HOY SELOS AKO 1: Landi pa more!

2.9K 126 57
                                    

[Y S A ' S  P O V]

Ako si Ysa Maceda ang dakilang boy hunter..

Paano ko nasabing isa akong dakilang boy hunter?

Simple lang, ako kasi yung tipong nagiipon ng crush.

Ewan ko ba? Hobby ko lang ba to o sadyang baliw lang ako sa LOVE. Hopeless romantic kun baga.

" Hi Clyde."

"Good Morning."

" Aga mo yata?"

Bati ng mga kaklase ko kay Clyde Fuentes. 

Gwapo kasi kaya Famous. 

Matagal ko ng crush to si Clyde at alam ko rin na matagal na niyang alam na crush ko siya. Gusto niyo ng sample? 

"Eheeem, eheeem~" Bumwelo muna ako bago magsalita.

Araw araw na lang ganito ang scenario namin ni Clyde...

"Good Morning Clyde." Bati ni Sophie, ang Class Secretary naming haliparot.

"Good Morning Babes." Bati naman ni Clyde kay Sophie sabay hug.

Lahat ng kaklase kong babae except sakin syempre, ginaganyan niya. 

Yung totoo?! Dapat bang may paghug at babes na nagaganap?!

Pwes magpapatalo ba ako sa kanya?!

"Hubby ko!" Bati ko kay Denmark, isa sa mga Bestfriend ko dito. 

Buti na lang at eksakto lang ang dating niya.

"Good morning Ysa. Ang aga yata ng gera?"  Napasimangot na lang ako sa sinabi ni Denmark. Nang-aasar ba siya?! Pero infairness, tama siya. 

Truth hurts! Huehuehue!

"Babes nilalamig kamay ko, tara holding hands tayo?"  Bigla naman ako napatingin kay Clyde dahil sa sinabi niya kay Mich.

Yung tipong pinagdadasal kong mahiya naman siya  sa balat niya! Hiyang-hiya naman kasi ako sa Holding hands ah! 

Makaganti nga!

"Hi Asawa ko. Kumain ka na ba? I miss you na... " Sabi ko habang kunwari may kausap ako sa phone kahit imaginary friend lang yung kausap ko.

Kung papansinan lang naman ang labanan, aba magaling ako dyan lalo na kung si Clyde ang kalaban ko.

Ganito kami ni Clyde araw-araw. Nagpaparinigan lang kami in a form of paglalandi sa mga kaklase namin. 

ABA MATINDEH Diba?!

"Ano to?! Contest ng pagiging malandi? Yung totoo?! Sino na ang Champion?!" Sarcastic na pagkakasabi sakin ng maganda at sexy kong bestfriend na si Ly. Hahaha.

Pagsinabihan mo kasi siya ng Panget, nako! Hindi ka na makakadaan sa kanto nila. Humanda ka.

"Ang aga aga kasi ng baklang yan eh. Sarap sabunutaaaaan! Bwisit mamatay na siya!" Sabi ko kay Ly habang nagpipigil ng galit! 

Yung feeling ang sarap pumatay ng tao ngayon!

"So pag hindi ka yung nilalandi niya, Bakla agad! Affected na to teh!"  Sabi ni Ly sakin with matching nodding. Kaibigan ko ba talaga to?! Very Supportive ah.

Pero kahit i-Deny ko, totoo naman talaga eh. Saklap Diba?

Kaso kailangan tanggapin, kahit na now a days, medyo nakakaramdam na ako ng selos.

Hoy! Selos ako! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon