(Sundo) 4

1.5K 28 13
                                    

Pag bitaw namin sa pagkakayakap ay nasa isang malawak na lupain na kami, sobrang ganda ng kapaligiran. OMG. Ito na yung dulo ng lawa ng luha.

Agad na hinawakan ni Juanito ang kamay ko at naglakad kami sa gitna ng mga naglalakihang mga puno ng Narra habang bumabagsak ang kulay dilaw na bulaklak nito.

Maaliwalas ang kalangitan habang umiihip ng sariwang hangin, manghang-mangha ako sa ganda ng paligid.

Sinasalo ko ang mga dilaw na bulaklak na naglalaglagan ngayon. Napatigil ako nang marealize kong nakatingin sa akin si Juanito, nakangiti siya ngayon. Dahan-dahan siyang naglakad papalapit sa akin habang nakatingin ng deretso sa mga mata ko.

Omg. Narealize ko bigla, para akong si Cali (Liza Soberano) sa 'My Ex and Whys' hahaha.

Hinawakan niya ang bewang ko at hinila ako papalapit sa kaniya.

Dugdug. Dugdug.

"ang punong ito ang magiging saksi ng ating pag-iibigan.. na malalagpasan natin ang lahat ng pagsubok sa buhay natin at magiging matatag tayo kahit anong mangyari." Sabi pa ni Juanito.

"Je t'aime... ich liebe dich... ti mo" tugon niya pa.

"tatlong magkakaibang lenggwahe pero iisa lang ang ibig sabihin nito.. Mahal kita" nakangiti niyang tugon.

Napangiti naman ako at tumingin ng deretso sa mga mata niya. "I Love you too"

Napangiti ng todo si Juanito at dahan-dahan niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko, ipinikit ko na din ang mga mata ko at napayakap sa kaniya at buong pusong tinanggap ang matamis niyang halik na habambuhay tatatak sa alaala ko.

Haaay, grabe ang sweet talaga namin. Nakangiti ako habang pinapanood ang eksenang iyon ng marealize ko na nakatingin pala sa akin si Juanito, bigla din niyang pinisil ng mahina ang kamay ko dahilan para mapatingin ako sa kaniya, natawa naman ako sa itsura niya, well.. nakapikit pala siya at nakanguso habang nakaharap sa akin. Hindi ko inakala na ang isang maginoong katulad niya ay aakto ng ganito.

Dinapo ko ang palad ko sa mukha niya at inihilamos iyon sa mukha niya. "asa ka pa" at saka ko siya binelatan.

Bigla naman siyang nagpaawa at naglungkot-lungkutan. Sa mga inaakto niya ay para na siyang si Juanito na nabuhay sa makabagong panahon. Pabebe mode on! Hahahaha.

Bigla kaming napatigil ni Juanito sa pagkukulitan nang marinig ang boses ko. Ngayon ay nandito na kami sa isang tagong silid sa simbahan ng San Alfonso. Sa silid kung saan nagtago si Juanito nung nakaligtas siya sa pagtangkang pagpatay sa kaniya ni Leandro.

I Love You since 1892 (Sundo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon