True Story

222 1 0
                                    

TRUE STORY

(based on my cousin's experience.)

Ako si Jane. Nakatira kami sa isang malayong baryo sa isang probinsya. Anim kaming magkakapatid, at meron akong kambal si Joy.

Nakatira kami sa isang maliit na barong-barong na malapit sa paanan ng bundok. So, naiimagine nyo na siguro kung ano ang nakapaligid sa lugar namin? Sobrang daming puno at talagang magkakalayo ang mga bahay.

Isang gabi nagkwento samin si mama na nananaginip siya ng parang may nagyayaya sa kanyang isang napakagandang lalaki. Para ba daw nililigawan siya. Hinahayaan niya lang daw ang lalaki at hindi niya pinapansin.

Nagpatuloy ang kwento samin ni mama. Kesyo dinadalan daw sya ng lalaki ng napakadaming prutas at masasarap na pagkain. Pero di daw niya tinitikman kahit isa. May isang beses pa na binibigyan sya ng mga perlas na malalaki at mga gintong alahas, makakapal na gintong alahas. Pero kahit isa daw ay hindi niya tinanggap.

Hanggang sa isang umaga, hindi na bumangon si mama. Sa sobrang pag-aalala namin, tinakbo namin sya sa ospital. Ineksamin sya ng mga doctor, pero walang nakitang dahilan kung bakit sya na-comatose.

Lumipas ang mga araw, linggo, hanggang maging buwan. Hindi pa din nagigising si mama, lumalaki na din ang bayarin namin sa Ospital. Hindi na alam ni papa kung saang kamay ng Diyos niya kukunin ang pangbayad sa Ospital. Paulit-ulit din kasi ang mga doctor sa pag-eeksamin kay mama pero hanggang sa mga oras na to, hindi pa din nila makita ang dahilan.

Makalipas ang dalawang buwan, nagising na din si mama at nagtaka sya kung nasaan sya. Kinabukasan, pinayagan na din sya ng mga doctor na umuwi na.

Pagkauwing-pagkauwi namin, nagkwento na naman siya. Na pinaunlakan niya ang paanyaya ng magandang lalaki na pumunta sa lugar nya. Tila daw ba piyesta ng baryo sa lugar ng lalaki pagdating nila. Napakadaming handa! At may mga nagsasayawang magagandang babae din. Nahihiya daw siya sa kanyang itsura kasi parang sya daw ang pinakapanget doon.

Naupo sila ng magandang lalaki sa mahabang mesa na puno ng pagkain. Madaming inilalapag sa kanyang harapan ang mga babaeng serbidora. Pero wari ba eh wala syang ganang kumain.

Kinukulit daw siya nung lalaki na kumain, pero ayaw niya. Hanggang sa nagalit daw yung lalaki at lahat ng magagandang bagay sa paligid nya, naglaho. Yung mga pagkain daw naging mga tuyong dahon, lupa at mga uod. Ang mga naggagandahang babae na sumasayaw at ang mga lalaking tumutugtog, biglang nawala.

At ang pinakanakakatakot pa don, yung magandang lalaki daw na nanliligaw sa kanya naging kalahating tao at kalahating kabayo. Sa sobrang takot niya nagtatakbo daw siya palayo hanggang sa nahulog siya sa isang bangin. Don na daw siya nagising. Kaya nagtataka daw siya na dalawang buwan na daw nakakalipas saka lang daw siya nagising. Samantalang sandali lang daw siya don sa piyesta.

Ang sabi ni papa na tikbalang daw ang nangliligaw kay mama. Kaya daw ito binibigyan ng mga pagkain at kung anong bagay ay dahil gusto ng tikbalang na isama si mama sa mundo nya. Nagalit daw ang tikbalang dahil kahit anong gawin nito, hindi tinatanggap ni mama ang ibinibigay nito. Don lang daw lumabas ang totoong itsura nito.

-Nightmare

Scary StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon