Uwi (Part 2)

136 1 0
                                    

Uwi

( Ang Ikalawang Yugto )

-------

Napabalikwas siya at kumaripas ng takbo papalabas ng bahay.
Hindi na siya nakapagdamit ng mga oras na iyon at tanging tuwalya lamang ang kanyang itinapis sa katawan.

Habol siya sa kanyang hininga, di niya akalain na sa puntong ito ng buhay niya ay bigla niyang mararanasan ang nakakagimbal na pangyayaring ito.

" Oh nak, nasa bahay ka na pala ? " nakangiwing bigkas ng nasa harap ni Nicko. May boses itong napakatining pero wari ba'y nasa hukay.

Maitim ang balat nito na kanina'y kayumanggi. May ngiti ito na abot hanggang tenga. Mga ngipin na bagamat di matatalim ay maiitim naman. Ang kanang mata nito ay nakaluwa. Nakakasulasok na amoy. May malagkit na likidong natulo sa katawan nito. Hindi kulay pula, kundi'y kulay itim.

" Ha.. hahaha.. Nagulat mo ko dun gago ka ! " bulalas ng binata

Kinusot niya ang kanyang mga mata sa pag aakalang imahinasyon lang ang lahat. Ngunit sa pagdilat niya'y

" Waaaaaaaaaaahhh ! Putang ina mo ! "

Nasa harap na niya ang babae. Kumaripas ang binata at nagtaka naman ang mga taong naroroon.

" Bakit ? Bakit ? anong nangyare ? " ani Aling Tere, ang may ari ng bahay na noon ay ibinenta sa pamilya ni Nicko.

" Naaaaay ! m.. may multo, halimaw, engkanto, o kung ano man tawag dun ! " hingal na bigkas ng binata

" Saan !? wala naman akong makita ! "

" Nakasunod sakin nay, alis na ko ! "

Paalis na sana ang binata ngunit hinila siya ng matanda

" TEEKAA LANG, TINATANONG KITAARRGGHH ! "

" AAAAAAAAAAAAAAAAAGGHHHH ! "

Lumaki ang bunganga ng matanda. Nagsimulang umitim ang kulay nito. Umalingasaw ang mabahong amoy, lumuwa ang mga mata at wari ba'y lalamuning buo si Nicko.

" WAAAAAAGGGHHH ! "
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Hindi niya namalayan na nakaidlip pala siya. Binuksan niya ang kanyang cellphone at nagtext kay Mae na nasa bahay na siya.

Si Mae ? Crush niya.

Nang makaramdam ng init ay kinuha niya ang kanyang tuwalya at pumasok sa Cr.

" TANG INA ! " bulalas ng binata, ibinato niya ang tuwalya kinuha ang cellphone at dali dali niyang kinuha ang kanyang sapatos.

Di na niya nasuot ang sapatos at kumaripas na ng takbo papalabas ng bahay na yun

" Bakit ? Bakit ? anong nangyare ? " ani Aling Tere, ang may ari ng bahay.

Hindi siya kumibo.

" Bakit ka tumatakb--- "

Isang malakas na sapak ang ibinato ng binata sa kawawang matanda.

" Halaaaaa ! sorry nay, akala ko kas------ "

" TINATANONG LANG KITAAAAAARRGGHHHH ! "

Lumaki ang bunganga ng matanda. Nagsimulang umitim ang kulay nito. Umalingasaw ang mabahong amoy, lumuwa ang mga mata at wari ba'y lalamuning buo si Nicko.

" WAAAAAAGGGHHH ! "
.
.
.
.
.
.
.
.
.

" Nak, ingat ka sa trabaho mo ah ? kumakain ka ba ng maayos dun ? "

" Ma ! oo lilipat tayo, di na ko papasok tatawagan ko na si Carlo " naiiyak na sambit ni Nicko

" Wala pa kong sinasabi ah ? "

" Ayoko na ditooooooo "

Niyapos siya ng mahigpit ng nanay niya.

" Tahan na nak, ang dahilan kung bakit tayo lilipat dahil sa babaeng namatay daw dito. Hindi matahimik ang kaluluwa niya at nagulo natin siya. "

Matapos ang pangyayaring iyon ay nagsindi sila ng kandila. Nag alay ng pagkain, at nagsimula ng umalis.

- Codeblank

Scary StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon