tulog. Laglag ang balikat siya'ng naligo at nag-ayos para sa eskwela. Nagmamadali na siya'ng lumabas ng kanyang silid kahit hindi pa nakakapagsuklay ng buhok dahil kanina pa naghihintay si Brian sa sala. Mabilis siya'ng humalik sa pisngi ng kanyang ina na nakaupo sa pang-isahang couch sa sala at nagbabasa ng diyaryo habang humuhigop sa hawak nito'ng tasa bago hinila ang kaibigan na nalilibang na sa panonood ng telebisyon.

BINABASA MO ANG
PAHINA
AcakIto ay koleksiyon ng maiikling kwento. Walang espesipiko'ng dyanra ang mga kwentong mababasa ninyo rito.