Chapter One

391 10 1
                                    

“Akin ka! Kuha Mo?”

©Yaj Yram

Chapter One : 

Mala-ninja na sinundan ni Garnet ang kanyang ultimate super duper to the maximum crush na si Trigger Fajardo.

Ang Heartthrob Prince ng kanilang school.

Nabalitaan kasi niya na may date daw ito sa isang cheerdancer ng school nila. Hindi siya papayag na maagaw ito sa kanya o magka-girlfriend ito.

Obsessed na kung obsessed, basta ayaw niya nang kahati.

Nakasunod parin siya hanggang sa loob ng mall papunta sa sinehan. Nakaakbay pa si Trigger habang ang babae naman ay nakaakap sa bewang nito. Hinintay niya munang magsimula ang palabas bago niya ituloy ang kanyang plano.

Wala pang limang minuto ang palabas ay kinuha niya na ang atensyon ng mga tao.

“WALANG HIYA KANG LALAKI KA, AKO NA ANG NAGTATRABAHO PARA IPAMBUHAY SA MGA ANAK NATIN AY NAGAWA MO PANG MAMBABAE.”

Hiyaw niya habang nakaturo kay Trigger at sa babaeng kasama nito. Nanlalaki naman ang mga mata nang dalawa. Itinuloy niya ang pag-arte with matching hagulgol pa.

“ANG KAPAL NG MUKHA NIYONG DALAWA! MGA HAYOP KAYO!!"

Nakarinig siya nang bulung-bulungan sa paligid. Maging ang guard ay tila nakuha niya ang simpatiya.

“HINDI PA BA AKO SAPAT SAYO, AT NAGAGAWA MOKONG LOKOHIN? KUNG KELAN APAT NA ANG ANAK NATIN HUHUHU BAKIT MO KO GINAGANITO."

Tila nagkaroon ng bikig sa lalamunan nila at hindi nakapagsalita dahil sa kahihiyang ipinaparanas ko sa kanila.

"Kawawa naman yung babae, batugan naman pala yung lalaki nagawa pang mambabae."

“Mas maganda naman ng di hamak ang asawa niya kesa sa kabit niya. Haynako iba na talaga ang makakati't malalandi."

“Kung ganyan kaganda ang asawa ko, hindi nako mambabae, baka hindi ko rin yan palabasin ng bahay para hindi maagaw."

“Kawawa naman siya, halatang pagod. Tapos nahuli niya pa ang asawa niyang may kabit."

“Sayang ang ganda pa naman."

Ilan lamang yan sa naririnig niyang bulungan. Effective talaga ang acting skill niya pwedeng pang famas. Lihim siyang napangiti nang unti unti lumalayo ang babae kay Trigger.

Pero maling mali ang ginawa niya, hinablot ko siya, sinabunutan.

Akin Ka! Kuha Mo? (On HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon