HOY SELOS AKO 4: Magpapakasal ba?

1.4K 78 24
                                    

[YSA'S POV ]


"Are you sleeping, are you sleeping?

Brother John, Brother John?

Morning bells are ringing, morning bells are ringing

Ding ding dong, ding ding dong."



"Promise ko sayo, Paglaki ko ikaw ang pakakasalan ko."



"YYYYSSSSSAAAA!!!"




Bigla kong iminulat ang mga mata ko. Medyo hindi na maganda yung panaginip ko.



"YYYSSSSAAA! Buti nagising na ang demonyita kong kaibigan. Totoo nga ang kasabihang matagal pa machu-chugi ang masasamang damo." Sabi ng OA kong bestfriend na si Ly sabay hug niya sakin. Kahit kailan talaga sobrang concern niya. 

"Concern ka ba?! Pwede ba wag kang tanga." Sarcastic na pagkakasabi ko kay Ly habang hinahawakan ko ang noo ko. Ang sakit kasi ng ulo ko eh.

"Ayos ka lang ba Ysa?"  Nagulat ako ng marinig ko yung boses ni Grey. Kaya agad ako lumingon para makita siya. 

Nandun kasi siya sa panaginip ko.

"Medyo nahihilo." Matipid kong sagot sa kanya. 

Bakit nakita ko si Grey sa panaginip ko?

"Ly, Medyo nahihilo kasi ako. Please call me a doctor, call me a doctor." Paki-usap ko sa kanya. Parang may something kasi sa ulo ko na sobrang bigat.

"Okay... YOU ARE A DOCTOR! DOCTOR KA YSA! BONGGA!" Napa-facepalm naman ako dahil sa sinabi ni Ly.

"Halika ka dito Ly at sasabunutan kita. Sa kagagahan mo, mas lalo sumakit ulo ko!" Sarcastic na pagkakasabi ko kay Ly. Jusmiyo patawarin!

"Ikaw naman, hindi mabiro. Hahahaha." Sige tawa pa more Ly.

"HA-HA-HA Masaya ka na?" Pagtataray ko kay Ly. Nakashabu na naman kasi ang tropa ko eh.

Nagulat ako ng lumapit siya sakin at binulungan ako.

"By the way Best. Gusto ko malaman mong nag-aalala din sayo si Clyde at sabi din niya kailangan niyo daw mag-usap." Bulong sakin ni Ly kaya naman napasimangot ako.

"Sabihin mo NEK NEK NIYA! at Teka nga! Bakit ka ba bumubulong?" Sarcastic na bulong ko na may halong pagtataka.

"Nandito kaya yung ASAWA MO. Baka magselos kasi." Bigla nanlaki ang mata ko. Si Grey ba ang tinutukoy niya?

"Che! Pabayaan mo siya." Hysterical kong sagot kay Ly.

Oo nga, dahil nandito naman si Grey siguro kailangan ko siya makausap.

"Grey pwede ba tayo mag-usap?" Sabi ko kay Grey na nakatayo lang sa gilid ng kama ko.

"Hala ano to?! Nagtataksil ka kay Clyde?! Ysa!" Napatingin naman ako kay Ly ng mag-react siya. Kung pwede nga lang i-tape ang bunganga niya baka kanina ko pa ginawa.

"Siya ang nauna! Krema de pruta siya! Magsama sila ng uod niyang Ex." Sabi ko kay Ly habang pinipilit kong bumangon sa higaan

"Akala ko ka ba nahihilo ka?" Tanong sakin ni Grey, nagulat na lang ako ng inalalayan niya ko bumangon. Sige pagbibigayan kita ngayon Grey. 

Hoy! Selos ako! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon