Chapter Two

216 7 0
                                    

Chapter Two :

Naglalakad ako papunta sa classroom ko, 15 minutes para sa first class ko pero parang ayokong pumasok. Masama ang pakiramdam ko, ang hirap talaga pag may red days.

“Hi Gee.”

“Good Morning Gee.”

“Hello Ms Gee.”

Ilan lang yan sa mga bumabati sa paglalakod ko sa corridor. Let me rephrase it, yan lang yung mga naiintindihan ko sa sinasabi nang mga tao.

“GARNEEEEEEEEEEEEET.” Oh sh*t, parang ayokong lumingon. Isa lang ang kilala kong laging sinisigaw ang pangalan ko.

“I miss you, Garnet.” Sabi ni Kaizer, kasama niya si Seth. Niyakap nila akong dalawa kahit nasa gitna kami nang hallway. Buti nalang dito na yung room namin.

Nakaakbay sakin si Kaizer habang papasok ng room. Bigla siyang humarap sakin. “Garnet meron ka ba ngayon?” Namumulang binatukan ko siya, siraulo kasi eh. Sobrang blunt ng pagkakatanong.

“Aray ko! Nagtatanong lang eh.” Nakangusong sabi niya.

“Lechugas ka kasi magtanong!!” Sinimangutan ko siya at naupo sa sit ko sa bandang likod tabi nang bintana.

Napansin ko si Trigger na masama ang pagkakatingin sakin, pero hindi ko siya pinansin, masama ang pakiramdam ko kaya wala ako sa mood saka hindi parin ako nakakaget-over dun sa sinabi niya sa bahay kaya papahinga ko muna yung puso ko. Ire-ready ko muna ulit para sa mga pang-hahard niya sakin, sa mga sinasabi niyang harsh words.

“So meron ka nga?” Nagulat ako nang biglang sumulpot yung mukha ni Kaizer sa mukha ko. Ang lakas niya talaga mambwisit.

“Ano bang pinagsasabi mo jan.” Nabibwisit na tanong ko.

“Mainit ka tapos wala ka sa mood, hindi mo bini-bwisit si Trigger. Meron ka nga.” It doesn't sound as a question, talagang statement na yung sinabi niya.

--

Nanahimik na si Kaizer nung dumating na yung prof namin. Hanggang ngayon nararamdaman ko parin yung tingin sakin ni Trigger, kaya nilingon ko siya. Lalo niya kong kinunutan ng noo at tinignan ng masama balewalang binalik ko yung tingin ko sa prof namin.

Ang boring, grabe. I looked at my wristwatch, malapit ng mag time. Hindi na ko papasok sa mga next subject ko, uuwi nako hindi ko na talaga kaya eh. Nahihilo na rin ako.

Tatayo na sana ako para umalis nang biglang pakiramdam ko ay matutumba na ako buti nalang mabilis ang reflexes ni Kaizer at nasalo niya agad ako. Nag-aalalang lumapit sakin si Seth, I just said I'm okay.

Akin Ka! Kuha Mo? (On HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon