A gift or A curse? (True story 4)

173 1 0
                                    

Maraming mga bagay sa mundo ang di maipaliwanag, mga bagay na hindi kapanipaniwala, mga bagay na akala mo ay isang kwento lamang sa libro, akala mo kathang isip lang, pero totoo pala.

Tatlong taon pa lamang ako, ay may mga pangyayari na sa buhay ko na di ko maipaliwanag.
Tatlong taong gulang lang din ako nung magsimula akong maka alala. Akala ko imagination lang ang lahat, pero hindi pala.

Habang tumatanda, madami na akong bagay na nalalaman sa mundo. Mga bagay na hindi maipaliwanag ng science.
Akala ko hallucinations lang, akala ko imaginations lang, akala ko nababaliw lang ako o may sakit, akala ko hindi totoo, pero nagkamali ako.

It was July 2013, being a nocturnal is fun, but it's kinda surprising.

Ika tatlo ng umaga. Nakaramdam ako ng matinding lamig. Lamig na animo'y yelo. Kasabay ng pagpatak ng pawis, sa kwarto ko ay biglang may nangamoy bangkay. Parang naaagnas na laman na di ko maipaliwanag. Pero wala namang pinanggagalingan. Naupo ako sa aking lamesa dahil sa pakiramdam na di maipaliwanag.
May biglang tunog na matining, kasabay naman ang pag ugong.

Hanggang sa nanlabo at nandilim ang aking paningin, kinusot ko ang mata at pag tanggal, biglang dumilim ang kulay ng kwarto. Para bang puro lumot ang paligid at nagsisimulang mabitak ang mga bloke sa pader.

Sinubukan kong gumalaw, at nakita ko ang aking sarili na nasa lamesa pa. Ako ay naka hawak sa aking mata.

Maya maya pa'y nakarinig ako ng malakas na ugong at muli nanamang nabitak ang mga bloke sa pader ng aking kwarto.
Tumakbo ako pababa sa sala ngunit walang pagbabago. Nandidilim na ang paningin ko.

May biglang sumulpot sa harap ko, umuusok na amoy basura at mabaho. May ulo ng kambing, katawan ng tao at paa ng kabayo.

Namumula ang mga mata nito. Hindi ako makagalaw. Gusto kong sumigaw.

Matapos ang ilang pagpipiglas ko'y sa wakas ako'y nakagalaw na. Kumaripas ako ng takbo papalabas ng bahay ngunit bigla akong bumalik sa katawan ko na para bang gomang binanat.

Lumipas ng mabilis ang mga oras. Di ko namalayan na umaga na pala na noo'y madaling araw

Minulat ko ang aking mata, sinilip ang sarili sa salamin.

May itim na bahagi sa aking leeg. Wari ba'y sinakal.

Pagod ang aking nadarama. Hinihingal.

Is it a gift? Or a curse?

None of the above, i think. Surely, it's my path.

Scary StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon