HOY SELOS AKO 3: Do you remember? Nagbreak agad?!

1.5K 69 31
                                    

[YSA'S POV]


Tulad nga ng sabi ni Clyde kahapon, Pumunta kami sa isang Butterfly Garden at inulit namin yung First kiss ko Hahaha. Yung totoo Ysa?! Inuulit ba ang first kiss?!

AYY Hayaan na natin. Isipin ko na lang walang nangyaring Kiss kahapon. Dreams really do come true naman eh.

Naglalakad kami ngayon pauwi habang magka-Holding Hands. Grabe sa sobrang kilig ko para gusto ko pang humirit ng isa pang kiss galing sa kanya. 

"Salamat sa paghatid ahihi!" Sabi ko kay Clyde sabay ngiti. Grabe! Ang Landeeeh ko!

"Wala yun. Kita na lang tayo bukas sa school, Bye Beh." Sabi naman niya sakin sabay ngiti. Shemay Ysa! Wag kang kiligin.

"Ingat!" Sabi ko sa kanya habang naglalakad siya papalayo. AWWWW! Makapasok na nga, baka magwala pa ako dito sa sobrang Kilig. Isipin pa ng mga friendly neighborhood namin na may anak sina Mama at Papa na kakalabas pa lang sa Mental. 

Pagpasok ko sa bahay, nanlaki ang mata ko ng makita kong nakatayo si Papa sa tapat ng pintuan namin habang may hawak na sinturon sa kamay. Waaaaaah! Sinturon ni Hudas este sinturon ni Papa! 

"Hi Papa... hehe." Bati ko kay Papa with a smile on my face pero poker face pa din siya sakin!

"Diba sabi ko lumayo ka na sa kanya dahil ikakasal ka na kay Grey! Bakit ang tigas ng ulo mo Ysa!" Paninermon ni Papa sakin.

"Papa ayoko ikasal dun sa Koreano yun kasi hindi ko siya mahal at Ayoko sa singkit!" Pagpapaliwanag ko kay Papa bakit hindi niya ako maintindihan?

"Pwede mo naman matutuhan mahalin si Grey at ano inaarte mo na ayaw mo sa singkit? Bakit? Singkit naman din si Clyde!?" Yuck naman Pa! Wag mo i-compare si Clyde kay Grey!

"Papa Chinito si Clyde at hindi siya Korean katulad ni Grey!"

"Aba! Sumasagot ka pa. Gusto mo makatikim?!" Galit na pagkakasabi ni Papa sabay hampas ng sinturon niya sa pader. Inay ko po! 

"Hindi po. Nagpapaliwanag lang po ako."

"Hala sige! Pasok! Bukas na bukas si Grey na ang palagi mong kasama!" Ano raw?!

"PAPA!"

"Wala ng Papa Papa! Baka ipalunok ko sayo yung Papa ketchup dyan! Pasok sa kwarto mo!" Ang harsh naman ni Papa. Kaya no choice ako kundi pumunta na lang sa kwarto ko.

Parang gusto kong umiyak dahil ayaw ni Papa kay Clyde. Ano ba kasi nakita ni Papa kay Grey at trip niya ako ipakasal sa kanya? Di hamak mas gwapo si Clyde kay Grey! Wag nga lang idadaan sa height kasi talo si BEH kay Grey.

Pero...?

Paano na lovestory namin ni Clyde?


Kinabukasan...

Papunta ako ngayon sa Kusina para kumain, may pasok pa kasi ako.

Pagkababa ko sa hagdanan, laking gulat ko na lang ng makita kong kumakain si Grey kasama ang pamilya ko.

 

"Asawa ko! Tara sabay ka samin kumain." Sabi ni Grey sabay smile sakin ng makita ko. Nahiya naman ako sayo Grey. Bahay mo?!

"Awwwww... Ang sweet niyo talaga ni Ysa." Puri ni Papa kay Grey. Kadiri Papa.

Uupo na sana ako sa tabi ni Mama ng tumingin sakin si Papa na parang gusto sabi saking TABIHAN MO SI GREY KUNG HINDI ITATAKWIL KITA! Kaya eto hala sige lipat ng upuan, dun sa tabi ni Grey.

Hoy! Selos ako! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon