Kaylee's POVPagkapasok ko sa campus dumeretso na ako sa dorm ko nag-ayos ng gamit. Maya maya pa naman 8 ang start ng klase. Ang aga ko kasi nagising kanina. 5 palang nagising na ako.
6:30 palang kaya naman nagbreakfast muna ako sa restaurant malapit sa campus. Muka naman din masarap ang pagkain.
Pagkatapos kumain naglakad lakad na muna ako. Bumalik na ako ng campus at nagpuntang administration office.
Kinuha ko yung mga forms and uniform ko. May ibinigay din na bracelet. Sabi kasi nila may codes iyon at tracker/ gps for security purposes.
May kulay din yung gitna na may nakasulat na greek word at may parang sign sa gilid. Nahahati daw sa limang grupo ang eskwelahang ito. Na nagsisilbing hierarchy sa school.
White- αέρας (air)🌀
Red- Φωτιά (fire)🔥
Blue- νερό (water)💧
Green- γη (earth)⛰
Yellow- ήλιος (sun)☀️Kasama sa assessment ang pagtukoy sa kung saang grupo ka nababagay. Kada gupo ay kaniya kaniyang personalidad.
Pero kahit di ako nagtake ng assessment kulay puti ang akin. Which means sa highest group ako.
Kasama kaya itong heirarchy na ito sa mission ko? Hindi naman nila nabanggit sakin to ah. Inabisuhan kaming isuot lagi ang bracelet. Kaya kahit hindi ako sigurado. Sinuot ko parin.
Pagkatapos ko makuha ang uniforms at student guide. Bumalik na ako sa dorm para makapagready na sa klase.
Nang matapos mag-ayos. Dumeretso na ako sa school building sa 3rd floor. Masyadong malaki ang school. Hinanap ko pa yung classroom kaya medyo nalate pa ako.
Pagkapasok na pagkapasok ko ay andun na din ang guro sa harapan. Yumuko nalang ako sabay na sumeniyas ang guro na magstay muna ako sa harapan.
"Good Morning class. Please listen. You have a new classmate... Please introduce yourself." Tumahimik ang lahat ng magsalita si Ms. Lene.
Great! I know that this will happen. Pero ayokong nasa sakin lahat ng attention. Parang di ako makagalaw sa sobrang kaba at halo halong emosyon.
Relax Kaylee ang heart rate mo alalahanin mo kung ayaw mong lumabas ang electric shock sa kamay mo. Hindi nila pwedeng malaman ang sikreto mo.
"G-good Morning everyone. I am Kaylee Veron Mendoza. You can call me Kay. I hope to be your friend."
Di naman talaga ako ganun kafriendly. Kung sino lang ang magapproach sakin edi papansinin ko rin.
"Thank you. You may now sit. "
Naghanap ako ng mauupuan and as expected every new student sa likod nakaupo. Medyo malabo pa naman ang mata ko pero okay lang kasi far sighted naman ang pagkalabo ng mata ko.
"Alright. Important reminder. For this whole section. You are assigned to prepare for the school welcoming heirarchy ceremonial that will be held two weeks from now. The student council will help ofcourse but kayo parin ang magaayos ng event."
Hindi ko na muna pinansin ang mga tao sa paligid ko kasi nakafocus ako ngayon kay Ms. Lene. Orientation palang may ipapagawa na agad samin.
"You will be having a meeting to the SC tomorrow at the auditorium. Yan ang parusa sa ginawa ng section niyo last year." Paano naman ang mga new students na gaya ko. Damay parin sa parusa nila. Ano naman kaya ginawa ng section na to last year.
"The new students is exempted ofcourse. That's the reminder from the principal. The schedule of your classes and school clubs is in your handbook that will be given later."
BINABASA MO ANG
Sparks Between You And I In Pandemonium High
Teen FictionA secret agent women who has a secret ability. As she knew that her dad is from (PH) Pandemonium High. She took the mission on exploring the invasive scientific experimentation inside the Pandemonium High. Doon niya nakilala si Mikaelo na naging ma...