-CHAPTER 2-

21 2 0
                                    

Nag ring na yung bell hudyat ng uwian na. Di ako masiyado mapakale sa klase dahil sa bracelet ni Mikaelo. Parehong pareho yung design eh. Yung kulay lang ng strap ang magkakaiba dito sa campus. Kaya nakakapagtaka.

Pagtingin ko sa pwesto niya wala na siya agad

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Pagtingin ko sa pwesto niya wala na siya agad. Gusto ko pa naman siyang tanungin.

Tumingin naman ako kay Luke. At sabay kami lumabas ng room.

Marami pa akong hindi alam sa school na to since limited lang ang info na binigay sakin and this is my first day.

Kaya gusto ko malaman lahat para di naman ako magmukang engot at para alam ko gagawin sa misyon ko diba.

"So ano na explanation mo? Give me a good reason bakit ayaw mo akong sumali sa student council." Sambit ko kay Luke habang naglalakad kami sa hallway.

Ang pagsali ko sa SC ay opportunity para malaman ang tinatago nilang scientific experiment.

"Walang tumatagal na student council member sa kaniya. Lalo VP and secretary positions... Kasi masyado siyang bossy at mahirap pakisamahan. Pag di nasunod ang gusto niya paparusahan ka niya. At kahit anong parusa ang ipataw niya sayo, walang magagawa ang eskwelahan." Sambit ni Luke na may seryosong mukha at huminga ng malalim.

Ano ba kasing parusa ang ginagawa nila sa students?

"Mahigpit siya sa rules and regulations, that even the teachers are afraid of him. He is powerful enough to make decisions that even the office have nothing to do."

Ganun pala siya ka powerful enough but I understand. Being a president in SC has a great responsibility.

"Dapat lang naman na maghigpit sa rules and regulations maganda nga yung ganung president eh. Pero ang pagpataw ng kahit anong parusa ay parang may malaking mali..."

"Hindi mo siya kilala Cess. Basta ang mahalaga binalaan kita. By the way ito yung libro ng rules and regulations ng student council. Para naman aware ka. Sa ngayon di sila mahigpit kasi first day pero bukas humanda ka na." Sabay abot sakin ng isang medyo maliit pero makapal na book.

"Thanks. Ay oo nga pala. May tanong ako. Bakit parang mas lalo nila akong pinagbulungan? Famous ka siguro dito?" Tanong ko habang may mapangasar na muka. Nagtaka lang naman din ako kung bakit.

"Ako kasi ang representative ng buong school. Bukod don ay pareho tayong White Heirarchy Team. Baka iniisip nila girlfriend kita. Hahaha." Sabay wink pa sakin.

Hay nako. Maloko din pala ang isang toh.

"Imposible naman yun." Saby paikot ng mata sa kaniya.

"One more thing hindi mo alam kung sino ang totoo o hindi. Wag ka magtiwala agad. Lahat sila dito kayang makuha ang gusto nila." Ani ni Luke.

"Halata naman eh. At mahigpit ang assessment nila. Pero di ko alam bakit di na ako nag take ng assessment pero nakapasok ako." Oh! Shit! Nadulas ako. Nakalimutan ko sinabi na pala ni Kia sakin na hinack niya yung system para makapasok ako withouth assessment.

Sparks Between You And I In Pandemonium HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon