Claire's POV
Nandito kami ngayon nila Cass at Lexi sa court... Pinapanood itong lampang bakla na ito habang naglalaro ng basketball....
"Claire"
"Hoy Claire! "
Paano ba naman, magsho-shoot lang ng bola nakataas pa yung isang paa.... Tssss... Ang arte neto.. Parang babaeng naka heels lang eh.... Muntanga lang... May saltik ata to—.
"Claire! "
"AYY KABAYONG MAY SALTIK! " nagulat ako nung sumigaw sila;Seriously, ilan bang microphone ang nalunok nila at ang lalakas ng boses. "Bakit ba kayo nanggugulat! Papatayin nyo na ako dahil sa boses nyo eh! "
"Eh kasi naman, kanina ka pa namin tinatawag kaso tulaley ka! " umuusok ang ilong ni Cass habang sinasabi ang mga katagang iyon... Pero syempre joke lang...
"Siguro may gusto ka kay Ace noh! Kaya ka nakatulala sa kanya! " kanino ba natutunan ni Lex na mang asar? Sasapakin ko talaga yun.
"Yak! Mandiri ka nga sa sinasabi mo Lex! Ang hinahanap ko ay lalaki hindi binabae! Duh! " sabi ko sabay irap sa kanila.
"Okay, sabi mo eh" irap na sabi ni Cass
"Tsssss"
**************************
🎶"It might sound strange if I confess,
But you're the one that I've been falling for.
You're my heart shaker shaker, don't wanna miss out
You're my heart shaker shaker, I can't wait.
Just like a fool, what should I do?
So loud and clear, I'll say I've fallen for you.
Everyday I want you, my baby I need you, don't ever go.
Would you be my love? You got me falling in love. " 🎶
Wala lang, trip ko lang kumanta. Nandito kami ngayon sa aming tambayan, or should I say treehouse. Ginawa namin ito nung 3rd-year high school pa lang kami. Ngayon na lang ulit kami nakapunta dito kasi masyado kaming busy o di kaya nama'y tinatamad kaming pumunta dito.
"Don't kumanta, baka magkaroon ng heavy rain fall! Duh!" conyo na pagkasabi ni Cass
"Wow, hiyang hiya naman ako sa boses mo noh! Ang ganda eh! " sarkastiko kong pagkasabi. Nakakahiya kasi sa kanya eh!
"Yeah, I know right!"
"Baka naman bumagyo?! Ang lakas ng hangin eh" sinamaan naman nya ako ng tingin. Pero syempre, di ako magpapatalo. We're glaring daggers to each other...
"Tss, Tumigil nga kayo! Ang ingay ingay... Kitang may natutulog dito eh" sabi ni Ace at bumalik sa pagtulog...
"Kung gusto mo ng tahimik na lugar, wag dito!—"napatigil ako nang makita ko si Lex na ngumingiti mag isa habang nakatingin sa kanyang phone....
Luh! Anyare dun?
Agad ko namang itinuro kay Ace at Cass si Lex na ngayon ay tumatawa ng mag-isa.... Mga ilang minuto din namin syang tiningnan.... Sinabi ko kay Cass at Ace na kunwari magtatawanan kami para makuha ang atensyon ni Lex
"1....... 2....... 3"
"Hahahahahahahaha" nakita ko naman sa gilid ng mata ko na napatingin sya sa amin
"Tapos yung ano... Hahahahahaha Inano ng ano hahahahahahaha" tawang sabi ni Cass.....Inano daw?
"Oo nga hahahahaha parang ano yung ano hahahaha" sabi naman ni Ace wala na ba silang masabi kundi puro ano na lang!
![](https://img.wattpad.com/cover/160937763-288-k611155.jpg)
YOU ARE READING
Falling For A Gay (FFAG)
Teen Fiction"It doesn't matter who you fall in love with, all that matter is you are happy"