Queenie's POV
Hindi naman sigurong masamang mag try diba? sumubok ulit. Yung tipong gusto mong sumaya ulit. Kahit natatakot kang masaktan nanaman.
Pero kahit ganon pa man. Deserve naman ni zein ang lahat ng ito, Ilang Years niya ba kong hinintay? Ilang years ba siyang palihim na nasasaktan habang ako nagmamahal ng iba.
Si zein Yung tipong kahit anong pagbabalewala mo di magagawang sumuko.
Pero sana naman totoo na to. Selfish na kung selfish ayokong nasasaktan ako!
Pero siguro sapat na yung sakit na naranasan ko kay xyrell diba, Time naman para sumaya ako.
"Queen" napatingin ako kay zein ng tawagin niya ko. Nandito kami ngayon sa Eiffel Tower.
Basta Kinikilig ako, Ito yung dream ko eh, Ang makapunta dito sa paris at magpunta sa eiffel tower kasama ang mahal ko.
Teka ? did i say MAHAL KO?
Totoo naba talagang nafafall ako sakanya? Pero paano kung katulad din siya ni xyrell ?
No! Iba si Zein kay xyrell! Magkaibang magkaiba sila.
"Why?" napatingin ako ng magsalita si zein, Nakatingin siya saken ng deretso, Pero yung mata niya malungkot.
"Wala" Sagot ko at pilit ngumiti
"Alam moba na kapag tahimik ka diko maiwasang isipin na si xyrell ang iniisip mo?" napatingin ako sakanya sa sinabi niya. Tumingin lang siya sa malayo at di ako tinignan. Tumawa siya ng pagak at umiling. Ewan koba feeling ko tuloy napakasama kona! Baket ko ba ito nafefeel. Ayokong madamay pati si zein sa saket na nararamdaman ko
"Mali ka naman ng iniisip eh" sabi ko hinawakan ang kamay niya
Ngumiti lang siya pero di ako tinignan.
"Oooy?" tawag ko sakanya
Tumingin siya saken at ngumiti pero di naman umabot sa mata. "Dito ka lang sa tabi ko ah hanggang sa huling tibok neto" sabi nito at yinakap ako. Ewan ko pero parang may kakaiba. Yumakap nalang ako sakanya kahit punong puno ng katanungan ang nasa isip ko.
"Oo" sagot ko sakanya at ngumiti
"Haaays. Ayoko ng ganito eh, ang tagal kong hinintay ang time na makasama ka tapos magdadrama lang ako hahahah , Sayang marami pa sana akong gustong gawin kasama ka,..... kaso mukang di na manyayare yon" napakunot naman ang nuo ko sa sinabi niya.
"Iiwan mo rin ako?" malungkot kong tanong sakanya.
Hinawakan niya yung buhok ko at hinalikan ako sa nuo. "Hindi ko gagawin yon sayo, lagi lang akong nasa tabi mo" sabi nito at napansin kong namumuo na yung luha niya.
BINABASA MO ANG
Arranged Marriage with a Gangster Princess
Teen FictionNagmahal ka para sumaya, Pero iba ang dating sa iba. Binigay mo na nga ang lahat di parin nila nakita. Yung tipong sasarilihin mo nalang yung saket.