Chapter Three

214 7 2
                                    

Chapter Three :


Nagising si Trigger dahil naramdaman niyang may dumudutdot sa mukha niya. Nagulat siya ng pagmulat niya ay malapit na malapit ang mukha ni Tita Margareth sa mukha niya. Hinahatak naman ito ni Tito Arnold palayo sa kanya.

“Ang gwapo talaga ng anak mo bff.” Noon ko lang napansin na nandito rin pala si Mama at Papa.

“Kanino pa ba magmamana yan Gareth? Maganda kasi ang genes namin ni Alexa.” Sabi ni papa.

Lumapit sakin si mama, “Pumunta kami dito kasi hindi ka umuwi kagabi.”

Nagulat ako, “What? Bakit anong oras na ba ma?” Sh*t dito ako nakatulog? Sa sofa?

“Its already 7:45 in the morning son. Tumayo ka na diyan para makasabay tayo ng breakfast kayla Arnold.” Pagkatayo ko ay lumapit sakin si Tita Gareth.

“Bakit kasi dyan ka natulog hijo, marami namang guestrooms, maluwag din ang kama ni Garnet, bakit hindi nalang kayo tabi natulog?” I looked at tita if she was serious or just kidding.

“Gareth ano ka ba?” Saway ni Tito Arnold kay tita.

“Bakit?” Reklamo ni tita sa asawa niya.

“Pasensiya ka na asawa ko hijo, amm ano kasi ikaw ata ang napaglilihian eh.” Sabi ni tito, nagulat ako. Buntis si tita.

“Menopause baby.” Inform sakin ni mama. So kaya pala ganun siya.

“Ang gwapo gwapo mo talaga Trigger, bagay kayo ni Garnet. Pwede bang pahingi ng picture mo?” Seriously naiilang ako kay tita. Nakangiting nakatingin lang sa kanya si mama at papa habang si tito naman ay amuse na nakitingin sa asawa niya. I can really see how visible in his eyes the love for his wife. Na madalas ko ring nakikita pag magkasama si mama at papa.

“YAYAAAAAAA! YAYA NASAAN SI ANNABELLE?” Lahat kami napatingin sa hagdanan kung nasan si Garnet na sumisigaw.

“Its her second day right?” Narinig kong sabi ni tito kay tita.

“YAYAAAAA! YAYA ANO BA!? BAKIT WALA SI ANNABELLE SA CABINET KO!!!!” Halos mataranta lahat ng maids sa pagsigaw niya.

“Diba nilabhan ni Linda si Annabelle?” Sabi ni tita Gareth kay tito na ngayon ay napapahilot sa ulo na parang malaking problema pag hindi nakita  ni Garnet yung Annabelle na hinahanap niya.

“A-ah señorita, k-kasi po ano eh.” Nauutal na sabi ng maids na parang hihimatayin habang nasa harap ni Garnet na ngayon ay nasa sala na.

“What!!? Ano nasaan si Annebelle!!?” Sabi ni Garnet habang binibigyan ng death glare ang maid nila na nanginginig na ngayon. Baka kung ako rin ang nasa posisyon niya manginginig din ako dahil sa sobrang nakakatakot si Garnet na akala mo ay mangangain ng tao.

Akin Ka! Kuha Mo? (On HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon