CHAPTER 9

3.5K 124 9
                                    

CHAPTER 9








Sofia's POV

Papalabas na sana ako sa kitchen para ihatid ang order ng mga customer ng bigla na lang tumunog ang cellphone ko. Nailapag ko tuloy saglit ang order ng costumer dito sa may vacant table sa kitchen. Kinuha ko naman agad ang cellphone na nasa bulsa ng uniporme ko para tingnan kung sino ang tumatawag. Sinagot ko naman ito ng makita kong pangalan ni nanay ang nasa screen noon. At sa pag tawag pa lang na iyon ni nanay ay agad na akong nakaramdam ng kaba sa dibdib ko.

(N–Nak?) bungad nito sa akin na parang nanginginig ang boses. Sobrang napaisip tuloy ako kung bakit ganoon ang tono ng boses ni nanay.

"Teka nay? Bakit ganyan ang tono ng boses niyo? Ano pong problema?" alalang alala kong tanong. Halos hindi na ako mapakali dito sa kinatatayuan ko simula ng marinig ko ang tono ng boses ni nanay sa kabilang linya. Kinabahan na agad ako ng marinig ko siyang umiyak at parang nanginginig. Malakas tuloy ang kutob na may nangyayari na namang hindi maganda sa bahay ngayon.

(Y–Yung kapatid mo kase...)

Pagkarinig na pagkarinig ko sa paliwanag ni nanay ay agad akong nagtungo sa locker room para makapag ayos ng sarili. Hindi na nga rin ako nakapagpaalam at nakapagsabi kay Ma'am Ryan, Brylle at Ethan dahil agad na akong kumuripas paalis. Hindi ko pwedeng palampasin ang mga nalaman kong detalye kay nanay lalo na't ako lang ang tanging inaasahan ni nanay.

Pagkarating na pagkarating ko sa hospital ay agad akong nagtanong sa nurse na nasa information desk. Nang masagot na nito ang tanong ko ay agad na akong nagtungo sa Emergency Room. At doon ko na tuluyang natagpuan si nanay. Naghihintay sa labas at halos hindi mapakali sa kakalakad.

"Nay? Ano pong nangyari?" bungad kong tanong ng tuluyan na akong makalapit sa kinalalagyan ni nanay. Naagaw ko ang atensyon niya kaya napalingon siya sa akin matapos kong magsalita. At kasunod na ng paglingon nito ang kusang pagtulo ng mga luha sa mata ko. Bigla na lang niya kase akong niyakap ng sobrang higpit at doon nag umpisang humagulgol sa balikat ko.

Ito pa naman ang pinaka ayoko sa lahat. Ang ayoko pa naman sa lahat ay yung nakikita, nasasaksihan, at naririnig ko mismo ng harap harapan ang pag iyak at paghagulgol ni nanay. Nasasaktan na nga agad ako kapag nakikita ko siyang malungkot sa harapan ko, what more pa kapag nasa ganitong sitwasyon na?

Nang maramdaman kong nahimasmasan na si nanay mula sa mga nangyari ay siya na rin mismo agad ang humiwalay sa pagkakayakap niya sa akin. Kasunod na noon ay ang tuluyang pagsagot nito sa tanong ko kanina.

"H–Hindi ko nga rin alam anak. Basta nagulat na lang ako kanina ng makita ko na siyang nakahandusay sa sahig, nanginginig at tumitirik ang dalawang mata." naguguluhan na paliwanag ni nanay sa akin.

Nagtataka siguro kayo kung anong nangyari sa kapatid ko at bakit nagkaganun siya kanina. Isa lang naman ang maisasagot ko sa inyo. Matagal na kaseng may sakit ang kapatid ko. Once na umatake ito sa kaniya ay hindi namin kayang pigilan ni nanay. Walong taong gulang pa lang ang kapatid kong bunsong lalaki noon nang ma-diagnose ng doctor na mayroon siyang sakit na epilepsy. Isang sakit na nakuha niya sa side ng nanay ko. May history kase ang pamilya nila nanay tungkol sa sakit na ito.

Epilepsy is a central nervous system (neurological) disorder in which brain activity becomes abnormal, causing ang seizures or periods of unusual behavior, sensations, and sometimes loss of awareness. At mayroon din siyang uri ng seizures na kung tawagin ay generalized seizures. Ipinaliwanag sa amin ng doctor na mayroon itong six types of generalized seizures na nag e-exist. Ito ay ang: absence seizures, tonic seizures, atonic seizures, clonic seizures, myoclonic seizures, at tonic-clonic seizures. At sa anim na 'yan na binanggit ng doctor sa amin noon, sa atonic seizures napabilang ang sakit ng kapatid ko. Atonic seizures, also known as drop seizures, cause a loss muscle control, which may cause to suddenly collapse or fall down.

Beks Into Him [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon