Queenie's POV
Alam mo yung binigyan mo na nga ng chance nagawa pang ulitin ang sakit na pinaramdam saken. Eto yung ayaw ko eh! Kaya ayokong bigyan siya ng chance dahil alam kong uulitin niya lang. At ang masaket! Binuntis niya, ang saket kase akala ko makakapag simula na kame eh! Yun pala Eto na ang katapusan.
Masaket dahil kung kelan nabalik na ang alaala niya dun pa nangyare eto.
Ganon ganon nalang ba yon ?! Minahal ko siya. Ginawa ko ang lahat! Tapos siya mangbubuntis nalang? Pano ko! Pano ko!!
Ang saket eh! Umasa ako, Baket ganon. Kung kelan handa ka ng magseryoso kung kelan gusto mong ayusin ang lahat dun pa masisira sa isang pagkakamali. Baket naman kase ako naniwala sa mga sinabi niya! tanga ko din eh. Masyado akong nagpadala sakanya. Isipin mo andaming nagkakandarapa saken tapos siya niloko lang ako! Andaming lalaking halos mabaliw makuha lang ang atensyon ko tapos siya nasakanya na lahat ng atensyon ko nagawa parin akong lokohin ng ganito.
Lagi nalang ganito! lagi nalang.
Hindi naman yata ako papayag na saktan ng ganon ganon nalang diba! Ako si Queenie Sheii Prinsesa ng ireland Tinitingala ng lahat! Kinakatukan ng mga nakakakilalang gangster! Napakalakas ko! Tapos papayag akong saktan nalang ? No way!
Hindi ako papayag na ganituhin nalang nila! Ang saket eh. Ginawa ko naman ang lahat diba.
Tinanggap ko lahat ng ginawa niya pero ngayon? Sobra na eh!
"queen" hindi ako tumingin ng tinawag ako ni czerine. Andito ako ngayon sa sala at inaayos ang ilan kong mga papers dahil gusto kong mag bakasyon. Ayoko muna dito sa pilipinas! Ano ba kase ang naisipan ng magulang ko at dito ako pinapunta! pwede naman sa paris may bahay naman kame don. tsk! hindi dito, nakita ko tuloy ulit si xyrell. pero siguro tama na rin yon dahil dati lagi ko siyang iniisip yung umaasa akong makakasama siya ulit pero nung makasama ko siya naging masaya nga ko kaso lalo akong naguluhan pero tama narin yun dahil Luminaw na saken kung ano nga ba ko sakanya
"Queenie alam kong nasasaktan ka sa nanyayare pero please naman wag kang magalit saken"
"Pwede ba czerine! wala kang kasalanan kaya manahimik ka wag mong ipush ang sarili mo sa lugar kung san di dapat! shut up nalang baka makatulong kapa" sabi ko ng hindi nakatingin sakanya
"Galet kaba saken? Sorry kung pinapunta pa kita sa bahay ni xyrell, sorry kasalanan ko ang lahat dahil--"
"Pwede ba! Tumigil kana! wala akong pake sa sasabihin mo tapos na eh" sabi ko at tumayo ako
"Sorry queen--"
"Ponyemas naman czerine! tanga kaba ? Sinabi ko manahimik kana" sigaw ko sakanya.
Nakakainis! Baket ba kase ang kulet niya. Wala naman siyang kasalanan tapos nagsosorry siya Tanga lang !
"Queenie" tawag niya nanaman saken.
"Ano ba czerine! sabi ng tama na eh! manahimik kana" Diko na napigilang mapaiyak. Naalala ko nanaman kase eh. Ang saket saket kase ng ginawa ni xyrell eh. Tapos ipapaalala pa ni czerine. lalo akong napaiyak ng yakapin niya ko
"Tama na sorry na talag" sabi niya at napayakap nalang ako, kelangan ko talaga ng karamay
"Baket ba? ano bang ginawa kong kasalanan? baket ako yung dapat magsakripisyo samantalang ako na nga yung sinaktan" umiiyak kong sabi
"Hindi ko rin kase alam kung paano eh" nakayuko niyang sagot.
"Ginawa ko ang lahat eh, pero baket naman ... baket naman niya ko sinaktan. binigyan ko siya ng chance tapos ganito nanaman ang tanga ko naman kase! baket bako nagpapaniwala sa mga sinasabi niya! this time ayoko na talaga ayoko na rin siyang makita" Sabi ko at umupo sa sofa
"hindi ko papakelaman ang disisyon mo. Basta ako nakasuporta lang ako" sabi ni czerine
Ngumiti ako tumingin dito
pero lalo akong naiyak ng yumuko siya at umiyak din
"Ano ba! wag mokong gayahin" pagbibiro ko dito
"Nasasaktan ako para sayo, Nakita ko lahat... lahat lahat ng sakripisyo mo sakanya tapos sa huli mauuwi lang sa ganito"
"Sorry kung nadamay kapa sa galit ko" pag amin ko sakanya
"Tama na queenie, Hayaan mo nalang. Basta maging matatag ka" Tumango nalang ako dito
Pero buo na ang disisyon ko, Aalis muna ako ng Bansa at magpupunta sa paris para makapag isip isip ng maayos alam kung kaduwagan ang ginagawa ko pero sa tingin ko naman ito ang tamang gawen, kesa naman makisali pako sa buhay ni xyrell. Ayokong maging kontrabida sakanila no! Lalo na magkakababy na siya. SILA! Sila ng Walangya niyang babae
After nameng magdramahan ni czerine. Inayos ko na lahat ng mga papers ko and then nag ayos narin ako ng mga gamit ko
"Ilang months kaba sa paris?" tanong saken ni czerine
"Basta hindi ko pa alam..." sagot ko at ngumiti
BINABASA MO ANG
Arranged Marriage with a Gangster Princess
Teen FictionNagmahal ka para sumaya, Pero iba ang dating sa iba. Binigay mo na nga ang lahat di parin nila nakita. Yung tipong sasarilihin mo nalang yung saket.