(Sundo) 2

2.1K 34 6
                                    

NOTE: ANG MGA SUSUNOD NA EKSENA AY GAWA KO NA PO ULIT. SALAMAT J

Biglang nawala yung eksena ng alaala namin ni Juanito.

Hinila naman niya ako papalapit sa kaniya habang nakapulupot ang isa niyang kamay sa bewang ko.

Kumurap-kurap naman ako dahil sa sobrang lapit ng mga mukha namin sa isa't isa.

"mas gusto ko si Carmela, dahil yung ang totoong ikaw, binibini" pag tuloy ni Juanito.

Dugdug. Dugdug.

biglang uminit ang mukha ko, batid kong namumula na ako ngayon kaya bigla akong nagtakip ng mukha. OMG!

Wala ka pa ring kupas sa pag papatibok ng ganito sa puso ko, Ginoong Juanito! MY GHAAAD!

"tanggalin mo na iyan at imulat ang iyong mga mata" ok. Woo! Umayos ka Carmela!, hanggang dito ba naman?!

Tinanggal niya yung kamay ko na nakatakip sa mukha ko.

Nandito na kami ngayon sa isang balkonahe. Oh nose! Napahawak ulit ako sa dibdib ko. Asan na ba yun? Baka hanapin niya yung kahoy na kwintas, dahil dito sa lugar na ito ay...

"marahil nag tataka ka kung na saan ang iyong kwintas" napansin niya pala na parang nataranta ako dahil wala sa leeg ko yung kwintas na kahoy.

Nakaharap kami ngayon sa malawak na lupain at pumunta siya sa likod ko at sinuot sa sakin yung kahoy na kwintas..

"paanong--?" nagtatakang tanong ko.

"huwag mo na alamin kung paano napunta iyan sa akin" sabi niya ng nakangiti sabay kindat sa akin. Oh my ghaaaaaad Juanito! Ano ba?! Hahahaha..

Napa ngiti at napailing na lang ako sa kilig. >.<

"oras na para sa ibang lugar" muli niyang inilahad ang palad niya at ngumiti.

hinawakan ko naman iyon at ngumiti din saka pumikit.

Pag mulat namin ng mata ay nasa bahay kami ng mga Corpuz.

Bigla namang nag flash sa harap namin yung eksenang nag hihilahan at nagtatalo si Sonya at Juanito sa braso ko, dahil gusto ako ipakilala ni Sonya sa mga kaklase ni Ignacio na abogado, dahilan para matawa ako ng medyo malakas.

"gustong-gusto mo naman makakilala ng iba pang lalake" tugon ni Juanito na ngayon ay mukhang naiinis na, dahilan para mas lalo akong matawa.

"Ginoo, hindi ko alam na seloso ka din pala. Bakit hindi mo na lang kasi ako dineretso na gusto mo na ako nung panahong iyan." Pang eecheos ko pa.

"at gusto mo pa talaga magka pen pal na Espanyol" naka simangot na tugon ni Juanito. Teka nga, parang ang sarap pag tripan neto a.

"bakit hindi? Maganda naman ako at maganda ang lahi ng mga Espanyol, kung bubuo man kami ng pamilya ay paniguradong magandang lahi ang kakalabasan nun!" pang aasar ko pa lalo.

Naalala ko, nung mga panahong iyon kaya gusto ko makakilala ng ibang lalake ay para makatakas na sa kanilang dalawa ni Leandro.

Sinimangutan nya lang ako at bigla na nag iba yung lugar, nasa library ng UST.

Biglang nag init ang mukha ko, alam kong namumula na ako ngayon, pasimple akong tumingin kay Juanito, mukhang siya naman ngayon ang may bala para asarin ako ah.

Halos mapunit na ang mukha niya sa lapad ng kaniyang ngiti.

Nag flash yung eksena kung paano kami nag trespass sa library ng UST mula sa hindi naka lock na bintana, eto yung eksena matapos nung umalis kami sa despidida party ni Heneral Corpuz, sa pagkakataong ito ay malinaw at maliwanag ang mga pangyayari. OH! MY! GAAASH! NOOOOO!

I Love You since 1892 (Sundo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon