Queenie's POV
May mga bagay talaga na mahirap ibalik, At may mga bagay rin na hindi na pwedeng ibalik. Tulad nalang ngayon. Paano ko maibabalik lahat ng masasayang memorys namen, Lalo na ngayong hindi nakakaalala si Xyrell. Pero Ewan, Nasasaktan ako! Ayoko na siyang bigyan ng chance. Basta! masaket. Tagos eh.Pinikit ko ang mata ko at pilit inalala ang lahat. Lahat lahat ng panahon na magkasama kame ni xyrell, Magsimula don sa bata palang kame, yung bang halos mamatay matay kame sa kakatawa. Yung mga masasayang memories namen Tsk. Yung ang saya saya naman namen tapos bigla siyang umalis ng hindi nagpaalam pero ano? Heto ako at umasa na magkikita pa kame. Hindi ako sumuko ! Pinilit kong labanan ang sakit at pagkamiss sakanya. Tapos Sa hindi inaasahang pagkakataon. Muli kaming nagkita nanumbalik ang lahat! lahat lahat ng nararamdaman ko sakanya
At Sino ba naman ang makakapag sabi na maibabalik ang dati diba. ang imposible naging posible. pero Panandalian lang ang lahat dahil sa isang aksidente. Nang Dahil sa isang Aksidente Lahat naglaho. Lahat nasayang at higit sa lahat Lahat ng Pinaghirapan kong buoin muli ... Ay parang Abo na dinala ng hangin at naglaho.
Inaamin kong mahal ko si xyrell Kaso. Ano pa nga ba ang magagawa ko diba? Sawang sawa nako! Ano bang pake ko kung mag sorry siya ulit? Hindi naman mawawala yung sakit na nararamdaman ko. nakakasawa na . Naka ilang chance nakong binigay sakanya pero ano? Nasayang! Minsan talaga dapat hindi na balikan ang nakaraan at dapat mamuhay sa kasalukuyan.
Grabe. ang tagal ko na palang namumuhay sa nakaraan. Samantalang andaming Tao na Handang gawen ang lahat Maibigay lang ang lahat saken, Pero ano? Binabalewala ko sila, kase Naka focus parin ako sa nakaraan. NAKARAAN NA HINDI NA PWEDENG BALIKAN>
"Queenie" Napatingin ako kay czerine. Nandito kame ngayon sa Sala. wala Lang, Boring eh
"Oh?" Tanong ko sakanya
"Umiiyak ka" Napahawak ako sa pisngi ko sa sinabi niya. paghawak ko totoo nga. Gosh! Baket bako iiyak!!!!! Tapos na ang lahat,
Suko nako.
Ngumiti lang ako ng pilit at pinunasan ang luha sa mga mata ko,
"Alam kong mahal mo pa siya baket di mo siya bigyan ng chance? at tsaka. Hindi mo siya masisisi .. May amnesia siya!"
"czerine. Hindi mo alam kung gaano kasakit saken ang disisyong ginawa ko! Kung kami talaga para sa isat isa..... Darating ang time na yun Pero hindi ngayon"
"paano darating yun kung ikaw mismo tinutulak mo sarili mo sakanya"
"Tadhana na mismo ang naghihiwalay samen, Saksi ka sa lahat ng nangyayari samen czerine! Alam mo namang bata palang kame nakatakda na kaming ipakasal pero anong nanyare? Umalis sila at iniwan ako. Tapos nung nagkita kami ulit. Magpropropose na siya kaso naaksedente siya at nawalan ng alaala. Sa tingin mo Aasa pako na kame talaga sa isat isa?"
"Yan ang hirap sayo. Masyado kang nagpapadala sa emosyon mo. Walang mawawala kung susubok ka"
"naka ilang subok naba ko? diko na mabilang... Kase Lagi akong sumusubok Umaasa na Maaayos ang lahat kaso anong nanyare? wala rin diba! "
"Pero mahal mo pa siya"
"Mahal ko siya pero kelangan ko ng sumuko."
"Susuko kana agad. samantalang siya lumalaban para sa relasyon niyo, dapat nga ikaw ang nagpapasensya dahil ikaw ang nakakaalala pero siya ano bagng alam niya sa nakaraan niya eh nakalimot siya?"
"Tangina Czerine! di mo alam Paano ko pinaghawakan ang salitang Kaya Ko pa!! Bago ako sumukong ayaw kona Siya lang minahal ko alam mo yan kaso ano? Wala Pinaglalayo talaga kame"
"Trials Lang yan. Sinusubukan talaga kayo kung gaano kayo katatag."
"Tang ina! naka ilang Trials na ba ang dumating samen! lagi akong nag try !! ng try pero ano? Tanga ko wala man lang nanyare "
Napatingin ako sa pinto ng may magsalita.
"Kase di mo kayang tanggapin sa sarili mo ang mga nanyayare" Si xyrell.... at halatang nagpipigil ng iyak
Tumayo ako at pinunasan ang luha ko
"Sawang sawa nako sa lahat ng mga nanyayare! sawang sawa nako sa mga ginagawa mo! Alam mo kung gaano kahirap ipagtabuyan sa tuwing pumupunta ako ng bahay mo? Yung sisigawan mo ko at itratrato na parang aso na pinapalayas sa bahay mo? Alam mo yun! Yung mahal mo unti unting lumalayo sayo? Ang Hirap! Di mo alam kung gaano kahirap saken!!! Di mo alam kase di mo nararamdaman! pesteng amnesia yan! bat dikapa namatyay kung ganyan ka rin naman! Pinatay mo ang Taong mahal na mahal ko! Yung xyrell na naaalala ako at alam ang silbi ko ! Hindi ikaw na walang ala, kundi itaboy ako!"
Nagulat ako ng lumuhod siya at umiyak
"Mahal kita. Wala man akong naaalala pero ang puso ko hindi nakakalimot na ikaw lang .. Ikaw lang talaga Queenie!!! Please patawarin mo nako sa lahat ng nagawa ko...... "
"Tumayo ka!" utos ko sakanya pero hindi siya tumayo nanatili siyang nakaluhod"Alam kong hindi mo ako agad mapapatawad ... pero please bigyan mo ako ng chance. hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag bumalik ang alaala ko at Hinayaan kitang mawala sa buhay ko. Nabuhay ako para sayo.... nagka amnesia man ako. nakalimot man ang utak ko pero ang puso ko nananatiling tumitibok para sayo. Ikaw lang ang mahal ko. basta ewan ko ayokong nakikita kang ganito nasasaktan ako.. please Queenie samahan mo kong bumuo ng panibagong alaala .... Hanggang sa Bumalik ang mga alaala ko..." umiiyak nitong sabi habang nakatingin sa baba
ano pa nga ba ang magagawa ko? Mahal ko siya at ayoko ng ganito. Umupo ako at iniangat ang muka niya
"Tumayo kana" malambing sabi ko habang umiiyak ako
Tumayo siya at yumakap saken yung mahigpit na mahigpit..... Ito ang namiss ko sa lahat.
BINABASA MO ANG
Arranged Marriage with a Gangster Princess
Teen FictionNagmahal ka para sumaya, Pero iba ang dating sa iba. Binigay mo na nga ang lahat di parin nila nakita. Yung tipong sasarilihin mo nalang yung saket.