True Story 2

205 2 0
                                    

TRUE STORY.

Nagtatrabaho ako bilang isang accounting staff sa isang pribadong paaralan. Ito ay kuwento ng isang grade 7 na babaeng estudyante sa ilalim ng Night-Shift program. Nangyari ito noong buwan ng August, 2017.

Nagsisimula ang klase nila ng 4 ng hapon at natatapos ng 9:00 ng gabi. Nung araw na yun, biyernes, sa last subject nilang English, nagbigay ng test ang guro, mga 8:50, nang matapos masagot ng estudyante ang test, nagpaalam ito sa guro para pumunta ng CR. Gusto niya raw sanang umaya ng kaklase niya, pero halos lahat ng ka close niya ay di pa tapos sa pagsagot ng test. Kaya lumabas siyang mag-isa.

Nasa ground floor ang classroom nila. May CR din sa ground floor, pero dahil mas nasanayan niyang mag CR sa 3rd floor malapit sa Computer Room, dahil mas malinis dun, nagpasya na rin siyang dun na mag CR. Nakabukas naman ang ilaw sa hallway sa 3rd floor. Ang tahimik nga lang daw. Dahil wala ng gumagamit doon ng mga classrooms at computer rooms sa ganuong oras.

Nang matapos na siyang mag CR, nag ayos siya ng kanyang mukha, habang nakaharap siya sa salamin sa loob ng CR. Nang bigla bigla na lang umanong may boses ng babae siyang narinig mula sa likod niya na nagsasabing, "Ang ganda naman ng buhok mo, ang haba, huwag mong papuputulan ha??", at naramdaman niya pa umanong hinimas ng babae ang kanyang buhok. Ang babae ay nakaputi daw umano at mahaba din ang buhok, medyo may katandaan na din. Di niya man ito nilingon, medyo nakikita niya pa rin ang imahe nito sa likuran niya habang nakikita niya ito sa salamin.

Nung una ay parang wala lang siyang reaksyon. Dahan dahan umano siyang lumabas ng CR, at nang naka iilang hakbang na siya mula sa CR, dun na raw nanindig ang mga balahibo niya, at nanginginig na siya sa takot (shet, kahit ako ngayon, na nag tatype nito, naninindig na din ang balahibo, nakapag CR din kasi ako ng ilang beses dun sa CR na yun), sa sobrang takot niya, sumigaw siya nang sumigaw habang iyak nang iyak, ayon pa nga sa kanyang guro at mga kaklase, rinig na rinig nila mula sa ground floor ang sigaw at iyak ng nasabing estudyante. Kaya agad silang lumabas, at nagulat nga sila nang makita nila ang estudyante na umiiyak at nanginginig sa takot.

Nagpupumilit na siyang lumabas ng school at umuwi na, ayon sa kanyang guro. Kaya sinamahan nila ito at hinatid na nila ito sa kanilang bahay.

Kinabukasan, pumunta ang nanay niya sa school, kinausap ang Principal, dahil ayaw na raw pumasok ng bata at gusto ng lumipat ng ibang school. Pinuntahan ng Principal ang bata sa bahay nila pero ayaw na talaga ng bata.

Scary StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon