C H A P T E R 24

158 2 7
                                    

Zein's POV

Halos madurog na ang puso ko, Mahirap makitang umiiyak ang taong gusto mo laging nakangiti, Mahirap din tanggapin na ikaw ang dahilan kung baket siya malungkot at umiiyak.

Pero siguro tama rin ang ginawa ko, Masaket OO! Pero ito ang tama, Atleast nasabi ko na ang dapat kong sabihin. Ayokong umalis na nag iisa si queenie, ayokong maramdaman niya na nag iisa lang siya . Gusto ko iparamdam sakanya na lahat ng nakapaligid sakanya ay mahal na mahal siya.

Masaya ako dahil nagkaroon kame ng panahon sa isat isa.... Pero siguro kailangan na niyang masanay na wala ako sa tabi niya... '

Pero sa ngayon, Gusto ko at gusto rin naman ni queenie na maging masaya sa nalalabi kong araw sa mundong ito 

"Kapag one week nalang ... Itigl na naten ang pag uusap huh! No comunications and no--" 

"Zein, Ayan ka nanaman eh! Gusto hanggang sa huling tibok ng  puso mo ako ang kasama mo..." 

"Queen. Masasaktan ka lang kapag nakita mo akong ganon, Please ayokong makita mo na ang dating masiyahin at malakas ay wala ng buhay" malungkot kong sabi sakanya.

Ayokong mahirapan si queenie

"Ayoko! Basta dito lang ako sa tabi mo, Please naman zein pati ba naman ito ipagkakait mo?" Maluha luha nitong sabi. Eto nanaman eh! Umiiyak nanaman siya.

"Please stop crying" Nakapikit kong bulong sakanya at yinakap siya

Basta gagawa ako ng paraan para magkaayos sila ni xyrell. Sila naman talaga ang para sa isat isa eh. Umeksena lang ako....

Pero tulad ng sabi ni queenie, Sige! Magiging masaya kame sa Nalalabing araw ko..

"Tara may ipapakita ako sayo" Pilit kong pinasaya ang boses ko

"Ano yon?" nakangiti nitong tanong pero may luha parin sa pisnge kaya pinunasan ko yun at hinalikan siya sa nuo.

Hinawakan ko ang kamay niya at dinala siya sa lugar kung saan Puro bulaklak lang, Garden ng mga bulaklak> Lugar kung san siya nababagay.... Kasama ang mga magagandang Bulaklak..

"Ang ganda" tanging nasabi nito at naglakad lakad at tinignan ang mga bulaklak. Nakatanaw lang ako sakanya habang siya ay masayang tinitignan ang mga bulaklak. 

sana ako nalang si xyrell,  Minsan diko talaga maiwasang maiingget kay xyrell. dahil nasakanya na ang babaeng matagal ko nang pinapangarap. Nasaken nga siya ngayon pero may hangganan naman. Kung ngayon kasama ko siya. Paano bukas? Bukas makalawa? 

Mahirap isipin na iiwan ko ang babaeng nagsilbing Lakas ko.

Kinuha ko yung cellphone ko at pinicturan siya... Ang ganda niya talaga, Napaka perfect niya, Yung ngiti niyang nakakahawa at yung mga tawa niyang parang nagsisilbing awit...  Ang sarap niyang panuorin para siyang dyosa...

napayuko nalang ako nang maisip ko nanaman na kaya ko bang iwan ang babaeng mahal ko?

Tumalikod nalang ako at Palihim na umiyak. Ayokong makita ni queenie na malungkot ako.

Ganito naman palagi eh, Sa gabi... Imbis na matutulog nalang ako, Ayun ako namamalipit sa saket ng ulo ko... 

Aaaays. Queenie! sobrang mamimiss kita. Sana maging masaya ka kay xyrell. Alam ko na mababantayan ka niya at mamahalin higit pa sa pagmamahal ko.

_________________________________

Queenie's POV

Siguro tama na ang lahat ng ito. Siguro tama ang umiyak nalang ng umiyak. Alam kong lumalaban parin si zein, alam ko yun . Kaya nga pinipilit kong sumaya kahit ang totoo andon ang kaba at takot na baka isang araw wala na siya sa tabi ko.

Minahal ko ng sobra si zein kahit sa maikling panahon, gusto kong iparamdam sakanya na napakasaya ko dahil nakilala ko siya.

Napa sweet niyang tao diba? Gusto niya masaya lang ako. kahit sarili niyang kasiyahan isinasakripisyo niya para saken. Kahit masaktan siya tatanggapin niya basta sumaya lang ako.

Dapat nuon ko pa narealize ang present at ang value ni zein... Edi sana na enjoy namen ang bawat araw bawat taon, at sana siya na ang makakasama ko hanggang sa pagtanda namen.

Ewan ko pero kapag nakakakita ako ng bulaklak parang nawawala lahat ng problema ko, Dinala niya ko sa Lugar kung saan puro bulaklak ang makikita mo Lugar kung saan para kang nasa panibagong mundo.. 

Nakakita ako ng bulaklak na super ganda, As in talaga. Lumingon ako kay zein para ipakita yon pero nakatalikod lang siya...

Baket kaya ?

habang pinagmamasdan ko siya... para bang ang hirap niyang abutin... para bang ang layo layo niya.

Nakaramdam nanaman tuloy ako ng lungkot, pero ang ganda niyang tignan,, Nakatayo siya at nakapligid sakanya ang mga bulaklak. 

Zein.... ikaw lang ang nagparamdam saaken ng ganito...... Hindi ko alam kung kakayanin kong mabuhay ng wala ka...

Kinuha ko yung phone ko at pinicturan siya.............. Basta gusto ko lang, Gusto kong maalala bawat araw na magkasama kame,

Alalahanin ang bawat masasayang araw na magkasama kame....

Arranged Marriage with a Gangster PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon