CHAPTER 56

1.9K 53 6
                                    

Chapter 56

Ryan's POV

Naalimpungatan ako ng may maramdaman akong tao na nasa gilid ko. Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata kaya't tuluyan ko nang nakita ang mukha ng babaeng mahal na mahal ko. Nakangiti sya sa akin ng malawak na para bang tuwang tuwa sya. Ginantihan ko rin naman sya ng isang napakatamis na ngiti katulad ng ipinakita nya sa akin.

"Good morning!" bati nito sa akin kaya lalo akong napangiti. Ginawaran nya agad ako ng isang mabilis na halik sa pisngi.

"Good morning. Kanina ka pa ba dyan?" tanong ko nang umupo ako mula sa pagkakahiga ko. Tumabi naman sya sa akin saka ngumiti ulit.

"Actually, oo. Ang sarap mo ngang pagmasdan habang natutulog" natatawa tawa nitong sambit sa akin kaya hindi ko maiwasang hindi ikunot ang noo ko. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa sinabi nya o maiinis.

"Ayan ka na naman. Inaasar mo na naman ako" sambit ko sa kanya saka tumayo mula sa kinauupuan ko. Tumayo din sya katulad ko saka humarap sa akin. Halatang pigil na pigil sa pagtawa.

"No. I'm just saying the truth.." sagot naman nito. "Hindi ko nga alam na nagsasalita ka pala habang natutulog" dagdag pa nito kaya nanlaki talaga ang mga mata ko.

"A-Ako? Nagsasalita ng tulog?" paninigurado ko pa. Malay ko ba, mamaya ay gumagawa lang pala sya ng kwento para asarin na naman ako.

"Oo. Sasabihin ko ba yun kung hindi ko nakita kanina?" sagot pa nito. Nagulat ako ng bigla na lang lumungkot ang mukha nya. "Do you think I'm a liar?" tanong nyang bigla kaya nagulat din ako. Napalunok tuloy ako sa kinatatayuan ko. Napabuntong hininga tuloy ako sa kinatatayuan ko.

"No. I didn't mean it" sambit ko kaagad. Hindi ko tuloy maiwasang kabahan dahil baka mamaya ay mag away na naman kami dahil sa maliit na bagay.

Pero nagulat ako ng marinig at makita ko syang tumatawa sa kinatatayuan nya. Nag iba tuloy ang emosyon na nararamdaman ko dahil sa nakita ko.

"Pinagtitripan mo na naman ako" inis kong sambit saka lumabas ng kwarto.

"Love, joke lang yun!" dinig kong sambit nya habang hinahabol ako pababa ng hagdan. "Love, saglit" sambit pa nitong muli kaya napahinto ako sa pagbaba ng hagdan saka tumingin sa kanya na walang emosyon na makikita sa mukha ko.

"Joke lang din" sambit ko din sa kanya sabay tawa ng malakas. Agad syang lumapit sa akin saka ako niyakap.

"Akala ko galit ka" saad nya nang maghiwalay na kami sa pagkakayakap. Ngumiti naman ako sa kanya kaya nginitian din nya ako.

"Ako? Galit? Kung marunong kang mag joke, marunong din ako syempre" tanging sambit ko saka kami sabay na nagtungo sa kusina para mag umagahan.

3 months na ang nakalipas simula nang magkaayos kami at magkabalikan. Masaya ako dahil tuluyan nang tinanggap ni Ellaine ang tungkol sa amin ni Sofia. Akala ko nga ay kaya sya naroon nung araw na yun ay para guluhin kami at awayin si Ellaine.

Pero nagulat ako ng malaman kong sya ang naging dahilan para magkaayos kaming muli ni Sofia. Kaya ngayon ay panatag na akong magiging tahimik na kaming muli ni Sofia. Wala nang ibang manggugulo at makakapanira sa aming dalawa. Wala nang magiging dahilan pa ng pag aaway naming dalawa.

Beks Into Him [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon