The Forest
( Part 1 )
" Pre!? Tang ina ayoko ng ganito. Napapagod na ko wag na natin sila balikan "
" Ano ka duwag!? "
" Pero--- "
" Wala ka ng dapat pang sabihin ! Babalikan natin sila "2 hours earlier
Masayang mag mountain climbing. Pero wala ng mas sasaya syempre kung kasama mo mga tropa. Biruan tungkol sa multo ng makiling. Biruan tungkol sa mangangaso na pumapatay ng tao imbes na hayop. At marami pang iba.
" Oh guys, walang cp dapat sa taas ng bundok ah? Konyatan ko kayo " tinig ni Mara. Ang go to girl ng magttropa. Matapang, maganda, kakaiba ang mata at higit sa lahat, tomboy
" Additionals ! Magpaalam na kayo sa mga bebe niyo hahaha "
Ani naman ni Jeff ang pinakamakulit sa magttropa" Juskoooo, buti ako single walang intindihin. Mamatay man ako sa gubat atleast namatay akong walang babaeng gagastusan " tinig naman ni Nicko. Ang nerdo sa mga magttropa.
" Tama na yang drama na yan ! Akyat na tayo " ani Sherlock ang leader
Bakit sila aakyat ng bundok ? isang magandang tanong, wala lang, unwind kumbaga. Kung di niyo naitatanong, si Nicko ay sawi sa pag ibig, si Jeff naman, napilitan lang sumama.
Si Sherlock talagang pangarap na umakyat ng bundok mula pa nung bata siya at si Mara ? taga dun siya. Ulirang anak kaya naman sa lola Ika niya nakatira.Nababa siya ng bundok para mag aral
Isang buwang plano, ay este, drawing muna bago natuloy ang lakad nilang ito" Guys wala ko pera pano pag nagutom tayo ? "
" Baliw ! bundok yun. Ano ka ba naman jeff "
" so ? you mean ? "
" Oo ! kakain tayong halaman , basta maglakad ka nalang "
naiinis na wika ni Nicko" Easy ! Easy ! walang mag aaway kutusan ko kayo e " saway ni Sherlock
" Guys, malapit na tayo sa bahay namin yiiee " ani Mara
" Yuuuuuuuun ! kakain na tayong mahogani hahaha " tugon naman ni Jeff
" Ang likot likot mo Jeff pumirmi ka nga " saway ni Nicko
" Kanina mo pa ko hinahampas " dagdag pa nito
" MAHOGANI ! MAHOGANI ! MAHOGANI ! HAHAHA " pang aasar ni Jeff
" Napakatahimik naman dito " pansin ni Sherlock
" Oo nga eh, si JEEEEEFF lang ang maingay " tugon ni Nicko
" WOOOOOOOOOOAAAAH MAHOGANEEEEE ! " tuloy sa pang aasar si Jeff
May kalahating oras na silang naglalakad ngunit wala pa sila sa bahay nila Mara. Sa sobrang tahimik ng lugar animoy pagbagsak ng dahon sa lupa ay maririnig mo. Ang agos ng tubig sa ilog ay parang musikang sumasagabal sa katahimikan ng lugar na iyon. Matataas na punongkahoy na kung papayaga'y pwedeng gawan ng bahay sa loob.
" Welcome kayo dito sa lugar namin " tinig ni Mara
" Nagulat naman ako sayo, bigla bigla kang nagsasalita jan " puna ni Nicko
" Masama ba ? " ani Mara
" Hindi naman ? pero kasi nakakagulat kanina ka pa tahimik e " tugon ni Nicko
" Oh tumahimik ka ata Jeff ? asan na yang sinisigaw mong Mahogani ? " puna ni Sherlock
Ngunit walang Jeff na nagsalita. Nilingon nila si Jeff sa likod gawa ng nagpapahuli ito. Pero, bigo silang makita si Jeff.
Binalot ng tensiyon ang paligid
BINABASA MO ANG
Scary Stories
HorrorHi! This book is a compilation of our story in our facebook page. We have tagalog and english story here.