2061.....
"Carmela..." narinig ko ang isang malambing na tinig na tila gumigising sa akin, kasabay nito ay ang pag ihip ng malamig na hangin na tila yumayakap naman sa akin.
"Carmela" sambit pa ulit ng tinig dahilan upang imulat ko ang aking mga mata.
Nagising ako sa isang pamilyar na lugar, nagising ako sa isang lugar na kailanma'y di ko malilimutan, sa lugar kung saan nag simula ang lahat sa amin ni Juanito.
Hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa aking puso't isipan ang gabing iyon. Parang kalian lang.
Pakiramdam ko ay nasa tabi ko lang siya at masayang nakikinig sa mga kuwento ko na nangyari sa aking buhay, sa mga narating ko at achievements ko, alam kong masaya siya para sa akin at siya ang naging inspirasyon ko upang ipagpatuloy ang buhay ko.
Wala man siya sa piling ko ngayon pero kailanman ay hindi siya nawala sa puso ko.
Hindi ko alam kung paano ako napunta dito, hindi ko din alam kung anong dahilan bakit ako nandito.
Tumingin ako sa paligid ko, at kinapa ang mukha ko.. mukha ulit akong dalaga..
"Juanito.." sambit ko. Nakaupo ako sa tabi ng puno ng mangga habang nakatingin sa mgandang tanawin mula sa tuktok ng burol.
"Juanito" sambit ko pa ulit habang naka pikit at hawak ko ngayon ang sunog na diary.
"Carmela.." narinig ko ang isang pamilyar na boses mula sa likuran ko. Boses na matagal ko na gustong marinig.
Tumayo ako ng dahan-dahan habang nakapikit. Tama ba ang narinig ko? O nananaginip lang ako? Kasi kung oo, ayoko na magising pa..
Dahan-dahan akong lumingon dahil ayokong madismaya kung nananaginip nga ako.
Naistatwa ako sa kinatatayuan ko, nasa harap ko siya! Totoo ba ito? Sinusundo niya na ba ako?
"Carmela, mahal ko.." naiyak na lang ako ng margining ko ulit ang boses nya habang binibigkas ang mga salitang iyon.
~Ikaw ang una't huling
Pag-ibig ng buhay ko
Kay tagal mang naghintay
Nandito ka na aking habang-buhay
Sinlinaw ng langit na bughaw
Hanggang sa dulo ako at ikaw
Iginuhit na ng tadhana
Na tayong dalawa ay maging isa
Habang-buhay
Habang-buhay
Una't huling pagibig ko~
Di ko na napigilan ang sarili ko, tumakbo na ako papalapit sa kanya habang walang humpay sa pagpatak ang mga luha ko at niyakap siya ng mahigpit.
Ang tagal naming hinantay ang araw na ito. Ang araw na makita ulit namin ang isa't isa, ang araw na makita ko ang taong pinakamamahal ko..
Si Juanito.
Ang nagiisang Juanito na nag mamay-ari ng puso ko.
"patawad. Patawarin mo ako kung hindi ko natupad ang pangako ko na magkakasama tayo habang-buhay. Patawad kung iniwan kita. Patawad kung hindi ko na nagawang mag paalam at ipaliwanag ang lahat bago ako lumisan...." Tuloy tuloy ang hingi ko ng patawad sa kaniya habang nakayakap ng mahigpit sa kaniya.
Bumitaw siya sa pagkakayakap ko, galit ba siya? Akala ko maiintindihan nya?
Patuloy pa din ang pag agos ng aking mga luha habang nakatitig pa din siya sa akin at hinihimas ang aking pisnge, pinupunasan nya ang mga luha na walang humpay sa pag patak mula sa aking mga mata.
BINABASA MO ANG
I Love You since 1892 (Sundo)
FanfictionHighest rank achieved: #1 - ILYS1892 (as of July 16, 2019) "Ang pag-iibigan natin ay maisusulat sa huling pagkakataon... at ito ang kahilingan ko." MAHALAGANG PAALALA: Ang istoryang "I Love You since 1892" ay hindi ko pag-aari, ang totoong may akda...