Chapter Four : (Second Part)

199 8 3
                                    

Chapter 4 : (Second Part)

Garnet's POV

Nakauwi na sila Seth at Kai, kumakain parin ako ng balot. I just can't help it, paborito ko kasi to lalo na pag may magic sarap at yung masarap na suka na si Yaya Linda ang gumawa.

Bine-blender niya kasi yung mga ingredients tapos saka niya ihahalo yung suka. Ang sarap talaga. Pangatlo ko na to eh, iniwan ako nina Seth nung sinimulan kong kainin yung unang balot.

Ewan ko ba sa mga yon! Kalalaking tao pero ang hina ng sikmura, ang sarap kaya ng balot, lalo na yung sisiw. Yummeh!

Niligpit ko na ang pinagkainan ko at bumaba para ibigay sa maid.

Habang pababa ako ay hindi ko maiwasan ang isipin si Trigger. Ano na kayang ginagawa niya, isang araw ko palang siyang hindi nakikita pero miss na miss ko na agad siya.

I sighed, kelan kaya dadating yung araw na siya naman yung makakamiss sakin.

************

Seth's POV

Nakasimangot na binigay ko ang new favorite jacket ko kay Kaizer habang siya ngising ngisi.

“Thanks tol. I love you na talaga.” Aniya sabay yakap sakin. Agad ko naman tinanggal ang braso niya na nakapalibot sa bewang ko.

“Layo nga! Kadiri ka, hindi ako napatol sa bakla pre, babae din ang hanap ko!” Pang-aasar ko sa kanya.

“Sinong bakla!?” Nakakakita na ako ng imaginary na usok na lumalabas sa ilong at tenga niya. Ayaw na ayaw kasi ni Kai na tinatawag siyang bakla kahit na minsan o madalas na ganun siya umarte.

“Wala! Umuwi ka na nga, nakuha mo na yung jacket ko, lumayas ka na dito.” Pagtataboy ko sa kanya.

Ngumisi siya sakin.  “Salamat ulit ditto bro.” Sabay ngimiti sa akin ng nakakaloko.

---

Nakahiga na ako, nag-iisip. O mas tamang sabihin na iniisip ko si Garnet. Hindi ko maiwasan ang mapangiti sa tuwing naaalala ko siya, yung mga mata niya, yung pink na labi niya, yung maliit pero matangos niyang ilong na napakabilis mamula kapag pinipisil. Si Garnet, siya yung unang babaeng nagturo sa akin kung paano magpahalaga ng babae, siya yung unang babaeng nakakuha ng respeto ko, siya yung unang babaeng handa kong ipaglaban ng patayan kapag may nanakit sa kanya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 17, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Akin Ka! Kuha Mo? (On HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon