CHAPTER 8

3.6K 134 14
                                    

CHAPTER 8








Ryan's POV

Naipikit ko na lang ang dalawang mata ko dahil hindi ko maiwasang hindi mainis sa sarili ko. As in sobrang naiinis talaga ako sa mga ikinikilos at ginagawa ko. Hindi ko na rin maintindihan kung bakit hindi ko maiwasang tingnan siya parati. Lalo na kapag naririnig ko ang mga tawa niya habang nakikipag biruan sa mga costumer na pinagdadalhan niya ng mga order. Ewan ko ba, hindi ko na maintindihan pa ang sarili ko. Kahit mismo ko ay naguguluhan na.

Wag kang magpadala sa kanya. Babae ka na kaya dapat ay sa lalake ka lang magkagusto.

"Tama." nabubuhayan kong saad dahil sa naisip ko. "Dapat ay nasa lalake lang ang buong atensyon ko at hindi siya lalaki para mapasama doon." pangungumbinsi ko sa sarili ko habang pinipilit iiwas ang tingin ko sa kaniya.

Papasok na sana ako ng kitchen nang bigla ko na lang makita sila Brylle at Ethan na nasa may pintuan noon. Naka cross arm pa nga silang dalawa sa akin habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko. Napatingin din tuloy ako sa kanila dahil parang inaasar nila ako gamit ang mga tingin nila.

"I smell something fishy." dinig kong sambit ni Brylle. Halatang halata sa tono ng boses nito ang panunukso sa akin. Ewan ko ba, habbit talaga nilang dalawa na inisin ako at sirain ang mood ko araw araw.

"Oo nga eh. Nahahalata mo rin pala." sulsol at pag sang-ayon naman ni Ethan sa pang iinis ni Brylle. Hindi ko tuloy maiwasang hindi matawa na naging dahilan naman ng pagkunot ng noo nilang dalawa. Anong akala nilang dalawa, sila lang ang marunong mang inis?

"May maaamoy talaga kayo dahil mayroong nagluluto ng isda sa kitchen." sarcastic kong sagot sa mga hinala nila. Dahil sa sinabi ko ay napansin kong agad na nag iba ang emosyon ng mukha nila nang sabihin ko iyon. Hindi ko tuloy maiwasang hindi mapangisi sa harapan nilang dalawa. Tumingin pa ako ng diretso sa kanila ng lumapit pa sila sa akin.

"Hoy. Ikaw huh. Umamin ka nga sa amin. Nagkakagusto ka na naman sa babae ano?" tanong ni Brylle sa akin na halos pumintig ang dalawang tainga ko dahil sa mga narinig ko.

"What? Are you out of your mind?" natatawa tawa kong tanong sa kaniya habang nakataas ang isang kilay at naka cross arm. "Pwede ba, wag niyo nga akong pinaglololoko. Alam niyong babae na ang kasarian ko ngayon kaya paano ako magkakagusto sa kapwa ko babae?" pangangatuwiran ko pa sa kanila.

Totoo naman kase ang sinabi ko diba? Babae na ako kaya hindi na ako kahit kailanman magkakagusto sa kapwa ko babae. As in, yuck! Hindi ko ma-imagine ang sarili ko na magkagustong muli sa babae gayung babae na rin ako ngayon. Kumunot pa nga ang noo ko ng bigla silang tumawa ng mahina sa harapan ko. Yung tawa na pigil. At yung pagpipigil nila ng tawa ang sobrang ikinainis ko.

"We know naman na babae ka na ngayon. But always remember, physical lang naman ang binago sa'yo at hindi ang kung kaninong kasarian titibok ang puso mo." paglilinaw at pag papaalala ni Ethan sa akin.

Lalo tuloy akong naiinis dahil sa mga pinagsasasabi nila sa akin. Ewan ko ba dito sa dalawang 'to, mukhang nasisiraan na naman sila ng ulo.

"Whatever!" inis kong sambit saka sila tuluyang iniwan doon.

––

Maganda ang panahon ngayon because it's very sunny. Maulap ang kalangitan at malamig rin ang simoy ng hangin kahit tirik na tirik ang araw. Kasalukuyan akong papunta sa building niya para sunduin siya at yayain na sabay kaming kumain ng lunch sa canteen. Gumuhit naman agad ang napakatamis na ngiti sa labi ko nang makita ko siyang nakikipagtawanan sa mga kaklase niyang babae.

Beks Into Him [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon