Chapter 7

5.4K 69 15
                                    

Naabutan ni Sarah na kausap ng mga handlers niya ang writers ng SGL at creative director ng SGL na si Sir Dido. Natahimik sila nang makita nila si Sarah. Bagamat nahalata ni Sarah na kakaiba ang tingin sa kanya ng mga ito, lumapit pa rin ito sa kanila para bumati at mangamusta.

"Hello po! Pasensya na po at na-late ako ng konti. Ano po ang agenda natin today?," tanong ni Sarah.

"Bebe, pinaguusapan namin yung lineup ng guests at production numbers for July. Kakatapos lang ng brainstorming with Creative pero may kelangan baguhin. Will let you know kapag finalized na. I think you have a meeting with Viva, they will explain everything to you later." paliwanag ni Sir Dido.

"Ah ok po, pinagiisipan ko na rin po kung anong magandang statement songs for July. Gusto ko extra special lahat bilang 24 na ako! Kelangan ko na mag level up diba!," sambit nito.

Sinundan naman ni Gerrome si Sarah sa dressing room nito pagkatapos nilang magusap ng iba pang writers. Siniguro nito na walang ibang kasama si Sarah sa dressing room para makausap ito nang personal.

"Bebe, nakasabay ko si Baby Boy mo kanina. Tinanong ko sya kung makakadaan sya today eh, kaso may meeting daw sya with Nhila. Kamusta na kayo?," usisa ni Gerrome.

"Ok naman kami, Kuya. Siya nga ang naghatid sa akin kanina dito. Kamusta pala ang brainstorming for July? Makakasama ba si Gerald sa birthday episode ko?, tanong ni Sarah.

"Ayun nga ang gusto ko sana i-open up sayo, Bebe. Narinig ko pinauusapan ng mga handlers mo si Gerald. Parang may kinalaman sa concert mo? Hindi ko naman maintidihan ang buong story kasi natahimik sila nung pumasok ako. Kaya naitanong ko kung kamusta na kayo, may problema ba, Bebe?," nagaalalang tanong ni Gerrome.

"Naku, Kuya hindi ko din alam eh, naguguluhan na rin ako kung ano ba talaga ang nangyayari. Hinihintay ko lang na kausapin ako nila Boss Vic. Sana mapagbigyan nila kami ni Ge. Hindi makukumpleto ang birthday celebration ko kung wala siya."

"Alam ko naman yun, Bebe. Worried lang ako para sa inyo. Pero wag ka mag-aalala ako bahala sa birthay episode mo sa SGL. I will make sure it will be a night to remember, promise ko yan sayo!"

"Promise? Salamat Kuya ha, love na love mo talaga kami ni Babe! Ano ba pinakain nun sayo bakit ang lakas nya sayo ha? Ikaw ha, nagseselos na ako! Echos!", natatawang sagot ni Sarah.

"Ay naku, pasalamat ka nauna mo sya nakilala, kung hindi wala ka na baby boy ngayon hahaha! Joke lang, alam mo naman na hanggang wala naman akong chance sa kanya! Patay na patay yun sayo noh! Gusto pa nga maging co-host mo every week sa July, kahit wala daw talent fee!" natatawang kwento ni Gerrome.

"Ang ganda ganda ko no, Kuya? Haba ng hair ko talaga hahahaha! Sabi ko nga mag back up dancer na lang sya para may taga lift ako. Alam mo naman yun, nagseselos kapag may nagbubuhat sa akin na ibang lalaki! Kahit bading ang dancer pinagseselosan! Kaloka diba! " natatawang biro ni Sarah.

"Mahal na mahal ka lang nun, ano ka ba! Hindi naman magoober da bakod yun dito linggo linggo kung hindi ka nun mahal, ayaw lang nya may umaaligid sa'yo. Napansin ko nga namumula tenga nya nung huling guesting ni Kean. Ayaw pa umamin na nagseselos! Wala naman masama kung seloso basta nasa lugar. Ang sweet nga eh! Kelan ko kaya mahahanap ang Babe ko? Hahaha!"

Naputol ang biruan nila nang pumasok sa silid ang mga handlers ni Sarah kasama si Mommy Divine. Nakahalata naman si Gerrome na mahalaga ang pakay nila sa dalaga kaya nagpaalam na rin ito.

Kapansin pansin na kinakabahan si Mommy Divine nang hawakan niya ang kamay ng anak. Hindi naman ito nakalampas kay Sarah at tinanong kung ok lang ito. Hinayaan ng ina na sa handlers ni Sarah manggaling ang desisyon ng management.

Pangako Saiyo ( To Love You More 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon