CHAPTER 25

2.6K 85 14
                                    

CHAPTER 25







Sofia's POV

Ilang linggo na ang lumipas at nagdaan simula ng tanggalin ko na siya sa buhay ko. Ilang linggo na din ang nakalipas at nagdaan simula ng tanggapin ko ang lahat sa aming dalawa. Siguro iniisip niyo na katulad lang din ako ni Ellaine na sinaktan siya at walang ibang inisip kung hindi ang sarili. Pero nagkakamali kayo, dahil hindi ko naman talaga ginusto ang ginawa ko sa kaniya. Nagawa ko lang naman 'yon dahil gusto ko ng umiwas sa kaniya habang maaga pa. Hangga't hindi pa dumarating ang babaeng minahal niya ng sobra noon. Mas mabuti na rin 'to na magkakilala na lang kami kaysa sa mahulog ako sa kaniya ng tuluyan na alam kong ako ang magiging talo sa huli.

Syempre, ano bang laban ko doon sa babaeng matagal niyang minahal? I'm just nothing. Kahit baliktarin man ang mundo, alam kong si Ellaine pa rin ang pipiliin niya sa huli. Pero kahit hindi na kami nagpapansinan at kahit hindi na kami close ay dito pa rin ako nagtatrabaho sa restaurant nilang tatlo. Hindi ako nagresign dahil bukod sa mahirap maghanap ng trabaho ngayon ay pinakiusapan din ako nila Brylle at Ethan na mag stay dito kahit ganoon ang sitwasyon naming dalawa. Wala din naman kase akong choice kung hindi mag stay dito. Dahil kung mag r-resign ako rito ay wala rin akong alam na ibang paglilipatan. Mahalaga pa rin naman ang trabaho kong ito kahit papaano.

"Uy, uuwi ka na ba Sofia?" dinig kong tanong ni Jailena kaya napalingon agad ako sa kaniya.

"Oo. Gusto ko na din magpahinga." maikling tugon ko.

"Sige, sabay na tayo." masayang saad nito sa akin. Dahil wala akong sa mood makipag usap ay tumango na lang ako habang nag aayos pa rin ng sarili. Saktong pagkatapos naming mag ayos ni Jailena ay lumabas na rin kami ng locker room para umuwi. Hindi ko naman dinapuan pa ng katiting na tingin si Ryan kaya dumire-diretso na lang kaming umalis ni Jailena sa restaurant. Kailangan kong gawin 'yon para sa ikaiiwas ng sarili ko sa sakit. Tama na 'yong isang beses niyang ipinaramdam sa akin ang sakit. Sapat na 'yon na dahilan para umiwas na ako sa kaniya. Tahimik lang kaming dalawa habang naglalakad pauwi. Napag desisyunan ko kase na maglakad na lang pauwi kaysa sumakay. Bukod sa wala akong ginastos na pera ay gusto ko rin i-relax ang utak ko. Hindi ko naman akalain na sasama pa rin siya sa akin kahit na maglalakad lang ako ngayon. "Nabalitaan ko 'yung nangyari sa inyong dalawa ni Ma'am Ryan." pag uumpisa niya. Naging dahilan naman iyon para mapatigil ako sa paglalakad. At sa hindi malaman laman na dahilan ay bigla na lang akong napahagulgol sa harapan niya. Bigla ko na naman kaseng naalala ang lahat ng mga nagawa ko sa kaniya.

"Maniwala ka man sa akin o hindi pero hindi ko naman talaga ginusto 'yon. Gusto ko lang naman na maging tahimik na kaming pareho. Ayoko ng magkaroon pa ng komunikasyon sa kaniya dahil malakas ang kutob ko na babalik si Ellaine. At kapag dumating na ang araw na iyon, alam kong ako rin ang magiging kawawa sa huli." sambit ko sa kaniya habang wala pa ring humpay sa pag iyak. Mukha na tuloy akong timang dito dahil sa kakaiyak.

"At sa tingin mo, nalagay ba kayong pareho sa tahimik kagaya ng gusto mong mangyari?" sambit nito kaya natigilan ako sa pag iyak bago tuluyang napalingon sa kaniya. "Look at yourself, umiiyak ka ngayon at patuloy na nasasaktan. Ngayon mo sabihin sa akin, nasaan ang pagiging tahimik dyan?" pagtatapos niya. She rolled her eyes too kaya naiiwas ko na ang tingin ko sa kaniya. Napabuntong hininga pa nga ako dahil sa mga sinabi niya.

"Oo, alam kong nasasaktan ako ng ganito dahil doon pero mas okay na rin siguro 'to. Alam ko rin namang lilipas din 'to at hindi rin magtatagal ay mawawala." sambit ko habang inaayos na ang sarili. Kinuha ko na ang panyo sa bulsa ko at pinunasan ang magkabilang pisngi. "Saka hindi rin naman niya ako gusto kaya hangga't hindi pa lumalalim ang feelings ko sa kaniya, iiwas na ako." sambit ko pa.

Beks Into Him [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon