Kabanata 6

2 2 0
                                    

We meet again

Altaire's POV

Nangangatog parin ang binti ko pagkalabas ko ng ospital.
Hindi parin nagsisink in sa utak ko na wala na ang papa ko.

Tuloy tuloy sa pagbuhos ang aking mga luha kasabay ng pagtakbo ko sa kung saan ako dinadala ng aking  mga paa.

Napakaraming masasama sa mundo pero bakit papa ko pa ang nawala?

Alam kong  wala ako sa posisiyon para tanungin ang Diyos pero wala akong ibang choice. Bakit? Bakit?
Paulit ulit na tanong sa aking utak subalit wala ni isang sagot ang lumalabas.

Lumiko ako sa isang kalsada na napupuno ng mga pailaw. I think lugar 'to ng mga Chinese.
'Welcome to China Town'  yan ang karatulang nabasa ko.

Wala na akong pakealam sa pupuntahan ko. Basta ang alam ko lang gusto kong tumakas sa reyalidad.

Huminto ako sa harap ng isang coffee shop. Walang masyadong tao sa loob nito kaya  naman agad agad akong pumasok sa loob.

"Ni hao! What can I do for you?"
Salubong saakin ng isang matandang babae. Grabe yung ngiti niya ngunit hindi ko ito sinagot.

"This way, dear." At iginaya niya ako sa pinakadulong bahagi ng Coffee shop.

Bahagya akong umupo at Hindi na muling pinansin ang matanda. Iniwan naman niya ako ng Hindi na nagtatanong.

Tumingin ako sa labas dahil purong salamin ang nasa harapan ko. Napakaraming tao. Masayang pamilya, mga couples, mga batang walang humpay sa paglalaro. Lumandas na naman sa aking pisngi ang aking mga luha.

'Life is so unfair. Pakiramdam ko nasa kalagitnaan ako ng aking paglalakabay sa dagat ngunit hinampas ng malakas na alon dahilan para mawalan ng bangka at nakalutang sa kawalan'

"God! Bakit nangyayari saakin 'to?" Mahinang sambit ko na lamang at pinikit ang aking mga mata. Bahagya Kong isinandal ang aking leeg sa upuan.

"Ama! Ni hao. Did I arrive late?" Kahit malayo naririnig ko ang Boses ng isang lalaki.
Idinilat ko ang aking mga mata at kinusot ng bahagya.

"It's late. No costumers anymore." Matigas na utas ng matanda.

"Ama, I did something very important. I'm sorry!" Pagpapacute ng lalaki.
Hindi ko maaninag ang mukha nito dahil nakatagilid ito mula sa puwesto ko.

"Girl problems? Again? Xivix, I'm so sick of your excuses. When will you change?" Napapataas na ang Boses ng matanda.

"I promise this is the last one, ama. Just let me slip tonight, please!" Pagmamakawa pa nito.

'Psh! Drama ng mga 'to.'

"Alright. Magsasara na tayo. Huli na ito Xivix, hah?" Paalala nito.

"Yes Ama! Thank you so much. Muwaaaaa!!" Yumakap at humalik ito sa matanda.

'Bading? Sayang!'

"Sige na ayusin mo na dito. May gagawin ako sa bahay. Mauuna na ako." Paalam nung ama daw kung tawagin niya.

"Got it! Bye bye Ama, take care!" Sagot naman ng lalaki.

Us Against All OddsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon