Natauhan na lang ako nang marinig ko si Juanito.
"ayos ka lang binibini?"
Nasa kwarto kami ni Don Buencamino sa barko papuntang Maynila.
Eto yung eksenang ang alam nila Don Alejandro ay sa Cebu ako papunta ngunit sa Maynila ako nagtungo kasama si Juanito upang tulungan si Don Mariano.
"binibini, noon pa man ay talagang pinagnanasahan mo na ako" natatawang pang aasar ni Juanito.
Yung eksena kasi ay yung biglang umandar yung barko at na-out balance ako buti na lang ay nasa likod ko siya at nahawakan ni Juanito yung bewang ko.
Kitang kita din kung paano ako napa titig sa labi niya at napa lunok dahil sa sobrang nakakaakit nito. OMG! Mukha akong ewan, WAAAH!
Parang hindi naman ito parte ng masayang alaala kasi nag drama siya after niya ako saluhin, dahil ang buong akala niya ay si Leandro ang mahal ko.
Nag flash ngayon yung eksenang binigyan ko siya ng friendly hug.
NOTE: MULI, ANG MGA NAKA SLANT O NAKAPAHIGA NA SALITA AT SUSUNOD NA EKSENA AY GALING SA ORIHINAL NA ISTORYA AT GAWA MISMO NG TOTOONG MAY AKDA (refresh ko lang po, para feels yung kilig scenes)
Aalis na sana ako sa pagkakayakap sa kaniya kaso nagulat ako nang bigla niya akong niyakap ng mahigpit.
"kahit sansdali lang.. kahit limang minuto lang" bulong niya dahilan para maistatwa ako.
"oh d-diba? M-mabisa ang paraang ito para m-mawala ang bigat na nararamdaman mo, h-hindi man ako nag-aral ng medisina tulad mo pero kaya kitang p-pagalingin" bulong ko din sa kaniya.
"tama ka, sa tingin ko ikaw lang ang magpapahilom ng sugat sa puso ko" bulong niya pa. hindi ko naman mapigilang mapangiti dahil sa kilig sa sinabi niya.
OMG! Kitang kita niya ngayon kung paano ako kinikilig sa kaniya, bigla din naman siyang napangiti sa napanood na eksena. Huhuhu.
"sa totoo lang, noon ko pa gustong sabihin na ikaw talaga ang mahal ko at hindi si Leandro, ngunit hindi ko talaga masabi dahil wala akong lakas ng loob" paliwanag ko kay Juanito.
"kahit hindi mo man ako sinipot sa daungan noon, sana nagkaroon pa din ako ng lakas ng loob na hilingin sa iyo na ituloy na ang kasal natin dahil... nahuhulog na ako sa iyo" bulong niya pa at mas lalong humigpit ang yakap niya sa akin.
"kahit pala hilingin ko sa iyo na ituloy natin ang kasunduang kasal ay napaka imposibleng manyari ng hiling ko" sabi pa ni Juanito.
Napatingin na lang ako sa kaniya at hinawakan ang kamay niya. Pumikit na siya at pumikit na din ako.
"binibini" tawag ni Juanito mula sa likuran ko. Pag lingon ko nakangiti siya ngayon at parang nahihiya.
"lawa ng luha?" madami-dami din kaming malungkot na nakaraan dito. Napa smirk lang naman si Juanito. "madami din tayong hindi magandang alaala sa lugar na ito" dagdag ko pa.
Napangiti pa lalo si Juanito. "ngunit, binibini, mas gusto kong balikan ang masaya nating eksenang ito dito" sagot naman niya.
"w-wala.. m-may gusto akong balikan d-dito at umaasa rin ako na sana hindi pa huli ang lahat" sagot ni Juanito sa tanong ko kung may naiwan ba siya sa bahay nila na kailangan niyang balikan. Humakbang siya papalapit sakin. At dahil dun napalunok na lang ako dahil sa kaba.
Dugdug. Dugdug.
Ah! Ang eksenang ito ay ang opisyal na panliligaw sa akin ni Juanito.
"ahh.. a-ano ba yung gusto mong balikan?" tanong ko pa. hindi naman inaalis ni Juanito yung titig niya sa'kin.
BINABASA MO ANG
I Love You since 1892 (Sundo)
FanfictionHighest rank achieved: #1 - ILYS1892 (as of July 16, 2019) "Ang pag-iibigan natin ay maisusulat sa huling pagkakataon... at ito ang kahilingan ko." MAHALAGANG PAALALA: Ang istoryang "I Love You since 1892" ay hindi ko pag-aari, ang totoong may akda...